Chapter 3

40 21 0
                                    

''Bakit Ba Nagmamahal Ang Puso?''


By; @CasirayanJunrey


Author's Note; Haixxt, ang tagal ko ring nawala... haha, matagal ba yon? Excited na ba kayo sa Chapter [3] ?? Oh, edi umpisahan na nating magbasa. Pero gusto ko lang pong magpasalamat sa mga taong ito, Pinky XD salamat sa'yo, nakaka-inspire ka. At sa kapit bahay namin dati na si Jenny Canubas, oh eto na po... hehe. Kay Eva Grace M. At kay ate Bianca M. THANK YOU TALAGA, mas na-iingganyo akong magsulat pa dahil sa mga comments nyo, at pati na sa kapatid ko Jasmin Caserayan salamat talaga. MADAMO GID NGA SALAMAT! Sorry, bisaya man gud inyong author, haha. Hindi po ako PROFESSIONAL na writer, at first story ko po ito. Kahat isip lamang po ang kwentong to kaya mag-enjoy na lang kayo sa pagbabasa! Pa-follow na nga rin pala sa Wattpad, @JunreyCasirayan at pati na rin sa Twitter, @CasirayanJunrey .... Okey sige, eto na talaga, Enjoy READING guy'z!


CHAPTER [3]


→→→→→→→→→→→→


                     Nasa school na ako nun at nakikipag-usap kay Angela, tutal wala pa yong guro namin, kaya susulitin na namin to, nyahaha.


''Sino yong kasama mo kahapon? Grabe Erika, ang cute nya... what I mean is, ang pogi-pogi nya!'' kinikilig na saad nya. ''Boyfriend mo ba yon?'' dagdag na tanong niya.


''Ah, pinsan ko 'yon.'' sagot ko naman.


''Anong pangalan nya? Ang gwapo nya ha.''


''Luke Andrew, ang gwapo nya nuh?''


''Oo super, mukhang mayaman sya, diba may sasakyan sila?''


''Oo,'' maikling tugon ko.


''May girlfriend na ba sya?'' tanong ni Angela, haha.. kung alam lang nya, na ang pogi kong pinsan, pogi din ang hanap, haha.


''Ah, girlfriend? Wala siguro.'' sambit ko na lang.


''Buti naman.'' saad nya.


''Hoy, Angela pinsan ko yun ha. Wag yon!'' saad ko, haha buti sana kung patulan ka nun... Lol.


''Eh, pinsan mo lang naman. Teka, ilang taon na yon?''


''15 din sya, magka-edad lang kami.'' sagot ko.


''May mga kuya ba sya? Ilan silang magkakapatid? Paano mo sya naging pinsan?'' sunod-sunod na tanong nito.


''Ang dami mo namang tanong.'' reklamo ko.


Bakit Ba Nagmamahal Ang PUSO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon