Chapter 7

40 19 0
                                    

''Bakit Ba Nagmamahal Ang Puso?''


By; @CasirayanJunrey


Author's Note; Yeah, Chapter [7] na. At papasok na ako sa Chapter na'to, hehe. Extra lang po ako dito, gusto ko lang sumali eh. WOAH! Biruin nyo yun? Ako na nga ang writer... tapos, iextra pa ako, haha. By the way, maraming-maraming salamat sa mga nagbasa, yon ay kung meron man, hehe. THANK YOU sa SUPPORT nyo! Mas na-iinspire akong magsulat.Again and again, THANK'S!


CHAPTER [7]


→→→→→→→→→→→→


                           Maaga akong nagising, yeah may pasok na naman kasi eh. Pagkatapos kung gawin lahat ng dapat gawin sa umagang yon, nagpa-alam na ako kay kuya na papasok na ako. Buti naman at maaga rin syang nagising, haha. Dali-dali lang akong sumakay ng tricycle at ng makarating sa school, nakita ko lang sa may gate si... ang... BOYFRIEND kong si Carl, yeah finally kami na, OFFICIALLY! First day namin to na magkasama sa klase bilang magsyota. Agad lang akong bumaba at nagbayad sa tricycle na sinasakyan ko at pumunta sa kinaroroonan ng mala anghel na nakangiting si Carl.


''Good morning babe.'' saad nyang may abot tengang ngiti sabay akbay sa'kin.


''Same to you, ... babe!'' nahihiyang saad ko, at mabilis lang kaming nakarating sa classroom. Sa tanghali sabay lang ulit kaming naglunch nila Angela, Mark at yeah, di mawawala si Carl nuh, nilibre nya pa nga kaming tatlo eh. Sinabi na rin namin sa kanila ang relasyon namin, at si Angela.... sus kung makatili ang gaga, WAGAS! Si Jerome naman halos di na nakakasama sa'min dahil lagi silang magkasama ng pinsan kong si Luke.


Pagkatapos ng klase 3pm na, dumaan lang kami ni Carl sa park para magpahinga at magpahangin na rin. Papalapit na sana kami dun sa dati naming pwesto sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno, ngunit napahinto kami kasi may isang lalaking naka-upo doon. May hawak-hawak syang gitara. Ilang minuto pa kaming nakatayo lang ni Carl, maya-maya mabilis namang lumapit si Carl sa lalaking yon at sumunod naman ako sa kanya. Napatingin naman yong lalaki sa'min. WOW, ang cute nya. (cute dadtow) Author maniwala ka sa'kin. Cute talaga sya, hehe.


''Hi.'' saad ko sa lalaking yon.


''Hi din.'' tanging sagot nya.


''Tol, marunong kang kumanta?'' tanong ni Carl sa lalaki, tumango naman ito.


''I'm Carl Mendoza and she is my girlfriend Erika Gomez Bermundo.'' pagpapakilala ni Carl sabay lahad ng kamay nya dun sa cute na lalaki.


''uhm... I'm Junrey, Junrey Casirayan, nice to meet you. Bagay na bagay kayong dalawa!'' nakangiting saad nung lalaki at inabot naman nya ang nakalahad na kamay ni Carl at nag shakehands sila. Teka, teka... magkapangalan sila ng Author ng story na ito? Ah, baka naman nagkataon lang. (hoy Erika AKO man jud na! ...ay bisaya, okey uulitin ko, hoy Erika AKO talaga yan!) Weh? (da oy, ayawg too, haha.. bisaya lang yafun!) Seryoso ka Author? Ikaw ba talaga tong lalaking to? (Oo nga!) Edi WOW!

Bakit Ba Nagmamahal Ang PUSO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon