Chapter 1 。☽。 Mr. Dream Bi

170 13 3
                                    

Mr. Dream Bi

QERIAH'S P.O.V🦋

"Lola!!!" Sigaw ko sa kanila ng makita ko siyang nagwawalis sa bakuran. Patakbo akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit.

"Kamusta ka, Apo?" Agad na tanong niya sa 'kin pag-bitaw namin ng yakap.

"Mabuti naman po. Asan nga pala sila dito, Lola? Bakit kayo ang nag wawalis?" Sunod-sunod na tanong ko habang nakakunot-noo na siya namang ikinatawa niya.

"Alam mo naman ako, mas gusto kong may ginagawa kaysa wala. O, siya sige na, pumasok kana sa loob at naroon ang mga pinsan mo at busy maglinis dahil alam nilang ngayon ang dating mo." Paliwanag nila na ikinangiti ko.

"Sige po, Lola. Pasok na po ako baka makita pa ako ni Arthuro dito sa labas." Nahihiyang sabi ko.

Tiningnan naman nila ako na parang sinasabing angharotmoparinapo look kaya tumakbo na ako papasok sa loob baka kung ano pang sabihin ni Lola sa kaharutan ko. Nahihiya din ako 'no!

"Hello! Madlang dabarkads!!" Sigaw ko sa kanila at sabay-sabay silang nagulat sa pag-sulpot ko na parang kabuteng tumutubo kung saan-saan.

"Hi, Ate Qeriah," bati ng pinaka-bunso kong pinsan na si Thea. Sinalubong rin ako ng iba ko pang pinsan at pinag-silbihan na parang reyna. Biro lang.

Pumasok na ako sa kwarto dala lahat ng gamit ko, hindi na ako nagpatulong dahil kaya ko naman. Iniisip ko pa lang na dalawang buwan ako dito, eh, kinikilig na ako dahil marami-rami din akong time para makasama si Arthuro Accling.

Accling means bakla sa probinsyang kinalakihan ko, 'yon ang tinatawag ko kay Arthuro dahil ayaw niyang tinatawag ko siya sa mismong pangalan niya. Arkira daw itawag ko sa kanya pero ayoko kasi ang bantot pakinggan.

Hindi naman niya ako sinasaway kapag tinatawag ko siyang Accling kaya sa tingin ko gusto naman niya kasi totoo naman. Pero sana ako nalang gusto niya.

Almost 5 years ko na ring gusto yung Accling na 'yon kaya lang gusto niya yung pinsan kong si kuya Matthew, pero hindi din naman siya gusto kaya may pag-asa pa ako. The feeling is mutual kumbaga.

Mabilis kong pinag-aayos lahat ng mga gamit ko para mapuntahan ko na si Accling. Kasi what if, eh, na miss niya rin ako? Charing! syempre hindi, sus alam ko na yan! Ba't pa ba ako nag 'what if'.

"Ang fishy naman ng ngiti na 'yan, ate Qeriah," muntik ko nang mabato sa pinsan kong si Sam yung maleta sa gulat ko dahil sa biglang pag-sulpot niya. Siya kasi ang makakasama ko dito sa kwarto.

"Anong silbi ng pinto kung hindi ka muna kakatok?" Pagtataray ko sa kanya.
"Anong silbi ng doorknob kung hindi mo i-lo-lock?" Balik na sagot niya kaya pareho kaming nagtaasan ng kilay pero sa huli ay natawa na lang kami pareho.

"Pupunta pala mamaya dito si kuya Arthuro para mag-tutor kay Thea." Namilog at parang nagkaroon ng puso yung mata ko katulad ng nasa emoji sa sinabi ni Sam sa 'kin.

'Eto na ba yung tinatawag nilang 'butterfly in stomach'? Kinikilig na kinakabahan ako. Makikita ko nanaman ang pogi niyang mukha at matangkad at nakatindig niyang katawan.

Napa-sign of the cross agad ako dahil sa mga kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Ako nawa'y patawarin.

Hindi babae kung manamit si Arthuro dahil sa kilos, galaw, salita at awra lang kaya nasasabi ng lahat na isa siyang Bisexual, pero hindi na mahalaga sa 'kin 'yon, ang imporatante gusto ko siya.

"Sakto hindi ko na siya kailangang puntahan mamaya sa kanila," tugon ko habang nag aayos pa rin ng mga gamit.

"Nandito din ba mamaya si kuya Matthew?" Tanong ko agad at mabilis din siyang tumango na i-kinasimangot ko.

Hindi sa ayaw ko siya dito sa bahay, ang ayaw ko lang, eh, sa kanya nababaling ang atensyon ni Accling. Sa totoo lang si kuya Matthew ang pinaka-close ko sa lahat. Well, close naman kaming lahat ng mga pinsan ko pero iba lang yung closeness naming dalawa. Close ko na nga, karibal ko pa! I don't share, bro.

"Pero aalis din agad si Kuya kasi ihahatid pa daw niya sa work yung gf niya, may kukuhanin lang siya dito." Dagdag agad niya kaya pareho kaming tumingin sa isa't-isa na parang may binabalak with matching taas baba pa ng kilay.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

THIRD PERSON'S P.O.V💫

Matapos maayos ni Qeriah lahat ng gamit nito ay mabilis siyang lumabas ng kwarto para magluto ng pananghalian nila.

Sampo silang mag pipinsan at si Qeriah ang pang apat sa kanila, kaya sa tuwing mag babakasyon ito sa kanyang Lola ay ito minsan ang tagaluto na pabor naman sa kanya dahil natitikman ni Arthuro ang mga luto niya.

Tuwing bakasyon naman nag tatrabaho si Arthuro bilang Tutor ng pinaka-bunso nilang pinsan na si Thea kaya may pagkakataon ito na makita ang long time crush din nitong si Matthew.

Habang nagluluto ay hindi mapigilan ni Qeriah na mapakanta ng Mr. Dream Boy habang hawak ang sandok na magsisilbing mic niya sa pagkanta .

Ang....isip ko'y litong-lito
Di ko alam ang gagawin
Hirap ako sa paghuli nang 'yong pansin
Kapag nasasalubong ka
Dibdib ko'y kakaba-kaba

Kasabay ng pagkanta ay sinabayan niya ito ng sayaw na tumutugma sa lyrics.

Pati ang tuhod ko'y nanlalambot na rin
Hayan na nga't sumulyap na ang mapupungay mong mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala
Ha ha ha?

Mr dream bi Mr dream bi
Ano kaya ang nasa isip mo?
Mr dream bi Mr dream bi
Lagi kang nasa panaginip ko
Doo'y kinakausap ka
At sweet na sweet kang talaga
Medyo may holding hands pa nga
Parang ayoko nang magising pa

Hindi mapigilan ng mga pinsan niya na matawa sa ginagawa ng Ate nilang si Qeriah at ang mas lalo nilang ikinatawa ay pinalitan pa nito ng Mr. Dream Bi ang lyrics na Mr. Dreamboy.

Bumagal ang pagkanta niya nang makita niya si Arthuro na seryosong nakatingin sa kanya, napansin 'yon ng mga pinsan niya kaya napalingon na rin ang mga ito.

Heto ako't litong-lito at 'di alam ang gagawin
Buong maghapon ay nangangarap ng gising
Ini-isip isip kita ang charming mong mga mata
At ang iyong ngiting walang kasing galing
Hayan na nga't sumulyap na ang mapupungay mong mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala
Ha ha ha?

Tila bumagal ang ikot ng mundo ni Qeriah at may kung anong nilalang na humuhukay sa tiyan nito. Kasabay ng lyrics iniisip niya rin kung ano kaya ang iniisip ni Arthuro ngayong nakatingin sila sa isa't-isa? Natatawa ba siya o naiinis?

Mr dream bi , Mr dream bi
Ano kaya ang nasa isip mo?
Mr dream bi , Mr dream bi
Lagi kang nasa panaginip ko

Hindi na nito natapos ang kanta dahil agad siyang tinalikuran ni Arthuro.

"Sandali! Accling!" Habol nito.

Nahawakan niya ito sa pulso at napangisi pa. "Anong masasabi mo sa kanta ko, hah? Mr Dream Bi?" Nakakalokong tanong ni Qeriah.

Inalis ni Arthuro ang pagkaka-hawak sa kanya ni Qeriah at nakapameywang na humarap dito.

"Jusmiyo ka girl! Ang pangit pa rin ng boses mo, walang na talagang pagbabago at kahit si new year tatalikuran ka, eh!" Maarte nitong sagot at lumakad paalis.

Napangiti nalang si Qeriah sa kilig, kahit kailan talaga hindi siya na offend sa mga sinasabi sa kanya ng mahal niyang si Arthuro. Baka gano'n talaga 'yon mag-compliment?

ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

END OF CHAPTER 1🦋🏳️‍🌈

(A/N) : Don't forget to vote and comment! 🙌💗

Mr. Dream Bi (COMPLETED)Where stories live. Discover now