Chapter 10 。☽。 Muling Pagbabalik

135 13 4
                                    

Muling Pagbabalik

QERIAH'S P.O.V🦋

Ngayon ang kaarawan ni Lola Sita at gusto niyang makumpleto kaming mga apo at syempre pati mga anak niya.

Dalawang linggo pa lang ang nakalipas simula nang umalis ako sa lugar na 'to, tatlong araw na ako dito pero ni minsan hindi ako lumabas ng bahay.

Tumutulong lang ako sa mga gawaing bahay pag-tapos ay a-akyat na ulit ako sa kwarto. Hindi na rin ako ang taga-luto dahil nandito naman si Mama at iba ko pang mga Tita para gumawa no'n.

"Ate Qeriah, tara punta tayong bayan!" Aya sa 'kin ni Bhabe—isa sa mga pinsan ko na kasama ko dito sa kwarto, bali apat na kami dito dahil masyado kaming marami at kailangang mag siksikan muna.

"Kayo nalang, gusto ko mag-pahinga." Tugon ko. Kakatapos ko lang maglinis ng sobrang kalat na bahay.

"Sure kang hindi ka sasama ate Qeriah?" Paninigurado pa niya kaya tipid na tango lang ang sinagot ko. Bukas ang handaan, siguradong maraming pupunta kasama si kwan, ayokong makita niya ako ngayon.

Ni wala akong narinig na balita sa kanya kaya minsan napapatanong ako sa sarili ko kung hinanap kaya niya ako? O na-miss man lang?

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba para maligo at sa kamalasang palad pinasampay ko pala sa labas yung mga tuwalya kaya kailangan kong lumabas para kuhanin 'yon.

Eh, ano naman kung makita niya ako at makita ko siya? Hindi din naman siya multo para katakutan ko. Dapat nga siya ang mahiya sa 'kin dahil sa mga sinabi niya noon.

Diretso lang ang tingin ko palabas hanggang sa makapasok at diretso pa rin.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

THIRD PERSON'S POV💫

Sa loob ng tatlong araw na pamamalagi ni Qeriah, ngayon niya lang itong nakitang lumabas. Alam niyang iniiwasan siya nito pero hinahayaan niya lang dahil humahanap pa siya ng tiyempo para makausap ang dalaga.

Nung araw na umalis si Qeriah ay gagsimulang humingi si Arthuro ng tawad sa mga taong malapit kay Qeriah. Pero lagi lang sinasabi sa kanya na wala naman syang kasalanan sa mga ito at kay Qeriah nalang humingi ng tawad at bumawi dahil sa hindi niya pagsuyo dito kahit na may nararamdaman din namin ito sa dalaga.

Si Qeriah ang huling taong hihingan niya ng tawad ngunit hindi niya alam kung paano ito kakausapin o lalapitan dahil hindi na siya gusto pang makita o makausap ng dalaga.

Bukas ang kaarawan ng Lola nito at may pagkakataon na siyang malapitan si Qeriah. Inaamin niya na palagi niyang namimiss ang kapilyahan at kakulitan nito pag dating sa kanya.

Hindi alam ni Arthuro kung paano pa ito makakabawi sa babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin at tanggapin sa kung ano man siya ngayon.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Kinabukasan...

Maagang nagising si Arthuro dahil ngayon ang alis ng mga magulang niya papuntang states para sabay na magtrabaho.

"Ikaw na ang bahala dito Anak," bilin ng Ina.
"Dontcha worry Mudrakels ako na ang bahala ditey, mag iingat po kayo doon palagi ni Ama, ako na rin po ang bahala sa Inang reyna dito." Tumawa lang ang Ina niya at niyakap siya.

"Gawin mo din ang lahat para mapatawad ka ni Qeriah, Anak. Hindi na ulit ako mangingi-alam sa mga bagay sa gusto mo. Kung hindi ka pa rin niya mapatawad, I'm just one call away at ako na ang bahalang kumausap sa kanya."

"Opo pa, gagawin ka ang lahat para makuha ang kapatawaran galing sa kanya and I will make sure na hindi siya mapupunta sa iba. She's all mine." Napangiti naman ang Ama nito sa sinabi niyang 'yon.

"Gusto namin siya ng Mama mo para sa'yo," dagdag ng Ama nito na nagpa-ngiti sa kanya.
"That you, Dad."

Naiwan itong mag-isa sa kanilang bahay, tumutulong naman ang Lola Abuelta niya sa gaganaping handaan ng kaibigan nitong si Lola Sita.

Napag-desisyunan niyang pumunta muna sa isang mall para sa ireregalo niya sa Lola ni Qeriah.

Abala ang lahat sa pag hahanda sa gaganaping kaarawan ni Lola Sita at inutusan si Qeriah na puntahan ang Arthuro sa bahay nila para patulungin sana pag hahanda.

Gusto nitong tumanggi at ipaalam kay Lola Abuelta na kung gaano niya iniiwasan ang Apo nito ngunit hindi siya pwedeng mag reklamo dahil kukurutin siya sa singit ng kanyang Ina kapag hindi siya sumunod sa mga inuutos sa kanya lalo na ng mga matatanda.

Labag man sa loob ay sumunod na ito alang-alang sa singit niya.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

QERIAH'S POV🦋

Nakailang tawag na ako sa labas ng pinto nila pero wala pa ring sumasagot na Accling kaya napag-pasiyahan kong pumasok nalang.

"Nandito ka ba Kwan?" Sigaw ko pero wala kahit na hininga niya akong narinig kaya pumunta ako sa kwarto nito ngunit pag-bukas ko pa lang ng pinto ay tumambad sa akin ang malinis niyang kwarto at wala ni isang anino ni Arthuro akong nakita.

Naupo ako sa kama niya at di hamak na mas malambot pa ito kesa sa akin, eh. Parang ang sarap tuloy matulog.

Nahiga ako at pumikit dahil dinadama ko ang mabango at malambot niyang kama hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok.


ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

END OF CHAPTER 10🦋🏳️‍🌈

(A/N) : Don't forget to vote and comment!🙌💗

Mr. Dream Bi (COMPLETED)Where stories live. Discover now