Chapter 4 。☽。 Protect Him

135 13 2
                                    

Protect Him

THIRD PERSON'S P.O.V💫

"Arthuro! Lumabas ka d'yang bata ka!!!" Sigaw ng Ama ni Arthuro mula sa labas ng bahay nila Qeriah.

Agad na napatayo ang lahat at lumabas dahil sa sigaw na narinig, maging si Qeriah na patulog na sana ay bumababa rin para alamin kung anong nangyayari.

"Ano ba Armolo! Wag kang mag eskandalo dito, nakakahiya kay Lola Sita," pag mamakaawa ng asawa nito na siya namang ina ni Arthuro.

"Kaya hindi nakikinig 'yang anak mo dahil kinukunsinti mo sa mga kalokohan niya!" Galit na tugon nito.

Nakita ni Arthuro ang Ama na galit na galit habang pinipigilan ito ng kanyang Ina. Ayaw nitong makalikha ng eskandalo kaya lumapit na agad ito sa Ama.

"Dad, sa bahay na po tayo mag-usa—," hindi pa man natatapos ni Arthuro ang sinasabi ay nakatanggap agad ito ng malakas na sampal galong sa Ama. Nagulat ang lahat sa nangyari maging si Qeriah ay na estatwa sa gulat.

"Kailan pa 'yang kabaklaan mo? Hindi kana nahiya! Ikaw lang ang bakla sa buong angkan natin! Nakakahiya ka!" Sasampalin na ulit sana siya ng Ama nito ngunit inawat ito ni Qeriah.

"Teka lang naman po Tito, chill lang kayo. Mapag-uusapan naman po 'yan ng maayos at mahinahon." Kinakabahan man ngunit nanatali siyang matatag sa harap ng lahat.

"At sino ka naman para mangialam sa usapang pamilya?!" Kunot noong tanong sa kanya ng matanda. Tumikhim pa si Qeriah bago sumagot. Gusto sana niyang sabihin na siya ang future daughter in law nila ngunit nahiya siya nang makitang nakatingin si Arthuro sa kanya.

"Hindi na po mahalaga kung sino ako, ang mahalaga na lang po ngayon ay kung paano niyo matatanggap si Arthuro bilang baklang anak po ninyo," Nagulat ang lahat sa sinabi niyang 'yon ngunit walang gustong mag salita ni isa sa kanila kaya napagpasyahan niya na i-tuloy nalang nito ang sasabihin.

"Wala naman pong masama sa pagiging bakla, ang masama po, eh, yung tingin at iniisip ng mga tao sa kanya. Alam niyo po bang may nag sabi sa 'kin na kung masaya at gusto mo ang isang bagay, hindi mo na iisipin yung mga taong alam mong hahadlang sa 'yo. Katulad nalang po ni Arthuro, gusto ko pa siya kahit maraming nag sasabi na 'Bakit siya? Eh, bakla 'yan. Marami pa namang iba d'yan, iba na lang.  But I said no, kasi para po sa 'kin naiiba si Arthuro sa lahat."

"Iba-iba naman po tayo ng pananaw sa buhay, kung para sa iba gano'n po siya, sa 'kin hindi at saka, siya pa rin naman po si Arthuro. Yung minahal at pinalaki niyo ng tama, kung may nag bago man sa kanya siguro po 'yung kilos at pananalita lang niya." Nakangiting paliwanag ni Qeriah sa Ama ni Arthuro.

—FLASHBACK—

Hindi mapigilan ni Qeriah ang maiyak dahil hindi siya pinayagan ng Lola nito na i-uwi ang isang pusang nakita niya sa daan habang namimili sila sa bayan. Kasalukuyan siyang nasa bakuran at nag duduyan dahil ayaw nitong makita siya ng mga pinsan niyang umiiyak dahil lang sa pusa.

Narinig ni Arthuro ang iyak ng isang babae dahil kapitbahay lang naman niya ito kaya rinig na rinig mismo. Sumilip ito sa may bakod nila at tama nga ito, may umiiyak nga.

"Psst!" Tawag nito sa babae. Napalingon naman si Qeriah sa pinanggalingang ng boses na iyon.

"Hey bitch, nandito ako sa may bakod," napakunot noo nalang siya ng makita niya ang isang lalaki na nasa kabilang bakod lang.

"Bakit?" Tanong niya habang pinupunasan ang mga luha.

"Anong ginagawa mo d'yan mag isa? At bakit ka umiiyak? Hindi mo ba alam na ang pangit mo?" Sunod-sunod na tanong ni Arthuro.

"Ikaw nga hindi pa umiiyak, pangit na." Pang-babara din niya kaya pareho silang natawa.

"Ba't ka ba umiiyak d'yan, hindi mo ba alam na mukha kang pulubi?"
"Hindi kasi ako pinayagan ni Lola na i-uwi yung pusang nakita ko kanina sa palengke," malungkot na pag-amin ni Qeriah.

"Hayy nako! kung ako sa'yo dai, kukunin ko 'yon! Kahit magalit pa sila sa 'kin."
"Hindi ka ba natatakot na mapagalitan?"
"Hindi no! Tandaan mo lang palagi na kung gusto mo ang isang bagay at masaya ka do'n, hindi mo na iisipin yung mga tao na alam mong hahadlang sa'yo! Kung guto mo balikan natin yung pusa?"

Tila nabuhayan ng loob si Qeriah sa sinabing iyon ni Arthuro sa kanya kung kaya't hindi na siya nag dalawang isip pa na pumayag. Sakay ng motor ni Arthuro ay binalikan nila yung pusa ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nila ito makita pa.

Pero kahit papaano ay gumaan pa rin ang pakiramdam ni Qeriah dahil sa mga sinabi sa kanya ni Arthuro.

"Anong pangalan mo, dai?" Tanong ni Arthuro ng makababa si Qeriah sa motor niya.
"Qeriah...Qeriah ang pangalan ko, ikaw?"
"Arthuro, pero tawagin mo nalang akong Arkiera." maarte nitong sagot na ikinatawa niya.

Simula no'n ay nahulog na ang loob niya kay Arthuro. Excited siya palagi sa tuwing mag babakasyon na ito sa Lola niya ngunit doon na rin nag-simulang mainis sa kanya si Arthuro.

Dahil sa kakulitan nito at sa pagiging straight forward na pag-sasabi ng feelings ni Qeria para sa kanya.

—END OF FLASHBACK—

"Mag usap tayo sa bahay." Seryosong saad ng Ama ni Arthuro at mabilis na tumalikod. Nagka-tinginan pa ang lahat sa isa't isa, ngunit nang mag tama ang mata ng dalawa ay isang matamis na ngiti agad ang ginawad ni Qeriah ngunit hindi iyon nagawang suklian ni Arthuro dahil mabilis na itong tumalikod at sumunod sa mga magulang.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Hindi malaman ni Qeriah kung anong posisyon ang gagawin niya dahil kahit anong pilit niya sa sariling matulog ay hindi pa rin nito magawa.

Matapos nang nangyari kanina ay pinag-sabihan ito ng kanyang Lola na huwag na ulit gagawin ang sumingit sa gulo ng iba dahil madamay pa ito sa galit nila. Hindi naman mahalaga kay Qeriah 'yon dahil ang importante ginawa niya yung alam niyang tama at sinabi sa kanya ni Arthuro noon.

Bumangon ito at kinuha ang cellphone niya para sana i-chat si Arthuro ngunit hindi na ito active. Alas dose na ng madaling araw kaya kahit hindi makatulog ay pinilit pa rin niya ang sarili.

Bukas nalang niya kakamustahin si Arthuro baka nag papahinga na rin ito.

ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

END OF CHAPTER 4🦋🏳️‍🌈

(A/N) : Don't forget to vote and comment?🙌💗

Mr. Dream Bi (COMPLETED)Where stories live. Discover now