Chapter 5 。☽。 Bading Este Bonding

131 12 1
                                    

Bading Este Bonding

QERIAH'S P.O.V🦋

Aligaga ako sa pag hahanap ng pwede kong suotin para mamaya sa date namin ni Accling, kahit na para sa kanya ay bonding lang naming dalawa iyon.

Isang linggo na rin ang nakalipas nang mangyari ang kumprontasyon sa pagitan ni Arthuro at ng Papa niya.

—FLASHBACK—

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na ako samantalang tulog pa yung mga pinsan ko.

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos dahil sa nangyari. Gusto ko lang kamustahin si Arthuro, baka kasi mas lalong nagalit sa kanya si Tito Armolo dahil sa 'kin.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay—sa may duyan at nag hihintay sa kanya, sakto namang nakita ko ang pag labas niya mula sa pinto ng bahay nila. Nakahubad pa ang Accling. Hindi na ako nag alinlangan pa kaya lumapit na ako tutal nasa kabilang bakod lang naman siya.

Hindi ako nito napansin dahil busy siya sa pag hahanda ng mga gagamitin niya sa pag-lilinis ng motor.

Tumikhim pa ako para lang makuha ko ang atensyon niya, hindi naman ako nabigo dahil nagulat pa nga ito ng makita niya ako.

"Good morning, Accling!" Masiglang bati ko na ikina-ngiti niya. Wait...Whattt? Si Arthuro nginitian ako? Namalikmata lang ba ako o namaligno?

"Ganda ng gising natin ngayon ah," biro ko pa.

"Oo dai, pero alam mo na— mas maganda pa rin ako sa lahat ng chaka," nginitian ko lang ito dahil sa naging joke niya, ang pogi niya kaya.

"Kamusta pala yung pag-uusap niyo kagabi ni Tito Armolo?" Nag simula na siya sa pag-lilinis at pag-papaligo ng motor niya.

"Ayos na kami ni Pudrakels siguro dahil sa mga sinabi mo kagabi kaya natanggap niya ako—bilang ako, na anak niya." Nakatitig lang ako sa kanya at binubusog ang mata sa nakakaakit niyang katawan. Charing.

Hindi lang ako makapaniwala na dahil sa 'kin kaya sila nagka-ayos. Nag e-expect kasi ako na lalong magagalit sa kanya si Tito Armolo dahil sa mga sinabi ko.

"Hoy girl! Tulaley ka d'yan? Pinag nanasahan mo nanaman ba ako?" Nadidire niyang tanong.

"Pero talaga? Okay na kayo agad dahil do'n?" Hindi ko pinansin yung sinabi kasi totoo naman.

"Oo dai, may mga kondisyones lang si Ama."
"Ano naman?"
"Secret"
"K. Anyway, mabuti naman na okay na kayo, masaya ako para sa'yo!" Gusto ko sana siyang yakapin para maka-chansing, kaso lang may harang na bakod sa pagitan naming dalawa.

"Salamat nga pala—" hindi ko na ito pinatapos pa sa sasabihin niya.

"Hindi ako tumatanggap n'yan," nakangising sabi ko. Alam kong masamang humingi ng kapalit sa ginawang pag tulong , pero masama naman ako at si Accling naman 'yan kaya keri lang.

"Eh, ano?"
"Gusto ko ng Bading este Bonding"

—END OF FLASHBACK—

Mr. Dream Bi (COMPLETED)Where stories live. Discover now