Chapter 2 。☽。 K

142 13 1
                                    

K

QERIAH'S P.O.V🦋

Hindi ko na pinansin pa ulit ang pagtalikod ni Accling sa 'kin dahil bumalik na ako sa ginagawa ko. Sasarapan ko nalang yung luto ko kasi hindi niya nagustuhan yung kanta ko. O, ako yung hindi niya gusto?

Adobong manok ang naisip kong iluto na may saging na saba, ang pinaka-specialty ko sa lahat ng ulam na niluluto ko.

Inihanda ko na lahat ng mga rekado para sa Adobo habang nag-hihiwa ng sibuyas ay hindi ko mapigilang mapaluha, bakit ganon? Ilang taon ko na siyang gusto pero hindi niya ako magawang gustuhin pabalik? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? And whyyy!!?? Charot!! Dinama ko lang yung luha ko gawa ng sibuyas, sayang yung luha kung walang rason.

Kung hindi ako gugustuhin ni Accling, ipipilit ko pa rin. It takes time nga ika nila, makukuha ko din ang lamang loob niya at i-sasahog sa Adobo ko, biro lang, makukuha ko rin ang loob niya at kapag nangyari 'yon papakasalan ko siya agad.

Nag-handa muna ako ng memeryendahin nila Arthuro at Thea kahit umaga pa lang, mahirap naman kung puro ka salita tapos wala kang ngino-nguya, kahit ako naman talaga yung nahihirapan para sa kanila hehe.

"Sam, dalhin mo nga sa kuya Arthuro mo itong juice at meryenda nilang dalawa ni Thea," utos ko. Gusto ko sanang ako nalang kaso baka awayin niya ako sa harap ng pinsan ko, mahirap na.

Habang abala ako sa pagluluto narinig ko muna dito sa kusina ang isang malakas na busina na nagmumula sa labas ng bahay, sigurado akong si kuya Matthew na 'yon. Sinilip ko mula sa sala si Arthuro at tama nga ako nakangiti na ang Accling. Umikot ng 360° ang mga mata ko dahil sa inis.

"Ohh Brad, nandito kana pala?" Rinig kong sabi ni kuya Matthew.

"Oburepkors, sayang naman ang binabayad sa 'kin kung hindi kita makikita este matuturuan itong princess Thea niyo." Sumingkit ang mga mata ko sa malanding sagot niya. Ang harot!

"Sabihin mo lang, gusto mo din akong makita, hindi yung ang dami mo pang sinasabi d'yan," hirit ko sabay kindat kaya natawa na lamang si Kuya Matthew.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, dai! Kadiri ka." Mataray at direng-direng tugon niya.

"Tumigil na kayong dalawa at may nakatinging bata sa inyo," suway ni kuya Matthew kaya umirap si Accling.

Binalik ko nalang ulit yung atensyon ko sa pagluluto, matatapos ko na rin naman na ito tapos i-papasok ko lahat sa ngala-ngala ng maharot na Accling na 'yon! Charot.

"Qeriah, ikaw na muna bahala dito may pupuntahan lang ako." Bilin sa'kin ni Kuya.

"Hindi ka ba kakain muna? Patapos na rin ako dito," sagot ko.

"Oo nga Matthew, kumain ka muna bago ka umalis," pag sang-ayon sa 'kin ni Accling.

"Mamaya na ako, mauna na kayo." Lumabas na siya agad para siguro hindi na kami mag talo-talong tatlo. Mabuti na 'yon para nasa akin ang atensyon ni Arthuro.

Matapos kong magluto ay nagpatulong na ako sa mga pinsan kong mag-hain, tinawag ko na rin si Lola sa may bakuran. Hindi pa niya ako agad narinig dahil busy siya sa pakikipag chismisan sa Lola ni Arthuro na nasa kabilang bakod lang.

Pag matanda na ako siguro ganiyan nalang din gawain ko, gawain namin ni Arthuro what I mean. Kasi kung hindi rin siya siguro tatambay nalang ako sa loob.

Nang bumalik ako ay nasa hapag na ang lahat at kami na lang pala ni Lola ang wala kaya na-upo kami agad. Sinigurado talaga ni Accling na hindi ko siya matatabihan pero buti nalang at magkatapat pa rin kaming dalawa. Don't me!

"Kamusta naman pag-aaral mo, Apo?" Pangbabasag niya sa katahimikan.

"Mabuti naman po, medyo mahirap lang yung Education Course pero keri lang," tugon ko.

"Wala bang nanliligaw sa'yo do'n?"
"Syempre Lola meron, ako na 'to eh. Pero syempre mas gusto ko pa rin si Arthuro!" Sabay kindat kay Accling. Natawa naman silang lahat maliban sa isa dahil nakasimangot na ito.

Natawa nalang din ako. Mas lalong guma-gwapo sa paningin ko si Arthuro kapag nakikita ko siyang naiinis dahil sa 'kin.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Matapos naming mananghalian ay bumalik na ulit ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa, samantalang ako nandito sa kwarto at nabubugnot. Ayoko namang guluhin yung Tutorial Session ni Accling at ng pinsan ko.

Siguro matutulog muna ako at mamaya ko nalang guguluhin sa chat si Accling tutal pagod din naman ako sa byahe kanina tapos madami din akong ginawa pag dating ko pa lang.

Gina-gaslight ko na sarili ko dahil gusto ko na talagang matulog pero sinasabi ng konsenya ko na 'wag dahil nandito pa si Accling baka isipin niya na isa akong batugan.

Kinuha ko nalang sa may side table ng kama yung cellphone ko para mag message kay Accling tutal hindi naman ako makatiis.

Accling Arthuro🦋🏳️‍🌈
    •Active Now

Hi, my Mr. Dream Bi! 2log
mUn4 AkU, wAg mO 4ku
hAn4piN muah 💋

Pagka-sent ko ng message ay natawa nalang ako sa sarili kong typings, mabuti nalang hindi siya nag rereklamo sa mga paganon ko.

Nang may nareceived akong message hindi na ako nag alinlangang tingnan 'yon.

Accling Arthuro🦋🏳️‍🌈
    •Active Now

K

Napangiti ako sa reply niya. Kahit naman isang letter lang 'yon ang importante nag reply siya sa 'kin dahil sa sampong message ko, isa o dalawang beses lang siya kung sumagot.

Hinanap ko yung emoji na may dalawang puso sa mata sabay send sa kanya. Ilang minuto pa akong nag hintay pero seen lang inabot ko kaya napag pasyahan ko nang matulog, mamaya ko na lang ulit siya guluhin, inaantok na talaga ako.

Pero sisilipin ko lang sandali si Accling. Dahan-dahan lang ako sa pag-baba ng hagdan, mabuti nalang nakatalikod ito mula sa 'kin kaya hindi niya ako napansin.

In fairness, kahit nakatalikod ang pogi niya pa rin. Siguro next time ako naman ang magpapa-tutor sa kanya.

Nakita kong lumingon mula dito sa hagdan si Thea kaya dali-dali akong umakyat sa hagdan, muntik pa akong mangud-ngod sa pag-mamadali para lang hindi ako makita ni Arthuro my heaven in the sky between the earth and sun, muah muah supsup. Charing!

Padapa akong nahiga sa kama at nag imagine ng mga kung ano-ano para lang makatulog. Ini-imagine ko na agad yung future namin ni Accling kaya heto ako at kinikilig.

Nag-taklob na ako ng unan sa mukha para mabilis na makatulog, hanggang sa unti-unti nang pumikit ang mga talukap ng mata ko.

ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

END OF CHAPTER 2🦋🏳️‍🌈

(A/N) : Don't forget to vote and comment! 🙌💗

Mr. Dream Bi (COMPLETED)Where stories live. Discover now