Chapter 7 。☽。 Happy Birthday

135 13 2
                                    

Happy Birthday

QERIAH'S P.O.V🦋

Nagising ako na masama pa rin ang pakiramdam. Kung kailan naman birthday ni Accling saka naman ako trinangkaso, dapat pala sumilong nalang ako kesa nag-drama sa gitna ng ulan, ito tuloy napapala ko.

Pinilit kong bumangon kahit nanghihina pa rin yung katawan ko. Gusto kong tumulong sa pag aayos para sa gaganaping party ni Arthuro mamaya.

Ngayon ang ika-labing isang kaarawan ni Arthuro ibig sabihin ay debut na niya.

Hindi pa man ako nakakarating sa pinto ay bumalik na ulit ako sa pagkaka-higa. Hindi ko talaga kaya. T~T

Napalingon ako sa pinto dahil sa pag pasok ni Kuya Matthew na may dalang mga pagkain—sakto nagugutom na ako.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito sabay lapag ng tray sa may side table.

"Kasing sama ni Satanas," biro ko na ikinatawa naming dalawa.

"Sa susunod wag ka nang maligo sa ulan, mag pagaling ka para makapunta ka sa party ni Arthuro." Bilin niya bago lumabas.

Nilantakan ko na yung mga pagkain at prutas na dala niya, kahit na mapait yung panlasa ko, uminom na rin ako ng gamot. Sayang naman yung regalong binurda ko kung hindi ko iyon ibibigay sa mismong kaarawan niya.

Kinuha ko sa may ilalim ng unan yung cellphone ko, umaasa na may message si Accling kahit na isang tuldok man lang pero nabigo lang ako. T~T

Nag deactivate na ako ng account tutal wala namang kwenta.

Sinubukan ko ulit tumayo para ibaba yung mga pinag-kainan ko, ayokong mag utos, hindi ako donya sa pamamahay na ito!

Dahan-dahan lang ako sa pagbaba ng hagdan na animo'y isang tuod. 10 years later~ Charot. Para akong pagong sa bagal kong mag lakad.

"Asan si Lola?"
"Ate Qeriah, ba't hindi mo nalang ako tinawag?"
"Eh, kaya ko naman,"
"Baka magalit si Lola sa 'yo n'yan," umiiling-iling pa ito at kinuha yung hawak kong tray.

"Asan ba si Lola?" Tanong ko ulit.
"Tumutulong siya do'n kina kuya Arthuro."

Tumango lang ako bilang tugon. Rinig na rinig mula dito sa bahay ang malakas na tunog ng videoke. Kating-kati na akong sumilip kaso baka makita ako ni Lola—papagalitan niya ako.

"Asan yung mga bata dito sa bahay?" Napansin ko kasi na walang magulo at maingay.

"Nando'n rin, nakikipag-laro sa mga bisita ni Kuya Arthuro na mga pinsan niya,"
"Ehh ikaw? Wala ka bang balak pumunta do'n?"
"Kung pupunta ako, sinong kasama mo?"
"Kaya ko mag-isa, I'm strong and independent, 'no!"
"Weh? Pero pag kasama mo si kuya Arthuro hindi na?" Tumatawang tanong niya, pabiro akong umirap dito dahil may point siya.

Bumalik na ako sa kwarto at nag hanap na lang ng susuotin para mamaya, gusto kong maging maganda sa harap ni Accling.

Mag dress kaya ako? Hindi kaya masyadong OA tingnan? Bahala na, ang importante maganda.

White off shoulder dress, hanggang binti ang haba na may black butterfly design na belt. Super ganda omg! Bigay ito sa 'kin noon ni Mama noong nag debut ako. Ngayon ko lang isusuot sa birthday ni Arthuro.

Mr. Dream Bi (COMPLETED)Where stories live. Discover now