XIX

24 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻


"GUYS, check your phone."

A message from Kennedy pops out in my messenger. Kunot-noo naman akong napatingin sa message niya at kaagad na nagtipa.

"Why? Anong meron?"

"That f*cking app is back."

I skipped a beat when I read Ken's message.

"Check yours, Jenna."

Awtomatiko akong nag exit ng messenger at sinunod ang sinabi niya. Napatakip ako ng sariling bibig sa sobrang gulat nang makumpirmang naroon nga ang app na 'yun.

This can't be. As far as I know, I was able to delete that app yesterday. Papaanong naka-install siyang muli? Why? How?

Gigil akong pinindot ang app at sinubukang i-uninstall iyon pero isang pulang mensahe lang ang nakikita ko pagkatapos.

"The application failed to process the request at this time. Please try again later."

Napamura ako nang di oras dahil paulit-ulit kong natatanggap ang error message na yun habang sinusubukang burahin ang application sa cellphone ko.

"Guys where are you?"

Napatingin akong muli sa nag pop out na message galing sa group chat naming magkakaibigan. It was Jadi.

Ngayon na lang ulit namin siyang naramdaman matapos niyang mag-walk out noon. Dahil na rin sa mga nangyari ay hindi ko na siya nakausap pang muli.

"6pm today at our meeting place."

Hindi pa man ako nakakapag-reply sa unang tanong niya ay nakatanggap ulit ako ng isa pang message niya.

Is this because of the app?

Kaagad akong napaisip at nang makapag-decide ay kaagad akong nagtipa sa aking phone.

"I will be there. We should talk."

The three of them seen my message but none replied. That means a yes.

Napahiga ako sa kama at tinapon sa tabi ang cellphone na hawak. Hindi ko pa nga napa-process ang pagkawala ng dalawa sa matatalik kong kaibigan, may panibagong pagsubok na naman kaming dapat na harapin. Hindi na kami nilubayan ng lecheng app na ito.

Ano bang meron sa app na ito at bumalik ulit? May virus ba ang phone ko? Do I have to change it?

Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa dami ng iniisip. Sumakit lang din ang ulo ko sa ginawa. Naramdaman ko naman ang hapdi sa kamay kung nasaan ang nasunog kong balat.

This really needs to stop. I might not know how but we need to stop this as soon as possible.

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

A/N: Constructive criticism are always open and welcome po. Feel free to drop/share your thoughts.

Red Parrot (PUBLISHED UNDER 8LETTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon