VI

39 3 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

Napalapit kaming bigla sa kaniya nang basahin niya ang kanyang dare. Mapamura pa ako nang di oras nang makumpira ito.

"What the f*ck is this? Is this some kind of a joke? This ain't funny!"

Bakas sa mukha ni Kennedy ang takot at pag-aalala samantalang inis ang nangibabaw kay Deina. I was about to suggest na mag generate na lang ng panibagong dare when I realized that it cannot be changed. It's either she does it or ignores it. Obviously, she will choose the latter. Sino ba naman ang gagawa 'nun sa isang kaibigan?

"I'm getting annoyed with this app!" Deina let out his frustrations to us. Lumapit naman sa kanya ang kakambal na si Dreino para pakalmahin.

"Why don't you just let that timer stop and then you're good just like Alexa." Kalmado ngunit halata sa boses ng kakambal ang pag-aalala.

"Speaking of Alexa, where is she? Kanina pa siya wala, ah?"

Napaisip ako sa tanong ni Jadi. Siyang tunay. Kanina pa namin ito hinihintay pero hindi pa rin siya nagpapakita. May nangyari bang hindi maganda sa kanya?

As if on cue, bigla akong nakaramdam ng kaba. Weird. Dahil pakiramdam ko ay hindi ako mapakali ay nagpaalam muna ako sa barkada at pupunta lamang ng CR.

Pero yung kabang kanina ko pa naramdaman ay biglang napalitan ng gulat at takot nang may nakita akong hugis ng tao ang nakahandusay sa loob ng banyo. Nagkalat ang dugo nito sa semento at may nakabaon pang kutsilyo sa may dibdib nito. Nang ma-realize ko kung sino ang taong 'yun ay isang umaalingawngaw na sigaw ang pinakawalan ko.

S-si Alexa…

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

A/N: Constructive criticism are always open and welcome po. Feel free to drop/share your thoughts.

Red Parrot (PUBLISHED UNDER 8LETTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon