V

42 3 0
                                    

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻


IT was almost nine in the evening. Oras na rin ang lumipas matapos hindi magawa ni Alexa ang dare niya pero wala namang nangyayari sa kanya. I guess, Kennedy was wrong afterall.

Sino nga ba naman kasi ang mamamatay kapag hindi nagawa ang isang dare gamit ang isang app?

"Okay, now that we all know na wala namang masamang nangyayari we can rest for now. Let's just figure out kung paano natin ma-exit ang lecheng app na to." It was Dreino. He's sitting in a couch habang bored na bored na pinapaikot ang sariling phone gamit ang mga daliri.

Truth be told, hanggang ngayon ay hindi pa rin naman magawang i-shutdown ang app which is uncommon and weird.

Magdamag tuloy akong walang social media. Napagdesisyunan naming magkita-kita sa tambayan para ipagpatuloy ang dare. The only way for us to exit the game is to play with it.

"Damn, where is she?" I can see how irritated Jadi was referring to Alexa. It's been a couple of hours pero hindi pa rin kasi siya dumarating.

"Just because her phone is perfectly working now after playing that dare game ay di na niya tayo sisiputin? Mygad!" Si Deina naman ang narinig ko. She even rolled her eyes multiple times out of anger.

"Kalma, darating din yun," komento ko naman. Hindi nila ako pinakinggan.

"I can't do this anymore. Let me play that f*cking dare nang makapag social media na ako. I don't even know how I survived without a phone for a day!" frustrated Deina said. She started by clicking the proceed button at lumabas na nga ang kaniyang dare.

"Cut the finger of the person… you hate the most among your friends? What?"

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

A/N: Constructive criticism are always open and welcome po. Feel free to drop/share your thoughts.

Red Parrot (PUBLISHED UNDER 8LETTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon