XV

28 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻


I TOOK a deep breath bago tuluyang lumapit sa kinaroroonan ng kaibigan ko. Kabado man at gusto nang masuka sa gagawin ay naglakas-loob pa rin akong kunin ang basong nasa lapag malapit sa kaniya. Pikit-mata ko itong ininom at halos maisuka ko rin lahat ng nainom nang maubos ko na ito, buti ay napigilan ko ang sarili.

Nagtataka man at hindi makapaniwala ay nakikita ko sa mukha ng kaibihgan ang tuwa. Nang tingin ko ay nag-process na sa utak niya ang ginawa ko ay dali-dali siyang tumayo at niyakap ako.

Napaiyak na lamang ako.

"You saved my life, Jenna. Thank you."

Naririnig ko ang hikbi niya habang mahigpit akong niyayakap. Wala pang limang minuto ay lumayo na rin ito sa akin.

"Dreino needs you, help him. I'll just do my task," may halong pqg-aalalang sambit ko na kaagad namang tinugunan ng tango ni Kennedy.

I only have six minutes left to do my dare.

Napalunok ako sa sariling laway at kabadong lumapit sa stove. Ayaw ko nang patagalin pa ito. Kung totoo nga talagang mamamatay ka kapag hindi mo magawa ang dare, kagaya ng nangyari sa mga kaibigan ko, kailangan kong gawin ito kahit na ayaw ko man. I don't have a choice. Pinasok ko ang sitwasyong ito, I must know how to escape.

Hinanda ko na ang sarili sa matinding sakit na mararamdaman. Halos mapunit ang lalamunan ko dahil sa isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan. Ramdam ko ang hapdi at sakit nang itutok ko ang aking palad sa mainit na apoy. Tuloy-tuloy na umagos ang luha sa mga mata ko dahil wala akong magawa kung hindi ang manatili sa ganoong posisyon ng isang buong minuto.

Napaiwas ako ng tingin at napagat na lamang sa tela ng sariling damit. Nang matapos ang isang minuto ay kaagad akong pumunta ng lababo at binasa ang kamay kung saan ay sariwa pa ang sugat.

Kinuha ko kaagad ang aking phone at madaling pinindot ang "complete" button sa screen. Another notification pops up in the screen minutes after I completed the dare.

"Do you want to play another dare?"

Kinabahan ako nang mabasa ko iyon pero nakahinga rin kaagad ng maluwag nang sa pagkakataong ito ay may "Exit" button na akong nakikita. Kaagad ko itong pinindot at nagmadaling pindutin ang home screen.

Para akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib nang sa wakas ay tuluyan na akong nakapag exit sa lecheng app na 'yun. I was about to delete the app when a scream caught my attention.

"Kennedy," kaagad kong sambit kahit hindi ako sigurado kung kanino nanggaling ang sigaw. Tumakbo ako sa kung saan sila huling naka-pwesto at nakita ko doon si Kennedy na sinusubukang gamutin ang sugat sa daliri ni Dreino. Kita ko ang pamumutla ng huli.

"Bakit hindi mo pa siya sinugod sa hospital?"

"I don't want to leave you here, Jenna. Besides, I was able to use my phone already and called the emergency hotline. They're on their way."

Tipid akong ngumiti sa kaniya at napatingin kay Dreino na ngayon ay halos hindi na makapagsalita sa panghihina.

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

A/N: Constructive criticism are always open and welcome po. Feel free to drop/share your thoughts.

Red Parrot (PUBLISHED UNDER 8LETTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon