XII

27 2 0
                                    

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

Hindi ko siya maintindihan. Bakit siya humihingi ng tawad sa akin? Ano ang kasalanan niya.

"Why? B-bakit ka nagso-sorry, Kennedy?" Tumalikod siya sa akin at napahawak sa kaniyang sintido at saka lakas-loob na hinarap akong muli.

"Ever since I met you, I knew you're the perfect girl for me. I've loved you the moment I saw you, Jenna."

Napakurap ako sa biglaang confession niya. Ano raw?

"Why are you telling me this right now, Ken?"

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko at mas nilapit ang mukha ko sa kanya.

"You're the only one who can help me survive. And you will help me, right?" pagsamo niya.

Matagal na kaming magkakaibigan pero ito ang unang beses na nakita ko ang mukha niya nang ganito kalapit. Nakikita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya.

"Cut yourself and let your love one drink your own blood." Bigla kong naalala ang dare niya. Does that mean…

"No way!" kaagad kong angal sa kung ano man ang binabalak nito at lumayo sa kanya.

"Kung binabalak mong painumin sa akin ang…d-dugo mo, nagkakamali ka. It won't happen, Ken, I'm sorry."

Tatalikod na sana ako sa kaniya pero bigla niya akong hinila. Magsasalita na sana siya nang biglang inagaw ni Dreino ang atensyon namin gawa ng isang malakas na sigaw.

Ganoon na lamang ang gulat sa mukha ko nang makita ko ang isang piraso ng darili niyang tumilapon sa sahig. Nakatayo siya sa may lamesa at may hawak itong kutsilyo. Parang sirang gripo ang kanyang kamay dahil sa sunod-sunod na pag-tulo ng dugo nito.

"Dreino…"

༺⎯⎯⎯ ⏳⏳⏳⎯⎯⎯༻

A/N: Constructive criticism are always open and welcome po. Feel free to drop/share your thoughts.

Red Parrot (PUBLISHED UNDER 8LETTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon