INTRO

4.3K 57 0
                                    

"Inay! Panganganak na yata ako!"
Pawisang sigaw ni Liza sa ina nito. Hindi na rin niya alam ang gagawin dahil sa sobrang sakit na nararamdan na kasalukuyang nakahiga sa banig. Parang hinahati ang katawan niya at alam niyang sa isang iglap lang ay maaaring may magbubuwis ng buhay, either siya or ang nasa sapupunan niya.

Samantalang ang kanyang Ina naman ay kanina pa balisa at di mapalagay. Sobrang nag-aalala sa kalagayan ng kanyang anak. Malayo din ang paanakan sa kanilang baryo kaya tanging sa komadroma lamang sila umaasa.

"Nasaan na ba si Leo at ang komadrona? Bat ang tagal naman."
Palakad-lakad sa kinaruruunan at pasulyap-sulyap sa tarangkahan ng munting kubo nila ang kanyang ina.

"Inay! Di ko na po kaya. Lalabas na po s-siya..."
Nanghihina at namimilipit na sa sakit si Liza.

"Dios ko po. Wag niyo po hahayaan may mangyari sa anak. Wag niyo po kaming pababayaan Panginoon. Kung mawawala man po ako, hayaaan niyo muna akong masilayan at marinig ang uha ng aking anak." Tanging dasal ni Liza.

Ngunit ang bata sa sinapupunan ni Liza ay pRang may sariling isip at kusa na itong kumikilos palabas. Para bang sabik na sabik na makita ang kanyang ina at kung ano ang tunay na buhay sa mundo.

Nagitla na lamang ang ina ni Liza nang marinig ang matinis ma uha ng kanyang apo. Para bang humihingi ng saklolo.

"Anak? Narito na siya. Ang baby mo, babae siya." Luhaan sambit ng ina ni Liza.
"At ng ganda niya anak."

Ngunit walang sagot na narinig ang si Aling Clara. Pinagmasdan niya ang anak na para bang natutulog.

Dumating na rin ang komadrona at agad na inasikaso ang sanggol. Samantalang si Liza ay nanatiling napikit at pawisan.

"Aling Clara, si Liza. Di niya nakayanan at bumitaw siya."
Mahinahon na sabi ng komadrona.

Wala nang nagawa si Aling Clara kundi ang umiyak at haplusin ang maputlang mukha ng anak.

Ang sanggol naman ay umiyak ng malakas. Binuhat niya ito at itinabi sa walang malay na ina. Tanging iyak lang ng sanggol ang maririnig sa kubong iyon.

"Ina, gumising ka. Wag mo akong iwan. Kailangan kita Ina. Hindi ko kayang mabuhay kung wala ka Ina. Gumising ka ina ko. Gumising ka."

Napamulat naman si Liza at naramdaman niyang may munting mga daliri ang humahaplos sa pisnge niya.

"Anak. Anak ko. Hindi kita iiwan. Hindi kita pababayaan. Mahal na mahal kita anak."
Hikbi ni Liza.
"Inay, ang ganda ng anak ko."
Lumuluhang sambit ni Liza sa ina.

"Salamat po Panginoon."
Tanging sambit ni Aling Clara na nakatingala at nag-sign cross. Nilapitan niya ang kanyang anak at apo na may luhang umaagos sa pisnge. Luha ng kaligayahan at pag-asa.

_______________________

After 12 years.....

Maaga pa lang ay gising na gising na diwa ni Aly. Special sa kanya ang araw na to dahil ito ang araw ng pagtatapos niya sa elementarya.

"Mama, san po ba ang Tatay ko?"
Tanong ni Aly sa ina na naghahain ng agahan nila.

"Mula nung grade 1 ako hanggang grade 5 ay walang tatay na nagsasabit ng mga medalya ko sakin. Samantalang ang mga kaklase ko meron. San ba talaga nagtatrabaho ang tatay, masyado bang malayo ma? Sabi mo balang araw magkikita kami. Sana ngayon na yun mama."
Dugtong ni Aly habang nilalaro ang kutsara niya.

"Anak, kumain kana. Ito oh, diba paborito mo to? Tuyo tapos kamatis?"

"Bilis na anak, baka mahuli pa tayo sa graduation mo."

Knowing Me, Knowing You (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon