16 (welcome)

1.6K 37 4
                                    


" Kimmy..." Sagot ni Den sa tumatawag sa phone ni Aly.

"Dude! Den?" Tugon sa kabila.

"Yeah? Aly is driving kasi. What is it?" Tanong ni Den.

"We're hungry na.. Di pa ba tayo magbe-breakfast?" Reklamo ni Kim.

"Ok. Ok.. I'll tell her." Sabi ni Den at sinabi na nagugutom na nga sila Kim.

"Den, pakisabi kay Kim na sa stop over nalang tayo next kanto for our breakfast. May restaurant dun." Sabi ni Den. Tumango naman si Den at sinabi niya kay Kim.

"Baldo?!" Bungad ng isang may kaidarang babae sa kanila. Ngumiti naman si Aly at nagmano sa babae.

"Magandang umaga po nay Vising.." Sabi ni Aly.

"Kaawaan ka ng Dios anak. May mga kasama ka. Dito kayo.." Sabi ni Nay Vising at iginiya sila sa isang mahabang lamesan.

"Ah.. Nay, mga kaibigan ko po. Si, Ara, Kim, Bang, Mela, Mich at si Denisse." Pagpapakilala ni Aly sa mga kasama niya.

"Hello po nay." Sabay-sabay na sabi nila kay Nay Vising. Ngumiti naman ng pagkatamis-tamis si Nay Vising.

"Nay, yung especialty niyo po yung samin.." Sabi ni Aly.

Si Den, Bang at Mela naman ay panay selfie. Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain. Nilagang-buto-buto,  tinulang manok sa buko, lug-lug, ginisang bagoong sa taba ng baboy at fresh lumpia.

"Wow! Ansarap nito at ang dami pa!" Bulalas ni Mela na takam na takam na.

"Ano to?" Tanong ni Marge sabay turo sa hugis diamond na nakabalot sa batang dahon ng niyog.

"Kanin.." Simpleng sagot ni Aly.

"Kanin?!" Sabay na tanong ng mga kasama niya. Napalingon tuloy ang iba pang kumakain doon.

"Yup! In English, RICE. Sige na, kain na guys." Simpleng sagot ni Aly sa kanila at inasikaso niya muna ang pagkain ni Den. Nagkindatan naman sina Ara at Kim.

Maya-maya pa ay may nilagay na inumin si Nay Vising na tig-iisang baso sila na inumin.

"Thanks nay!" Sabi ni Aly. Tumango naman si Nay Vising.

"Burppp!!! Oppss.. Sorry..." Namumulang saad ni Den. Napatawa naman si Aly at inakbayan si Den. Sumiksik naman si Den sa katawan ni Aly dahil sa nahihiya siya.

"It's okay... Normal lang yan. Ansarap naman kasi ng pagkain nina Nay Vising e!" Saad ni Bang.

"Grabe! Napadami yata ako ng kain.." Sabi ni Mela na nahihirapang gumagalaw.

"Halata nga! Hahaha..." Sabi ni Aly.

Naghinga muna sila saglit habang sina Den, Bang at Mela naman ay kumukuha ng picture sa garden ng restaurant at nagseselfie na rin. Naging close kaagad sila.

"Dude." Sabi ni Kim na todo ngiti.

"Hmmm?" Sagot ni Aly.

"What's between you and Den?" Tanong ni Kim dito. Napataas naman ng kilay si Aly.

"Nililigawan mo na ba? Or...." Baniting sabi ni Ara.

"Or what?" Tanong ni Aly.

"Or, kayo na. Yiieee.. Litse kinilig ako!" Sabi ni Kim na halata ngang kinilig.

"Tsk! Ambakla mo dude!" Sabi ni Aly at hinampas sa balikat si Kim.

"Ano nga?" Pangungulit nila kay Aly.

Knowing Me, Knowing You (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon