9 (confine)

1.3K 30 1
                                    

Den's POV

Arrgh... Sakit naman sa ulo. Bumangon na ako at pumunta na ng banyo and do rituals. Pag labas ko ay nakita kong malungkot si Ella. Di ko nlng muna siya pinansin at bumaba. Mangungulit na nman yun e.

Tahimik naman. San sila? Nakita kong bumaba si Ella at may dalang bag.

"Besh? San punta mo? San sila?" Tanong ko kay Ella na sobrang lungkot yung mukha.

"Besh, n-nasa hospital sila." Malungkot niyang sabi.

"Ha? Bakit? Sinong naospital? Besh? Sino naospital?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Si Aly kasi agad ang pumasok sa isip ko.

"Tara na muna sa hospital. Dun mo na alamin."
- Ella

"T-tara."

Pumunta agad kami sa St. Lukes. Pagdating namin ay nadatnan namin sina Dzi at A sa labas ng room nag-uusap.

"Ate? Sinong naospital?" Hingal kong tanong, tumakbo kasi agad ako ng makit ko sila ni A.

Ngunit tiningnan lng ako ni Ate Dzi. At tiningnan si A. Binigyan ko naman siya ng "tell-me-look".

"Si Aly. Go, check her inside."

Pagkarinig ko nun ay parang binuhusan ako ng yelo. Nangatog ang mga tuhod ko habang binuksan ko ang pinto. There, I saw Aly lying in bed with full of bandages in her left shoulder hanggang sa kamay nito. May mga sugat din ang mukha niya at magang-maga na yun.

Awang-awa ako sa knya. Dali-dali ko siyang nilapitan ngunit pinigilan ako ni Fille at dun na ako umiyak sa kanya. Naramdaman ko na ring nasa upuan na ako.

"Ano na findings? Here, kumain muna kayo." Rinig kong sabi ni Mich.

"Thank you. Di pa rin siya nagising mula nang sinugod siya kaninang madaling-araw e." Sabi naman ni Jia.

"God! Aly!! What the fuck! Bro ano bang nangyari sayo?"

"Kim??" Rinig kong sabi ni Mich

"Tol, what happened to Aly? Have you called her mom?"

"Hindi pa Vic eh. Yung phone niya di namin alam kung nasaan.

"Panu to nangyari? Tumawag pa nga siya sakin na nasa condo na siya. Tapos ngayon nandito na siya? Fakshit naman Aly!"
- Kim

Sila pala yung barkada ni Aly. Halatang naguguluhan at nataranta sila kung ano ang gagawin. Aly, ano ba kasing nangyari?

"Sinubukan niya pong umuwi kanina sa dorm. Dahil ..

"What time?" -Kim

"Around 3am."

"Umalis nga siya ng condo. May nag-imbestiga na ba sa nangyari?" - Kim

"Bro, panu pag nalaman ng mama niya to? Lagot tayo!"
- Vic

"E di wag muna natin ipaalam. Di pa naman nainform si Tita Liza about this diba?"
- Kim

"Sabi ng mga police na nag-imbestiga. Nakapark daw yung car ni Aly sa kilid ng daan ngunit may paparating na pick up na nawalan daw ng break at nawalan din ng control  kaya dun sa kay Aly diritso yun. Paliko kasi yung daan kaya saktong kay Aly talaga diritso yung pick-up." - Mich

"At napuruhan ang left shoulder niya. May mga nabali daw na buto. Pahilumin daw muna ang sugat at sesementuhin daw. Buti nlng, walang nabali na buto sa paa niya. Nagkapasa lng." Awang-awa na sabi ni Jia.

"Bro, kausapin muna natin yung doctor o manager nila dito. Bilis!"
- Vic

"Excuse us girls." Paalam samin ni Kim at lumabas na sila ni Vic.

"Besh? Wala ka bang maalala kagabi?" Tanong sakin ni Ella habang tinitingnan ko si Aly.

"Wla besh. Anong bang nangyari?"

Ella's POV

Alam kong sobrang nag-alala si Den kay Aly. Halatang-halata sa mata niya ang pag-aalala at pagkaawa.

"Besh? Wala ka bang maalala kagabi?" Tanong ko sa kanya. Kasi sa totoo lang, siya ang dahilan kung bKit pinilit ni Aly na umuwi sa dorm.

"Wla besh. Anong bang nangyari?" Ha? Wala talaga siyang naalala kagabi? Grabe naman, tiningnan ko naman si Fille at umiling-iling siya. Para bang may ibig siyang sabihin na wag ko munang sabihin yung ginawa ni Den kagabi. Tinanguan ko nlng siya at hinimas ang likod ni Den.

"Mahal mo?" Out of nowhere kong tanong kay Den.

"Mahal na mahal besh." Sabi niya habang hinahawakan ang kanang kamay ni Aly.

Nakita ko namang dahan-dahang dumilat si Aly.

"Aly?!"

"Ha?"
-Den

"Aly? Gising na si Aly."

Tiningnan naman ako ni Aly. Nilibot niya ang tingin niya saming lahat na nakapalibot sa kama niya at kumunot ang noo niya.

Knowing Me, Knowing You (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon