21 (Secret Haven)

2.2K 31 5
                                    

Dennise' POV

Kinuha ni Aly yung bag namin sa loob at ako naman ay nandito sa sala. I wonder kung saan kami matutulog ni Aly. May dalawang room lang kasi ang bahay. Maya-maya pa ay may naramdaman akong halik sa leeg ko. Napapitlag pa ako ngunit napagtanto kong si Aly pala yun.

"Kainis ka..."

"Hehehe... Did I startled you Ga?"
Sabi niya at ngumisi.

"Medyo... Saan tayo matutulog?"

"Gusto mo nang matulog Ga?"

"Bakit? Di pa ba tayo matutulog Ga?"

"Hmm.. Di pa ako inaantok e. Tara. May pupuntahan tayo at dun na rin tayo magpahinga."
Sabi niya sabay lahad ng kanang kamay sakin. Tinanggap ko naman yun at nagsimula na kaming umalis.

"Wait, nagpaalam ka ba sa kanila na aalis tayo Ga?"

"Yup!"
Sabi niya na nakaakbay sakin at kumindat. Loko to! Bat may kindat pa?

"What are you thinking?"
Tanong niya.

"Ha?"

"Ay! Akala ko ako iniisip mo."
Sabi niya at hinalikan ako sa gilid ng labi ko. Napahinto tuloy kami sa paglalakad.

"Hay naku! Korni mo Langa ko."

"Ganun talaga. Mahal kita ei! Tara na, malapit na tayo."

Naglalakad na kami at nakaakbay pa rin sya sakin. Maya-maya pa ay may narinig na akong lagaslas ng ilog. Napaangat ako at nagpalinga-linga.

"Where are we?

"Way to my secret Haven but it would never be secret to you since I brought you here. Look up Langga."
Sabi niya sabay turo sa taas.

"Wowwww!"
Grabe! Ang ganda naman. May tree house kasi.

"Excited?"

"Yeah!"
Sabi ko sabay takbo papunta sa malaking puno. Pero wala akong makitang hagdan. Sobrang laki ng talaga ng puno.

"Excited ka nga! Iniwan mo ako e."
Sabi niya at umakbay sakin.

"I love you Ga."
Bulong ko sa kanya sabay halik sa pisnge niya.

---------------------------------

Alyssa's POV

Excited na ako mapuntahan ang treehouse ko. Hiniling ko yun kay Daddy (lolo). Maganda kasi ang tanawin pag nasa taas kana. Parang magical, parang nasa Neverland, hihihi... At sinabi ko sa sarili ko na ang taong unang isasama ko dito ay ang taong gusto kong makasama habang buhay. At si Dennise yun. Kung pwede pa lang magpakasal kami ay pakakasalan ko na sya agad. Kaso 17 pa ko e. Mas ahead sakin si Den ng  1 yr and 7 months.

Malapit na kami sa Secret Haven ko. Nakaakbay lang ako sa kanya. Maliwanag ang buwan kaya di na kami gumamit ng flashlight pero may dala rin ako in case of emergency. Alam kong narinig niya yung lagaslas ng tubig kaya paling-linga sya pero di makikita yung ilog dahil nasa kabila iyon.

"Excited ka nga! Iniwan mo ako e."
Sabi ko at umakbay sa kanya.

"Saan tayo dadaan? Saan yung hagdan Ga?"
Sabi niya at nagpout. Ancute lang! Hinalikan ko sya sa labi pero saglit lang.

"Say the magic word!"
Sabi ko sa kanya at ngumiti.

"What? Common, I wanna be upstairs na."
Sabi niya at nagpout na naman ulit kaya hinalikan ko na naman sya ulit.

"Aish.. Chansing.."
Sabi niya at yumakap sakin. Isinobsob niya ang mukha niya sa dibdib ko.

"Open sessami!"
Sabi ko at tinulak ang bandang gitna ng puno at bumukas ito. Di niya nakita yung pagtulak ko sa pinto dahil nakasobsob yung mukha niya sa dibdib ko.

Knowing Me, Knowing You (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon