10

1.2K 26 0
                                    

Alyssa

Arrrggh... Ansakit ng balikat at braso ko. Di ko maigalaw. Naramdaman kong nakahiga pala ako. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Puti? Bakit puti? Nasan ako? Kanina may mga boses akong naririnig at lahat yun ay pamilyar sakin. May umiiyak pa.

"Aly?!!" Sino yung tumawag sakin? Aray! Sakit ng braso ko. Mama, may masakit po sakin. Asan ka mama?

"M-mama. Ma?" Nasan si Mama? Kailangan ko si Mama ngayon. Ansakit kasi ng balikat ko. Tiningnan ko ang mga taong nakapalibot sakin, pero wala dun si Mama.

"M-m-mama. M-masakit. Mama.." And I passed out. Siguro sa sakit na naramdaman ko.

Dennise

"Aly?!!" Biglang sigaw ni Ella. Nagsitayuan kami at lumapit kay Aly. Nakita ko sa mga mata niya ang sakit. Gusto niyang gumalaw ngunit di niya magawa dahil nasasaktan siya.

"M-mama. Ma?" Sambit niya at may nangingilid na luha sa mga mata niya. Awang-awang ako sa kanya. Sobra akong nasaktan kaya napa-atras ako.

Nakita kong nangunot ang noo niya habang tinitingnan niya kami isa-isa at tuluyan nang dumaloy ang luha niya.

"M-m-mama. M-masakit. Mama.." Di ko na mapigilang umiyak. Bakit si Aly pa? Di niya deserve ang ganito. Ano ba talaga ang nangyari at ano ang ginawa mo sa daan nang madaling araw?

"Oy! Aly... Call the doctor!" Tarantang sigaw ni Amy.

Knowing Me, Knowing You (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon