17 (Langga)

1.3K 24 1
                                    

Maaga akong nagising dahil susulitin namin ang bakasyon namin ngayon. Inaabangan ko rin kasi ang pandesal. Madaling araw lang may pandesal dito. At mga kabataan lang yung naglalako nito. Nang makabili n ako ay Nagsangag na rin ako ng bigas para sa kape. Paborito ko kasi to. Pero may purong kape rin naman kami dito at creamer din. Nagluto na rin ako ng hotdog at scrambled egg.

"Hey dude, good morning..." Bati sakin Marge na halatang inaantok pa.

"Good morning. Nakatulog kaba ng maaayos dude?"

"Okay lang naman. Ikaw? Aga mo nagising ah! "

"Hmm.. Maganda naman ang tulog ko. Inabangan ko kasi yung pandesal kanina.

"Yun ba yung sinisigaw ng dumaraan kanina?"

"Yup! Hahaha.. Kaya ka ba nagising dahil dun?"

"Ganun na nga"

"Hahaha... Coffee?"

"Sure. Ako nalang amg magtimpla ng sakin. Teka? Ano yan? Sunog na yang bigas dude?!"

"Hahaha.... Ayos lang to. Ito yung gagawin kong kape. Namiss ko to. Alam mo, ganito ang kape namin noon ni mama."

"Ha? Talaga? Diba bigas yan?"

"Yup! Want to try it? Gagawan kita."

"Sige, sige. At nang mahusgahan ko rin yan. Hahaha..."

"Hahaha.. Wait kana lang doon sa mesa."

"Aray! Ansakit ng ulo ko...." Sabi ni Kim na kakapasok ng kitchen.

"Ayan! Yabang kasi kagabi... Hahaha.." Tukso ni Marge kay Kim.

"Naka-score naman! Hahhaha... What's that Ly."

"Coffee dude. Want some?"

"Sure. Thank you."

"Tsk! Manyak ka talaga Kim..."

"Di ako manyak.. Mapagmahal ako... Diba Ly?"

"Ha? Pwede na. Sabihin nalang nating mapagmahal na medyo manyak! Hahaha..." Sagot ko kay Kim. Halos maibuga naman ni Marge kape niya dahil tumawa ito ng malakas.

"Litse ka. E bakit ikaw Ly? Hindi ba?"

"Ito nga pala, pandesal. Masarap to isawsaw sa kape o di kaya'y palamanan ng egg... Here's your coffee Kimpoy!" Sabi ko at nilapag sa mesa ang isang kartong pandesal.

"Sus! Segway si dude Ly.." Sabi ni Marge. Kinindatan ko lang sya. Bahala na siyang maghusga sakin.

"Bwahhahaa... Bat nasa karton to Ly? Hahaha... Hmmm.. Bango ha?" Sabi ni Kim habang tumatawa at binuksan niya ang karton.

"Hmm.. Okay naman pala tong kape. Sarap din nitong pandesal!" Sabi ni Marge. Grabe, anglakas niya lang kumain. Mabuti nalang isang karton ang binili ko.

"Anong kape to dude? Ansarap ha? At kakaiba ang aroma niya." Biglang tanong sakin ni Kim.

"My favorite! Sinangag na bigas! I'm glad to liked it Kimpoy... "

"Really? First time kung makatikim nito. Pwede natin to isali sa menu natin sa coffee shop na ating itatayo. What do you think Ly?"

"Yeah sure! Naisip ko na rin yan e."

"Maiba tayo dude. Anong plano natin ngayon?"
- Marge

"Dun tayo sa may lake. Mamimingwit tayo ng pang-ulam natin mamaya at dun na rin tayo manghalian. May kubo kami doon." Sabi ko at inubos ang kape ko.

Knowing Me, Knowing You (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon