1 (kaibigan)

1.8K 49 0
                                    

Aly's POV

Nandito ako ngayon sa gym ng pnapasukang kong school. Dito ako ngayon sa UST nag-aaral ng high school. Ibang iba na ngayon ang buhay ko mula nang pinakilala sakin ni mama ang lolo ko.

Btw, Im Alyssa Caymo Valdez. Nag-iisang apo ni Mr. Romeo Francisco Caymo. Mahal na mahal ako ni lolo, ramdam ko yun. Kaya may pinagmamalaki na ako ngayon.

Kasalukuyan akong nanonood ng practice game ng volleyball. Bale nagpapahinga ako dito sa bleacher dahil katatapos lang din ng training  namin sa basketball. Enjoy din pala ang volleyball, kaya nag-enjoy din ako sa panonood bago umuwi.

"How's  the school my baby?"
- Romeo

"It's fine Di.
Pagkatapos ay humalik ako sa pisnge niya. Dumuritso muna ako sa kitchen upang uminom ng tubig.

Ayaw niyang tawagin ko siyang Lolo. Lalo daw  siyang tatanda. Kaya daddy nalang  ang tawag ko sa kanya. Diba may lolo na ako, may daddy pa. Wala na akong hahanapin pa. Si mama naman ay president sa kabilang company ni Daddy.

"Oh, go get change and we'll be  at your mama later. Dun na tayo magdidinner."
Saad ni dad at mabilis naman akong umakyat sa kwarto ko. Naligo muna ako bago nagbihis. Namiss ko na rin si Mama kaya excited akong makita si siya.

Dahil may kalayuan ang company na pinapatakbo ni mama ay binilhan nalang siya ni Daddy ng condo unit dun.

Pagdating namin dun ay nasa kitchen si Mama nagluluto. Ang bango naman. Lalo ring gumanda si Mama at pumuti din siya.

"Hmmm.. Angbango naman nyan ma. Siguro akong masarap yan."
Habang pinupulupot ko ang dalawang kamay ko sa beywang niya. Bale naka'backhug ako sa kanya. Magkasingtangkad na rin kami ni mama.

"Uhm, anlambing naman ang anak ko. Kanina pa ba kayo ni papa anak?"

"No ma, kararating lang namin ni Di. Namiss kita mama. Ano po tong niluto nyo ma?"
Nakayakap pa rin ako kay mama.

Humarap naman sakin si mama at hinalikan ako sa magkabilang pisnge.
"Namiss din kita anak. O sya, tawagin mo na si papa at maghahain na ako."
At bahagya niya akong tinulak para puntahan si Di. May kausap pa kasi siya sa phone kanina.

Kumain na rin kami. Kunting kwentuhan, lambingan at umuwi na ulit sa mansyon ni Di. Kung ako papaliin, mas gusto ko sa maging independent. Kaso ayaw ni Di, papayag nalang daw siya kung nasa college na daw ako.

_______UST________

Nasa cafeteria ako at mag-isang kumakain. Actually gusto ko talagang mapag-isa. Ayaw ko ng mga barkada dahil nakakagulo lang sila. Samantalang....

"Excuse me, mag-isa ka lang? Pwedeng maki-share?"
Tanong ng isang babae sakin na may dalang tray ng pagkain.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Mabilis naman siyang umupo sa harapan ko. Nagsimula na rin siyang kumain habang pinagpatuloy ko ang binabasa kong libro.

Mahilig akong magbasa, tulad ng Percy Jackson series at iba pang mga story ni Rick Roidan, Anne Perry at Sandra Brown.

"Ahm, ako nga pala si Kim Fajardo."
Pagpakilala nito sakin sabay lahad ng kamay.
Iniangat ko ang mukha ko at tiningnan siya. Nakangiti siya sakin.

"Ah, Allysa Valdez. Aly nalang. Nice meeting you Kim."
Sabay ko tanggap sa kamay niya.

"So, friends na tayo? Nakita nga pala kita sa gym every practice namin. Gusto mo sumali sa team? Sasabihan ko si coach."
- Kim
"Ha? Sure, friend."

"May tryout nga pala kami mamayang 3pm. Baka gusto mong subukan."
- kim

"Ah, sige. Susubukan ko."

"So, alis na muna ako. Kita nalang tayo mamaya sa gym."

Marunong akong mag-volleyball. Kaya naisipan ko na ring mag-tryout. Wala namang mawawala sakin e. Mukhang enjoy kasi at hindi na kailangan tumakbo nang tumakbo. Aabangan lang yung bola, papaluin at magseserve.

GYM.......

Pagkatapos ng tryout ay nakuha ako. Waaah, totoo po. Nakuha ako. Malakas daw ako pumalo ngunit kelangan pang practice. Ang saya ko. Ganun lang pala ang volleyball, serve, recieve, spike, dig. Di tulad ng basketball na marami kang kaagaw sa bola at mas mapisikal.

"Welcome sa team Ly."
Saby bumpfist sakin ni Kim

"Salamat."

"May gagawin ka pa ba pagkatapos nito?"
- Kim

"Ah, wala na. Hihinatayin ko lang ang sundo ko."

"Punta tayo mall. Tapos wag kana pasundo, pahatid nlang kita. Ano? Tara!"
Pagkatapos ay inakbayan niya ako.
Mabait si Kim, masayahin at madaldal. Hahaha

Knowing Me, Knowing You (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon