13 (pusta)

1.5K 32 0
                                    

Nagising at napabalikwas si Alyssa dahil pakiramdam niya lumindol.

"Di!!!... Lumilindol!! Aahh!!!" Sigaw niya.

"Pssssfffttt... Haahahahhaha..." Malakas na tawanan ang narinig niya.

Nakita niyang lumundag-lundag ai Kim at Ara sa paanan ng kama niya. Kaya pala pakiramdam niya at may malakas na lindol.

"Gago niyo tol!! Lumayas nga kayo!" Reklamo ni Alyssa sa dalawa. At pinagsisipa sila kaso mabilis naman nagsitalunan ang dalawa.

"Tol, namiss kana namin! Tagal na nating di nakapag-yolo." Sabi ni Kim at tumabi kay Aly.

"Baba na tayo. Nagugutom na ako. Wala nga pala si Dadi, tinawagan niya kami kanina para bantayan ka. Hahaha." Sabi ni Ara.

"San siya pumunta?" Tanong ni Aly sabay tayo at pumunta ng banyo upang maghilamos.

"Business trip daw sa Macau. Magkasama sila ni Lolo." Sagot ni Ara.

"Last week pa nandun si Dy e. Buti nalang lagi akong pinupuntahan ni Mela sa condo ko." Sabi ni Kim.

"Kahit nandito naman si Dy, pumupunta pa rin si Mela sa condo mo." Sabi ni Ara at iiling-iling.

"Talaga, swerte mo pala kay mela Kim. Wag na wag mong pakawalan yan." Sabi ni Aly.

"Bakit Ly?" Tanong ni Kim.

"Ulol! Kelangan pa bang itanong yan? Syempre baka sa condo ko na laging pupunta si Mela. Hahaha..." Sagot ni Alyssa.

"Gago! Di mangyayari yun Ly." Sabi ni Kim.

Kasalukuyang kumakain ngayon ang tatlo. Si Ara ang nagluto bago pa nila ginising si Aly. Sa tatlo ay si Ara ang may hilig magluto.

"Pansin ko lang, laging may ngiti si Aly ngayon.. What's the reason behind that smiles Ly?" Tanong ni Kim.

"Hmm.. Masaya lang yung tao. Ano kaba." Sagot ni Aly.

"Oww.. Btw, kumusta si princess libero ng buhay mo? May improvement ba? Alam mo na, may pag-asa ba Ly?"
Usisa ni Ara.

"Ahhmm... Siguro." Sagot ni aly.

"Siguro? Gaano ka siguro Ly? At, bat iba ka kung ngumiti ngayon?" Sabi ni Kim.

"Ahuh! Alam na this! Share na yan!" Sabi ni Ara.

" ano naman ang i-share ko?" Sabi ni Aly.

"Yung ano. Basta yun. Ano, naka-home run ba? Balita ko pumunta ka daw sa dorm niyo kahapon." Sabi ni Kim. Di Ara naman at tatango-tango.

"Ha? Sino maysabi? Chismoso mo tlaga Kimpoy!" Sabi ni Aly.

"Oy, si Di kaya may sabi. Ano, homerun ba?" Pangungulit ni Kim at pakindat-kindat pa.

"Loko-loko ka talaga Kim. Paano naman ako maka-home run e, tingnan mo nga tong hitsura ko!" Sagot ni Aly.

"Ayon! So, naka-iskor pala sana kundi lang sa pilay mo. Nakuu...!" Sabi ni Ara.

Hindi na pinatulan ni Aly ang dalawa. Dahil sadyang makukulit talaga yun. Kaya napabuntunghininga na lamang siya. Pagkatapos nilang kumain ay nasa sala sila nag-momovie marathon. Dumating naman sina Bang at Mela. Ayon, O.P si Aly. Haha.. Kinuha niya phone niya.

Napangiti siya nangabasa niya ang text ni Dennise sa kagabi pa. Di niya nabasa dahil nagtatampo siya kay Dennise.

"Goosnight. I miss you too."

Knowing Me, Knowing You (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon