Meetup 15: Independent.
Property of Momo_Ayren
Date updated: June 19,2015
(Nike's POV)
Isang linggo na ang nakararaan nung nanggaling kami dun sa Sun Village. Kagagaling lang namin sa Partson ng kambal. Ewan ko ba pero sa mga nagdaang araw dikit ng dikit si Black sheep sakin pero ok lang. Girlfriend naman niya ako kaya ok lang. Medyo nakakalimutan ko na din yung tungkol sa totoong ako. Ele nga tawag sa akin ni Zeus pero sabi ko sa kanya Nike nalang. Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nakatunganga habang humihiga sa kama. hinawakan ko ang necklace. Simula nun lagi ko na 'tong sinusuot. Bakit? Syempre, galing 'to sa mga dati kong parents noh. Naisip ko naman hindi pa pala ako nakakapag bihis kaya ayun hinubad ko ang mga damit ko tapos habang nagbibihis ng shorts eh bigla nalang bumakas ang pinto ng kwarto ko. "AHHHHHHHHHHHHH!!!!",napasigaw ako. Lumaki naman ang mata ni Black sheep kaya naman lumabas agad siya at sinara ang pinto habang ako hinihingal at tinatakpan ang dibdib ko. Inalis ko kasi yung bra ko. Wahhhh~ Nakakahiya. Bwisit naman din yan si Black sheep. Di ba uso sa kanya ang salitang 'katok'? Wahhh~ Nakakahiya. Agad agad kong sinuot ang pantaas ko at nag walling. de joke. Sinuot ko na yung mga pantaas ko at nag ikot ikot sa kwarto. Eh kasi nakakahiya yun eh. Wahh~
May kumatok naman sa pintuan ng kwarto ko."Pasok.",sabi ko. Si Black sheep. Agad ko naman siyang tinapunan ng mga unan. "Walang hiya ka! Bakit ka biglang pumasok pasok sa kwarto ko ha?!",sigaw ko sa kanya. "Sorry naman! Di ko naman kasi alam na nagbi-bihis ka pa pala eh.",sabi niya habang iniilagan ang mga binabato kong unan sa kanya. Tinigil ko naman ang pambabato sa kanya. Wala na kasing mga unan dito malapit sakin eh. "Ano ba ang ginagawa mo dito?",tanong ko. "Umm...gusto ko lang sana na manood ng TV kasama ka.",sabi niya. See. Dikit ng dikit yan sakin eh. Parang linta lang.
"Bakit naman?",tanong ko. "Eh kasi gusto ko kasama kita palagi.",sabi niya.Eh di wow lang. Pumayag naman ako. Wala naman akong nakikitang mali. Manonood lang naman ng TV. Ayun binuksan ko ang TV sa kwarto ko tapos ayun umupo kami sa kama tapos tinawag ni Nikko si Zelland at nagpadala ng chips at coke. Habang nanonood ng TV eh may napanood kaming isang palabas na wala na siyang mga magulang tapos independent siya. Yung tipong nagta-trabaho siya habang nag-aaral tapos nakatira siya sa isang bahay na siya lang mag-isa ang nakatira. Teka. Ang galing niyan ah. Gusto ko maging ganyan!
"Gusto ko maging ganyan.",sabi ko. "Huh?",sabi ni Black sheep. "Gusto ko din maging independent gaya niya.",sabi ko. "Alam mo Nike hindi yan magiging madali para sa'yo.",sabi niya. "Wala akong paki.",sabi ko. "Oh, tingnan mo nga. Asan ka makakahanap ng trabaho, aber and kailangan mo munang kumbinsihin si Dad na aalis ka na dito sa mansion at as a boyfriend mo di ako papayag.",sabi niya. Wow ha. Makapag salita parang totoo ko namang boypren.
"Bahala ka. Basta, gusto kong maging independent.",sabi ko.
"Bahala ka din.",sabi niya tapos lumabas ng kwarto ko. OA naman nun.
Tapos kong manood ng TV ayun pumunta ako sa kwarto ni Athena para makitawag sa papa ni Black sheep. Nung una ayaw din ni Athena pero ayun nakumbinsi ko pa din. Sabi niya dapat maging safe daw ako.
"Hello po, Tito Carlo.",sabi ko sa telepono ng sinagot ng papa ng kambal ang tawag. [Oh, Nike. Ija. Napatawag ka?],tanong niya. "Uhhh...tito. Pwede po bang umalis nako dito sa mansyon at manirahan sa ibang bahay?",tanong ko. Ang epsi ko at nagt-tito ako sa papa ni Black sheep. Hehe.
[Saang bahay naman yan ija? Atsaka, bakit mo gusto manirahan sa ibang bahay? May problema ba?],sunod sunod na tanong ng papa ni Black sheep. "Uhhh...wala naman po. Yun lang...uh...ano po kasi...gusto ko na po maging independent.",sabi ko. [Maganda yan ija kaso baka mapahamak ka jan sa desisyon mo.] sabi ni Tito Carlo. "Uhh..hindi naman po. Sisiguraduhin ko naman po na magiging safe ako.",sabi ko. [Gusto mo bang magpahanap ako ng bahay na pwede mong tirhan? Wag kang mag-alala ija, ako na ang magbabayad sa bahay.],sabi niya.
BINABASA MO ANG
I Met A Gangster Whose Name Is Nikko
Подростковая литератураGangster! Gangster! Bwisit na Black sheep! Nagkita kami ng dahil sa isang kuting at na-develop ng dahil sa isang kotse. Oo, In love ako sa gangster at Nikko ang pangalan niya. Ang nag-iisang lalaking anak ng nagmamay-ari ng Partson Academy. Ang isan...