Meetup 37

1.2K 46 1
                                    

Meetup 37: #NotUpdated

Property of Momo_Ayren

Date updated: September 05,2015

(Nike‘s POV)

"N-Nikko?"  mangiyak-ngiyak na sabi ng isang babae.

"Aphrodite?"

Kinakabahan ako dito sa babaeng ‘to ah.

Nabigla nalang ako ng biglang lumapit sa kanya si Pudding at niyakap siya ng mahigpit. On that time parang gusto kong mag-wala. Gusto kong sampalin yung babae, gusto kong agawin si Pudding. Nagse-selos ako.

Inalis naman ni Pudding ang yakap at inilagay niya ang kamay niya sa pisngi ng babae. Heller, andito pa kaya ako?! Umiyak naman si Aphrodite kuno. Teka, parang naaalala‘t namumukhaan ko itong babaeng ito ah.

"Where were you? I‘ve been looking at you. I missed you so much." sabi ni Pudding. And with that parang gumuho ang mundo ko. M-miss na miss siya ni Pudding ko. Hindi ko na kayang mapanood ang scene na iyon kaya kusa nalang akong umalis. Kinuha ko muna ang sapatos medyas ko tapos isinuot ito at umalis na. Sumakay nalang ako ng taxi.

Habang nasa taxi pauwi ay napahagulgol nalang ako sa pagiyak. Hindi kaya siya yung ex ni Pudding. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Mahal naman ako ni Pudding diba? Sana nga totoo yung mga binibitawang salita niya sa akin. Mahal na mahal ko siya. Please Lord, please. Sana hindi masira ang relasyon namin ni Pudding. Nagtaka nalang ako ng tumigil sa isang parking lot ang taxi. Teka, hindi ko alam ang lugar na ito ah.

Humarap sa akin ang taxi driver at nagulat naman ako sa nakita ko.

"Kuya Hermes?"

"Anong nangyari? Ba‘t ka ba umiiyak, bunso?" tanong niya. Niyakap ko nalang si Kuya ng mahigpit at humagulgol na uli sa pagiyak. "Kuya..."

Tapos nun ay kinuwento ko lahat lahat habang umiiyak. Todo naman si Kuya sa pagpapatahan sa akin. "Alam mo, magiging masaya sana ako eh kasi sa wakas ay naging kayo na ni Nikko... eh kaso..an‘yare?" komento niya. "Kuya, I miss you." sabi ko. "I miss you too." sabi niya. Niyakap ko naman ng mahigpit si Kuya habang humahagulgol sa pag iyak. "Shhh... tahan na bunso." sabi niya.

Kinabukasan...

Gumising ako sa kwarto ko na namamaga konti ang mata. Parang ayaw kong pumasok. Ayaw ko pang makita ang pagmumukha ni Pudding. Nagtaka nalang ako ng may bumusina sa labas ng bahay ko. Tumayo ako at tiningnan kung sino yun.

Si Pudding...

"PUDS! TARA NA!" sigaw niya. Hindi ko siya pinansin at humiga nalang ako uli ako sa kama. Hayyy. Ayaw ko pang makita pagmumukha niya tapos ayun, nakita ko pa din. Hayyyy.

Tulala lang ako sa kama ko ng may biglang pumasok sa kwarto ko. Si Pudding. Tadhana nga naman. Diba sabi ko ayaw ko pa siyang makita?!!!

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong niya. Hindi ko naman siya pinansin. "Uyyy. Puds..." sabi niya at lumapit sa akin. "Uyyy."

Hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Uyy Puds, yung tungkol nga pala kay Aphrodite...yung kahapon?" panimula niyang sabi. Eto na. "Uyyy Puds, ang meaning nung kahapon nami-miss ko siya bilang kaibigan. Alam mo naman diba na ikaw na ang mahal ko ngayon at hindi na siya? For sure nai-kwento na siya sa‘yo ng barkada." sabi niya. Tiningnan ko naman siya. Eto na. Namumuo na ang mga luha ko. Urrghhh. Nakakainis!

"Uyyy, I love you. Ikaw lang ang mahal ko ok?" sabi niya. "Uyy Puds. Magsalita ka naman oh." sabi niya. Hindi ko naman siya matiis at pinagpapalo ko siya sa dibdib niya. "Baliw ka! Bakit mo yun ginawa kahapon  eh alam mo naman na andun ako sa tabi mo diba?!! Alam mo ba kung gaano ako nasaktan ha?!! Mahal na mahal kita tapos...t-tapos...kala ko ginawa mo lang ako na rebound." sabi ko at umiyak na. Niyakap niya naman ako. "Shhh...tahan na Puds. I love you. Sobra. Kaya please...‘wag ka nang umiyak." sabi niya.

Niyakap ko naman siya pabalik. "Mahal na mahal din kita." sabi ko.

--

Nakumbinsi ako ni Pudding na pumasok ngayon sa school. Papasok pa lang kami sa Partson ay kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit. Sana naman ay hindi na uli magpakita yung Aphrodite na yun.

Nang nakapasok na kami sa Partson ay habang naglalakad sa hallway ay nagbubulungan ang mga girls habang nakatingin sa amin. Kakaiba ang mga tingin nila. Mas lalo naman akong kinabahan. Nahalata naman yun ni Pudding

"What‘s wrong Puds?" sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Wala." sabi ko naman. Hinalikan niya ang noo ko. Awiiee. Kinikilig talaga me ah. Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang classroom nang may nakabangga akong babae.

"Ah sorry miss--" na-shock nalang ako sa nakita ko.  Tama nga ang kutob ko. Si Aphrodite... na naman.

"Anong ginagawa mo dito, Aphrodite?" tanong ni Pudding. Nakatingin naman sa kamay namin si Aphrodite at parang may luhang namumuo sa mga mata niya. "Ah...bumalik na ako dito." sabi niya habang pumupilit sa pag-ngiti. "S-see you around!" sabi niya at dali-daling umalis.

Mas lalo na talaga akong kinakabahan. Sana naman hindi niya pakialaman ang relasyon namin ni Nikko. Ayaw kong masira itong relasyon namin. Mahal na mahal ko ‘tong gangster na ‘to. Sana naman hindi siya manggulo.

Nang makarating kami sa classroom ay kakaibang tinginan agad ang bumungad sa amin. Naninibago siguro sila kasi...andito na uli si 'First' ni Pudding.

Umupo naman ako sa seat ko at umupo rin si Pudding ko sa tabi ko. Lumapit naman sa amin sina Athena. "Uyyy. Nakita niyo na siya?" tanong ni Zeus. Alam ko kung sino yung tinutukoy niya. Tumango naman kami ni Pudding. "She‘s so makapal to go back here." sabi naman ni Athena. "Correct. Ano Nike, resbakan na natin?" komento naman ni Artemis. "Ano ba kayo. Hindi naman siya nanggugulo." sabi ko.

Napatingin naman si Pudding sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Kinikilig ako ok? "Kahit na. Malay mo." sabi naman ni Apollo.

Tahimik lang si Airi. Baka may napansin yan kay Aphrodite na kakaiba. "Alam niyo guys, kahit manggulo pa si Aphrodite ay hindi ko naman hahayaan na masira ang relasyon namin ni Nike. Alam niyo naman diba guys na...she‘s my everything?" sabi naman ni Pudding. Ok. Ako na ang kinilig.

"Baka ngayon lang yan Nikko, baka sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon ay bumalik yung pagmamahal mo kay Aphrodite." bigla naman nagsalita si Airi. Napaka-positive niya. Grabe. Insert sarcasm here.

Pero hindi naman ako nakasalita sa sinabi niya. Ganun rin ang barkada...lalo na si Pudding. Urghhhh. Bakit pa kasi bumalik yung Aphrodite na yun?!

"Uhhh...let‘s talk another topic." pagbabasag naman ni Poseidon sa katahimikan.

--

Nasa cafeteria na kami ngayon. Lunch na. Magkatabi si Zeus, Athena, Poseidon at Airi. Tapos si Pudding, ako, Artemis at Apollo. May bakanteng space pa sa tabi ni Pudding pero ok lang. Wala namang tatabi sa kanya jan eh. Malandi ang tatabi kay Pudding sa may left side niya. Hmph!

Siya nga pala, nakaka-bwisit. Magka-klase kami ng Aphrodite na yun. Urgghh.

Kumakain kami at nagp-PDA ni Pudding ng may isang babae na may dala-dalang tray ang lumapit. Isinuot niya ang pinaka-matamis nyang ngiti.

"Pwede bang maki-share? May extra seat pa naman diba? Wala na kasi akong ibang mauupuan." sabi niya. Nung una nagdalawang-isip pa ako. Lalo na si Pudding. Pero kalaunan pumayag nalang din ako.

Bale ganito ang arrangement namin ngayon. Nasa gitna namin ni Aphrodite si Pudding tapos katabi ko naman si Apollo. Umalis muna sandali si Artemis. Nawalan daw siya ng ganang kumain eh.

May JOINERS daw kasi eh.

"Huh? Bakit? Anong meron sa mukha ko?" hindi namin namalayan na lahat na pala kami ay nakatingin na kay Aphrodite.

Ewww. Ang pabebe niyang kumain.

---
BUMOTO BUMOTO BUMOTO

MAG-KOMENTO KOMENTO KOMENTO

IPAGKALAT IPAGKALAT IPAGKALAT

Follow me at twitter and Insta!

Twitter: @MomonasiAyren
Insta: @MomosiAyren

UP NEXT!

Bitch in Beach

-Ayrenxx

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon