Meetup 23: Cat out of the bag.
Property of Momo_Ayren
Date updated: July 22,2015
(Nike's POV)
Isang linggo na ang nakaraan ng nangyari yun. Isang linggo naring wala ako sa mood. Hingi ng hingi ng sorry si Maika kahit wala naman siyang kasalanan. Hindi na rin ako pinapansin ng barkada. Kala ko ba they won't let me down? Hayyy.
Hindi pa rin pumapasok si Artemis,Zeus at Apollo. Ewan ko ba dun. Patay na ata. Hayyy.
Absent si Maika. Andito ako ngayon sa library ng school. Nagbabasa ng 50 shades of Grey. De joke. XD
Nagbabasa ako ng...wala. Okay ...kumuha ako ng libro kanina at binuksan yun pero hindi naman ako nagbabasa. Lipad kasi ng lipad ang utak ko eh.
Sa ngayon di ko parin maintindihan ang nangyari sa amin ni Black sheep. Hindi ko parin alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Dapat ngayon masaya ako, kasi diba malaya na ako? Bayad na ang utang ko. Pero bakit parang ang lungkot lungkot ko. Wag naman sana. Please, sana hindi ko pa mahal si Black sheep! Nahuhulog na ba ako sa kanya?
Hindi! Baliw ka ba Nike?!
Hindi ka pwede ma-inlove kay Black sheep okay?! HINDI PWEDE.
Habang lumilipad ang utak ko sa kung saan eh bumalik agad ako sa earth dahil may isang lalaking pumasok sa library.
Si Black sheep.
Umupo siya sa di kalayuan sa kinauupuan ko at nag nap. Matutulog ata. Tumayo naman ako para isauli ang libro at lumabas na ako ng library. Habang naglalakad eh may napansin ako. Mukhang may sumusunod sa akin. Tumingin ako sa likod ko. Si Black sheep. Tumingin siya sa akin. Napaharap naman agad ako at nagpatuloy sa paglalakad. Binilisan ko ang paglalakad. Binilisan niya rin. Mas binilisan ko pa. Ganun rin ang ginawa niya. Hinarap ko siya.
"Sinu-sundan mo ba ako?",tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot at itinuro ang boy's CR sa likod ko tapos pumasok siya dun. Hayyy. OA MO NIKE!
Bakit ka naman niya susundan eh wala na nga kayo diba?
Nagpasya ako na pumunta ng classroom. Walang klase ngayon. May somewhat na sine-celebrate ang school. Nung nakarating ako sa classroom eh umupo ako sa upuan ko at nag cellphone nalang.
Candy crush
Clash of Clans
Minecraft
at...
Pou?
Hindi ko naman alam yan laruin eh. Hayyy. Pinindot ko nalang ang gallery at may nakita akong dalawang picture. Si Black sheep na may kasamang magandang babae.
Lumungkot naman ang mukha ko.
Yung unang litrato eh kaakbay niya yung babae habang yung pangalawa eh hinalikan siya ng babae sa cheeks. Ang ganda ng babae. Pang model yung hulma ng katawan niya mula balakubak niya sa buhok hanggang sa kuko ng paa. Hayyy.
Ex kaya to ni Black sheep? Halata naman eh. Eto siguro yung sinabi sa akin ni Tita Carla. Hayyy. Ano naman ang panlaban ko dito eh ang ganda ganda nito eh habang ako mukhang dagyit.
Hayyy.
Tumayo ako at napagpasyahan ko na pumunta nalang sa likod ng school at magpapahangin ng namalayan ko na andito na pala sa classroom si Black sheep at...Tinitingnan niya pala ako.
-----
"Black sheep, ano ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo?",tanong ko habang nakasandal sa isang puno tapos humangin at napapikit ako. Oh, edi parang sa pelikula lang. XD
BINABASA MO ANG
I Met A Gangster Whose Name Is Nikko
Teen FictionGangster! Gangster! Bwisit na Black sheep! Nagkita kami ng dahil sa isang kuting at na-develop ng dahil sa isang kotse. Oo, In love ako sa gangster at Nikko ang pangalan niya. Ang nag-iisang lalaking anak ng nagmamay-ari ng Partson Academy. Ang isan...