Meetup 19

1.7K 58 2
                                    

Meetup 19: Cry baby, talkative, and annoying. Just great.

Property of Momo_Ayren

Date updated: July 11,2015

(Nike's POV)

"Uh Miss, kamusta...Sino ka?"

Umiyak naman siya ng parang bata at tumutulo yung sip-on niya.

"Uwaaaa...di mo na ako naaalala Ate?"

O______O

HAAA?!

ATE?!

"ATE?!",shock na sigaw ni Apollo. Sakto,dumating ang barkada. "Anong ate? Sinong ate?",tanong ni Zeus.

"Paniguradong its me noh. I am the ate of my little brother kaya.",sabi ni Athena. "Tsk. Asa ka pa.",sabi naman ni Black sheep. "You're so nakaka-inis little brother! I hate you!",inis na sabi naman ni Athena.

"ATEEEE!",iyak pa ng babae.

Teka, sino ba 'to?

"Hindi mo na ako naaalala?",tanong niya. "Uhh...hindi?"

"UWAAAAAAAA!!",iyak niya na parang bata. Tumutulo pa yung sip-on. "Uhh...tahan na. Sagutin mo nalang yung tanong ko. Sino ka ba? At bakit Ate ang tawag mo sa akin?",tanong ko.

"Ate, ako 'to. Si Maika, nakababata mong pinsan."

---

Lahat kami na shock kanina. Syempre, sabi kasi ni mang Berto eh wala akong kamag-anak yun pala meron pa. Pinauwi ko na sina Black sheep. Andito kami ni Maika sa loob ng bahay ko. Kumakain siya. Gutom na gutom ata siya at grabe siya kung kumain. Parang aso.

"Uhhh...busog ka na ba?",tanong ko.

"Oo. Salamat ate ah.",sabi niya. Ngumiti naman ako. Di ko akalain na may kamag-anak pa pala ako. "Maika,paano mo'ko nahanap?",tanong ko habang naghuhugas ng plato.

"Bumalik ako ng Sun Village at dahil narin jan sa mga kakapitbahay mo nalaman ko kung saan ka nakatira.",sabi niya. "Ganun ba."sabi ko habang patapos ng hugasan ang mga plato.

"Ate,may mga mababait ka palang kaibigan.",sabi niya. Nilingon ko naman siya at tumango ng nakangiti. "Pangarap ko nga eh na sana palagi silang nasa tabi ko, at di nila ako pagsasawaan. Parang ganun.",sabi ko. "Diba ate pangarap mong maging isang artist?",tanong niya. Tumango uli ako.

"Oo, pangarap ko din yun. Ikaw ano ang pangarap mo?",tanong ko sa kanya tapos umupo sa harap niya.

Lumungkot ang mukha niya.

"Pangarap? Wala ako nun."

Kumunot naman ang noo ko.

"Buti ka pa ate may pangarap ka. May ambisyon ka. Pangarap mong di ka pagsawaan ng mga mabubuti mong mga kaibigan, tas pangarap mo ding maging isang artist pero ako...wala ako nun."

Hinawakan ko naman ang dalawang kamay niya at itinaas ito sa harapan niya at tinitigan ang mga mata niya. "Ano ka ba. Mangarap ka. Kahit anong pangarapin mo. Pwede yan. Ngayon, ang pangarap ko...sana maging magkasama na tayo panghabang buhay dahil di ko na hahayaang mawalan ako ng mahal sa buhay gaya ng nangyari kina mama at sa mga totoo kong magulang dahil simula ngayon...mahalaga ka na sa akin Maika.",sabi ko. Nagsisimula namang lumuha ang mga mata niya.

Iiyak na siya.

"UWAAAAAAA! ATE! MAG IISIP NA AKO NG MAGIGING PANGARAP KO O AMBISYON! ATE! UWAAAA!",iyak na naman niya. Para talaga siyang bata umiyak kasi may sipon pang tumutulo.

"Uhhh...gusto mo ng tissue?"

---

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nagsusulat ng journal ko. Oh diba? chochal.

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon