Warmth (A Werewolf Boy) - Six

81 4 0
                                    

Warmth (A Werewolf Boy)

SIX

SUNI

"Hmm. Konting gasgas at bahagya lamang namula ang kanyang likod. Hindi naman ganun kalala." Sabi ng manghihilot-slash-albularyo sa'min.

"Sigurado po ba kayo? E-eh ang laking bakal po ang tumama sa likod niya! Baka kailangan na pong dalhin namin siya sa mas malaking ospital. Wala bang malapit na ospital dito? Baka mabigyan po nila siya ng mas mabisang gamot. May alam po ba-"

"Ma.." bulong ko kay Mama dahilan para tumigil siya sa pagdakdak.

Nag-iiba na kasi yung timpla ng mukha nung albularyo na-ooffend na sa sinasabi ni Mama.

"P-pasensya na po, h-hindi naman p-" -Mama

"Labas." Utos sa'min ng albularyo.

"P-pasensya na po talaga."

"Labas."

"T-tara na."

Tumayo na kami at lalabas na sana sa kubo.

"Sige, upo na ulit kayo." Pigil sa'min ng albularyo. Loko 'to ah.

"Alam niyo, tatlumpung taon na akong nagseserbisyo sa baryong ito. Ni minsan ay hindi pumalya ang mga hilot at gamot ko. Mabilis ko ding nalalaman kung anong sakit ng mga pasyente." Kwento ni mamang albularyo habang hinahawakan ang pulso ni Ciel.

"Tatlumpung taon, akalain mo yun... tatlumpung taon... tatlumpu..." hindi na natuloy ng albularyo ang sinasabi niya at nahihiyang tumingin sa amin.

Akala naman namin ni Mama kung ano na ang nangyari dahil nag-iba ang ekspresyon niya nang hawakan ang pulso ni Ciel.

"S-sa tingin ko, kailangan niyo siyang dahil sa mas malaking o-ospital."

Weird. Sabay pa kaming nagkatinginan ni Mama at parehas pa kaming nagtataka.

Hindi rin kami nagtagal at umuwi na kami. Kita naman kasi ni Mama na hindi dumadaing ng sakit si Ciel, kaya medyo napanatag na si Mama. Well, medyo lang.

Hindi pa rin kasi mag-sink in sa'min yung mga nangyari kanina. Parang ang hirap paniwalaan.

"Ate! Gusto mong sumama?!" sigaw ni Sara na nasa labas ng bahay, habang ako, pinupunasan ko ang aparador.

"Saan ba kayo pupunta?! Istorbo ka naman eh."

Pero ang totoo niyan, gusto ko talagang sumama. Gusto kong maglaro. Ang tagal ko na rin yatang hindi nakakalabas ng bahay para maglaro. Medyo weird nga lang, kasi kung akalain ganito na ako kalaki, saka pa ko makakapaglaro sa labas.

Lumabas ako at lumapit sa kanila.

"Sige na, Ate. Maglalaro tayo dun sa may burol. Tsaka titignan namin yung kambing nina Mang Jun. Nakakatakot daw yung hitsura eh." Sabi ni Sara.

Tumingin naman sakin si Ciel na parang sinasabing gusto niyang sumama at makipaglaro. Gusto ko rin naman eh.

"Kuya... kuya..." Napatingin kaming dalawa ni Ciel kay Nina.

Hawak niya ang isang maliit na halaman na nakalagay sa paso.

"Ano yan, Nina?" Tanong ko at pinagmasdan kung anong klaseng halaman iyon.

"Ito po ay beanstalk, yung katulad po nung kay Jack. Diligan mo po to lagi kuya, para lumaki." Saka siya ngumiti at iniabot ang halaman kay Ciel. Ngumiti naman tong nasa tabi ko.

"Tara na, Ate!" Sigaw ni Sara na tumatakbo na kasama si Andoy at Nina.

Sumunod naman si Ciel sa kanila at naiwan ako. Tinitignan ko lang siyang tumakbo palayo nang mapalingon siya sakin at nakitang hindi ako umaalis sa puwesto ko, at dahil ako ang sinusunod ni Ciel, tumigil siya sa pagtakbo at pumunta sa likod ko saka ulit kami naglakad. Good boy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warmth (A Werewolf boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon