Warmth (A Werewolf Boy)
F I V E
Umupo na ko sa tapat ng lamesa. Hapunan na eh.
Lahat sila nakatingin sa’kin. Si Mama, si Sara, pati na rin si Andoy at Nina, well, dito na sila pinakain ni Mama eh.
“’Nak, akala ko ba ayaw mo siyang kasama kumain?” naguguluhang tanong ni Mama habang nakatingin sa’kin.
“Okay na, Ma. Sige na tawagin niyo na siya.”
Tumango naman si Mama. Sinabihan niya ang magkapatid na takpan ang plato nila, kakamayin nanaman kasi daw ni Ciel.
Sinenyasan ni Mama si Sara na nakabantay sa pintuan ng kwarto ni Ciel.
Dahan-dahan iyong binuksan ni Sara at agad lumabas si Ciel na dali-daling lumapit sa lamesa.
“Maghintay ka.” Sabi ko kaya naman tumigil siya sa pag kuha ng kanin. Kumain naman ako.
“Kain.” Sabi ko at dali-dali naman niya iyong sinubo at kakamayin na sana ang ulam.
“Saglit.” Sabi ko ulit kaya napatigil siya, tumingin muna siya sakin. Hmm. Sarap naman ng luto ni Mama.
“Kain.” Kukuhanin na sana niya lahat ng ulam sa plato, “Konti lang.” dugtong ko kaya tumigil siya at binitawan ang ulam, konti lang ang kinuha niya.
Nakatingin nanaman silang lahat sa’kin at kay Ciel.
“Bakit? Kain na tayo.” Sabi ko at sumubo na ulit ng pagkain. Nakatingin parin sila sa’kin.
Tulog na silang lahat. Ako naman, nagsulat lang ng kaunti sa notebook at binasa na ang manual.
Ang dami ko pa pa lang dapat ituro kay Ciel. Pero sure naman ako na pag uulit-ulitin ko yun sa kanya, matatandaan niya, matututo din siya. ‘Di naman siya bobo eh, weird lang talaga.
Ilang linggo nang nandito si Ciel sa amin.
Ang dami ko na ding natuturo sa kanya. Sinusunod naman niya ako. At ang maganda, madami na din siyang natututunan.
Mga simpleng bagay lang naman ang mga tinuturo ko.
Pagsisipilyo.
“Yan! Sige! I-brush mo lang.” sabi ko at inaalalayan ang kanyang kamay sa pagsisipilyo. Tinitignan naman niya kung paano ko din ginagawa.
“Ngayon, iluwa mo na dito sa lababo.”
Tumingin lang siya sa’kin at ngumanga ng napakalaki, nakapikit na nga siya eh. Ang cute tignan. Inilabas pa niya ang dila niya. Wala na yung sabon, linis yung bibig niya.
Bigla naman siyang dumighay. Eh? Nilunok? Haha.
Pagtiklop ng higaan.
“Yan, tapos tiklop mo pa.” sabi ko sabay tiklop sa higaan, ginaya naman niya.
“Tama. Halika na, lagay mo dito.” Sabi ko at binuksan ang cabinet, inilagay naman niya ang higaan sa loob, pagkatapos ay yumuko siya at inilapit sa’kin ang kanyang ulo.
Nakasanayan na din niya ang paghaplos ko sa buhok niya. Tuwing tinuturuan ko siya at nagagawa niya ng tama, alam na niyang hahaplusin ko ang buhok niya kaya nasanay na siya.
Pati pagsisintas ng sapatos, pagliligpit ng pinagkainan at ang pagsulat ng letra, itinuturo ko din sa kanya. Well, yung huli, yung pagsusulat, hindi pa siya masyadong marunong.
Napansin kong sobrang haba na pala ng buhok niya habang hinahaplos ko.
“Kelan ka ba huling naggupit ng buhok?” tanong ko at inaya siya sa labas para gupitan.
BINABASA MO ANG
Warmth (A Werewolf boy)
Mystery / ThrillerFor the first time in my life, something meaningful was about to happen. He's abandoned and INNOCENT. But people only saw his bestial insticts.