Warmth (A Werewolf Boy)
F O U R
"Ugh. Ang bigat naman neto."
Tinitigan ko ulit ang tatlong kahong magkakapatong sa harapan ko.
Naman eh! Paano ko ba makukuha yung libro ko sa ilalim, eh sobrang bigat nung mga kahon. Putspa naman!
Napaupo na lang ako sa sahig kasi nanghihina na talaga ako. 'Di ko talaga mabuhat. Kaasar.
Naramdaman kong lumalapit sa akin yung weirdo. Nakikita ko din kasi ang anino niya sa harapan ko. Lumingon ako at nabigla nang makitang nakatingin pala ito ng matiin sa'kin at dahan-dahang yumuyuko papunta sa akin.
"A-anong gagawin mo! L-lumayo ka!" sigaw ko habang paatras ng paatras pero puro kahon na din pala ang nasa likod ko. Putspa! Mama! Asan ka na ba?
Tuluy-tuloy siyang lumapit sa'kin at yumuko hanggang sa maging katapat ko na ang kanyang mukha.
Pumikit at sumigaw na talaga ako ng tuluyan, baka kasi mamaya rape-in o kainin ako neto. At hindi pa talaga ako nakuntento sa sigaw, pinagpapalo at sinasabunutan ko din siya.
Mamaaa! Kahit nakaka-awa hitsura neto, papatulan ko 'to pag-ginalaw ako neto. Mama! Huhu.
Tuloy parin ang paghampas ko at saka lang natauhan nang maramdamang wala na pala akong nahahampas. Minulat ko ang aking mga mata at nakita siyang nakatayo sa harapan ko, nagtatakang nakatingin sa akin habang buhat ang dalawang magkapatong na mabibigat na kahon.
Nahiya naman daw ako bigla. Mukha pala akong tanga, noh? Unti-unting humina ang pagsigaw ko at agad na tumayo saka kinuha ang kahon na naiwan, dun nga nakalagay yung mga libro ko.
Nakatingin pa din sakin yung weirdo. Tumayo na ako
"Eherm." Parang bumara ata yung mais sa lalamunan ko.
Binagsak na niya yung dalawang kahon. Parang wala lang sa kanya ang bigat ng kahon. Parang kahon lang ng sapatos yung binuhat niya. Hindi man lang siya nahirapan.
Tumingin siya sa'kin saka sa plato na may lamang mais.
"G-gusto mo?" kumuha ako ng isang mais at iaabot palang nang bigla na niyang hablutin saka bumalik sa puwesto niya sa sahig at nagkaskas ulit gamit ang lapis. Okay, You're Welcome. Ugh.
"May tao ba?"
Hindi pa ako nakakasagot nang makapasok na agad ang 'bisita' sa loob ng bahay.
"Tatlong araw na simula ng lumipat kayo, hindi pa rin kayo tapos magaayos? Tsk." Reklamo ng hambog. Iuntog ko kaya 'to sa pader?
"Kaya kailangan niyo ng lalaki sa bahay eh." Sabi niya at umupo sa tabi ko, saka binuhat ang isa sa mga kahon na binuhat din kanina ni weirdo.
Ang nakakatawa? Mukha siyang natatae na ewan. Kasi? Hindi niya mabuhat... yung kahon. Nakakapagtaka.
'Di hamak na mas matangkad at mas malaki ang biyas niya kumpara kay weirdo, pero bakit hindi niya mabuhat? Nakakapagtaka talaga ah.
Binitawan na niya ang kahon at pasimpleng tumayo. Kunwari walang nangyaring kahihiyan. Pft.
Lumingon naman siya kay weirdo. Ano nanaman ba?
"Ano pang ginagawa niyan dito?!" galit na tanong niya.
Tumayo ako at nilapitan siya. "Umalis ka na. Mag-aaral pa ko."
Hinawakan naman niya ang kamay ko at ngumiti. Nakakadiri. Tss.
"Bakit kailangan mo pa ng diploma? Ipaghahanda mo lang naman ako ng masarap na hapunan tuwing umuuwi ako. Yun lang naman ang gagawin mo." Hinawakan pa niya ng mas mahigpit ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Warmth (A Werewolf boy)
Misterio / SuspensoFor the first time in my life, something meaningful was about to happen. He's abandoned and INNOCENT. But people only saw his bestial insticts.