Warmth (A Werewolf Boy) - Three

71 2 0
                                    

Warmth (A Werewolf Boy)

T H R E E

"Baka mabangis na lobo lang iyon. Ayos na ba siya?" rinig kong tanong ni Mang Jun kay Mama.

"Ayos naman siya, nagkaroon lang siya ng kaunting mga galos."

"Mabuti naman kung ganoon, sige pupunta pa ako sa bukid."

"Sige po Mang Jun. Salamat. Ingat ho kayo." Sagot ni Mama at agad na lumapit sa'kin.

"'Nak, ako na gagawa niyan, sige na, mag-aral ka na lang doon sa loob kung gusto mong makatapos at makakuha ng diploma at para makapunta ka sa Amerika." Saway ni Mama at kinuha ang mga damit na kinuha ko sa sampayan.

Pero bago pa man ako makasagot, agad na nabaling ang atensyon ko sa isang bagay na gumagalaw sa ilalim ng mga kahoy na naka sandal sa gilid ng kulungan na pinuntahan ko kagabi.

"Ma?"

"Bakit?" tanong ni Mama at agad na lumapit sa akin.

"T-tignan mo." Saka ko tinuro ang bagay nakita kong gumagalaw at nakatingin sa amin.

"Jusko po! Mang Jun!" tawag sana ni Mama kaso malayo na si Mang Jun sa kinatatayuan namin.

"Yan ba yung nakita mo kagabi?" tanong ni Mama.

"Ewan. Yan siguro." Tinignan ko lang ito at nakatingin din ito sa amin. Wait, nakatingin din ito, may mata, edi hindi eto baga—

"Teka." Sabi ni Mama at dahan-dahang lumapit doon.

"T-tao? Ma!" saway ko kay Mama.

"Shh. Akong bahala, 'nak."

"Ma, naman 'di nga natin kilala yan eh." Pero 'di nakinig sakin si Mama.

"Halika." Sabi ni Mama at tinatawag siya na parang aso. "Hindi ka namin sasaktan."

Unti-unti namang lumalapit yung lalaki kay Mama.

"Ma! Ano ba!" saway ko ulit. Pero ang malala, kumuha pa si Mama ng isang patatas na pinakuluan—na papapakin ko sana—at ibinigay dun sa lalaki.

At ang mas malala, ang weirdo nung lalaki kasi pag kumakain siya para siyang aso, na taga-bundok, na inabandona na ng pamilya, na parang ewan. Basta-basta na lang kasi nito isinubo ang buong patatas, hindi na binalatan.

At ang pinakamalala, kinuha ni Mama ang buong bowl ng patatas at ibibigay na dun sa weirdo. Nak ng teteng!

"Uy! Ma! Kakainin ko pa yan." Sabi ko at aagawin na sana ang bowl na puro patatas. Pero inilayo niya iyon agad at binigay dun sa lalaki, agad naman niyang hinablot yun at NGINASNGAS. Caps lock para intense. Kain ng pang-super-duper-mega-ultra PG lang.

"Sige, kain ka lang." sabi naman ni Mama.

Naubos na ang patatas KO, pero hindi pa din umaalis yung lalaki, at ang nakakadiri? Dinidilaan niya yung kamay niya, parang aso. KADERDER.

"Hindi ba siya nakakapagsalita?" tanong ni Aling Nelda.

Andito na ang mga usisero at mga usisera sa bahay namin, pati pulis at ang hambog, na masarap iuntog sa pader na si Jet. Peste.

"Hindi yata, pero nakakaintindi naman siya." Sagot ni Mama.

"Paalisin niyo na yan! Bastado lang yan na pagala-gala diyan!" sigaw naman nung bakulaw, ni Jet pala. Eh siya nga yung bastado eh. Tss.

"Pangalan...wala. Edad... hindi alam. Haaay." Sabi nung pulis saka nagsulat sa The Notebook ni Blues Clues.

"Aish! Nak ng! May pantasa ba kayo diyan?!" galit pang tanong nung pulis, naputol yung lead ng lapis niya. At nung walang sumagot, inilaglag na lang niya ito sa sahig. Pinulot naman iyon nung weirdo.

Warmth (A Werewolf boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon