Warmth (A Werewolf Boy) - One

154 5 1
                                    

Warmth (A Werewolf boy)

O N E

6:00 am: Lunes

Panibagong araw nanaman. Bumangon na ako at nag-ayos. Naghilamos, nagsipilyo at pumili ng damit na susuotin ko para sa araw na ito.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa tapat ng salamin. Dumadami na ang puting buhok ko sa ulo, kumukulubot na din ang aking balat, lalo na sa mukha at sa mga kamay.

Tumatanda na nga ako, hindi na ako kasing ganda at bata tulad ng mga kabataang nakikita ko ngayon. Ilang taon na pala ang nagdaan, at parang hindi ko iyon namalayan.

"Ma, gising na po pala kayo. Maghahanda lang ako ng almusal natin. " bati sa akin ni Myra, asawa ng anak kong lalaki, si Loui.

Si Loui at ang kanyang pamilya ang kasama ko sa bahay. Sila ang na ang nag-aalaga sa'kin dahil nga ako'y tumatanda na.

Ang anak ko namang babae ang sumusustento sa aking mga pangangailangan, mas malaki ang kanyang kinikita kumpara kay Loui, at para narin hindi ako maging ganoong pabigat kay Loui at sa pamilya niya.

"Good Morning, Ma." bati sa akin ni Loui at humalik sa aking pisngi.

"Ma, nakahanda na po ang lamesa. Gisingin ko lang si Lujii." sabi ni Myra.

"Good Morning, La." bati ng bunsong anak nilang lalaki pagkalabas ng kanyang kwarto at binuksan ang TV saka ito umupo sa upuan katabi ko.

"Nagtext si Lianne, Ma. Namimiss ka na daw niya." sabi ni Loui na kalalabas lang ng kanilang kwarto suot ang kanyang unipormeng pang-opisina saka umupo at sumalo sa pagkain.

"Bakit hindi niya ako kamo tawagan?" sagot ko na may bahid ng pagtatampo.

"Tumatawag naman siya, Ma, tuwing gabi nga lang. Baka may boyfriend na." sabi ni Myra.

"Boyfriend? Sabi ko sayo bantayan mo yang anak natin, baka mapabayaan niya na ang pag-aaral niya." bakas ang pagkabahala sa mukha ni Loui. Wala tayong magagawa, ganyan talaga ang mga ama.

"Malaki na si Lianne, alam na niya ang ginagawa niya." ngumiti si Myra.

Tahimik kaming kumakain ng biglang nag-ring ang telepono. Nag-prisinta si Myra na siya na lamang ang sasagot. Saglit na nakipag-usap si Myra sa telepono at saka bumaling sa akin dahil ako daw ang hinahanap nito.

"Si Lianne ba iyan?" tanong ko kay Myra at hindi na nag-hintay ng kanyang sagot.

"Hello, Lianne?" panimula ko.

["Magandang umaga po, Mrs. Kim. Accounting Office po ito. Tungkol po ito dun sa bahay na binebenta niyo."]

"Ah, yun ba?" saglit akong nag-isip bago sumagot. "Pag-iisipan ko muna. Bukas ng umaga ko na lang sasabihin ang magiging pasya ko."

["Sige po, Mrs. Kim. Maraming salamat.]

Pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang telepono.

"Kailangan kong bumalik sa Korea." yan agad ang nasabi ko.

Naghanda na ako ng mga gagamitin ko.

Nagkita kami ni Lianne sa airport, siya ang sasama sa akin, wala naman daw siyang pasok buong linggo. Dito niya gustong mag-aral sa Korea, samantalang kami ay naninirahan sa Amerika.

Nagawa ko ang gusto ko, nakapunta ako sa Amerika. Doon ko pinagpatuloy ang buhay ko.

Siya ang magmamaneho papunta sa lumang bahay, matagal na rin niyang gustong makita ang bahay na yun.

Ilang oras ang byahe mula sa Amerika papunta dito sa Korea. Matagal na rin pala nang huli akong tumuntong dito. Madami na ang nagbago.

"Lala! I miss you!" salubong ni Lianne sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti na lamang ako.

"Tara na. Madami akong ikukwento sa'yo, Lala." sabi niya at kinuha ang mga gamit ko at sumakay sa kotse.

"Akalain mo yun, La. Tres lang nakuha ko nung Midterms. Sa talino kong ito." kwento niya habang nagmamaneho at nakasimangot.

"Yung mga professor ko naman, 'kala mo kung sinong magaling, 'di naman marunong. Dami pang sat-sat. 'Di ko tuloy makuha yung tamang gagawin." Pagpapatuloy naman niya.

"Ang kailangan mo lang gawin ay ulit-ulitin ang isang bagay hanggang sa makasanayan mo na. Sa paraang iyon, matututo ka." ngumiti ako habang nakatanaw sa bintana.

Bigla naman tumunog ang cellphone ni Lianne. Sinagot naman niya ito at ni-loudspeaker para marinig naming dalawa.

"Hello, Ma?"

["Lianne, kasama mo na ba ang lola mo?]

"Yup, nasa kotse na kami. On the way na."

["Asan na kayo banda?]

"Sa Gang-wondo, Hwacheon-gun, Do... do...gae..."

"Dogye." pagtatama ko.

["Ah, pakausap nga kay Lala."]

Kinuha ko naman at pinindot ang 'Handset' para hindi na marinig ni Lianne ang pag-uusapan namin.

["Hello, Ma?"]

"Ako nga. Maayos naman ang byahe ko. Nakakain na din ako bago umalis, at nainom ko na din ang mga gamot ko."

["Ma, sana si Lianne na lang pinag-asikaso mo nun, lalo na ng mga gamot mo."]

"Hindi na. Hindi naman malaking Gawain yun eh."

["Oh sige, Ma. Ayusin mo na lang yan at umuwi ka na agad dito. Mag-iingat kayo."]

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng pag-uusap namin ni Myra nang makarating na kami sa lumang bahay.

"Dito ka tumira dati, La?" tanong ni Lianne.

"Oo, pero saglit lang din."

"Grabe! Nakakatakot na tignan oh. Parang haunted house."

"Haunted house? Ganyan na din ang sinabi nila noon pa man." Napangiti na lamang ako. "Ang tamang lugar kung saan maaaring manirahan ang isang halimaw."

"Talaga, La? Ilang taon ka pa noon?" tanong ni Lianne na may halong pagtataka.

"Noong kasing edad kita." Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. "Noong kasing ganda kita."

"Noong..."

A/N:

Read, comment, vote. Thanks in advance guys.

-rxlixx

Warmth (A Werewolf boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon