Warmth (A Werewolf Boy) - Two

101 3 3
                                    

Warmth (A Werewolf Boy)

T W O

"Pasensya na at naabala ko kayo." rinig kong sabi ni Mama sa kapitbahay na tumutulong sa amin na magbaba ng mga gamit mula sa truck. Kalilipat lang namin ng bahay.

Pinili ni Mama na dito sa bukid kumuha ng bahay, payo na rin ng doktor sa'min dahil nga sa hindi magandang kondisyon ng baga ko.

"Nako, hindi ah." Ngumiti si Manong na hindi ko alam ang pangalan at saka ibinaba ang mga gamit namin.

Ngumiti naman si Mama, at nag-abot ng kamay sa dalawang kapit-bahay na tumulong samin, shake hands kung baga.

"Sonia, nga pala." Pagpapakilala ni Mama.

Nagpakilala din naman yung dalawang bagong kapitbahay namin, yung lalaki si Mang Jun, yung matandang babae, si Aling Nelda.

"Ah, kinagagalak ko pong makilala kayo." Sagot ulit ni Mama. Sobrang friendly, noh? Tss.

"Ah, eto nga pala ang anak ko, si Sara." Turo niya sa bubwit kong kapatid na pabalik-balik sa loob ng bahay,

"At iyon naman si Suni." Turo naman ni Mama sa'kin. Baka bukas pa ata sila matatapos sa pagpapakilala. Tss.

"Aba. Kay ganda naman ng dalaga mo." Rinig kong sabi ni Aling Nelda.

"Aba'y syempre, kanino pa ba mag-mamana." Sagot naman ni Mama saka tumawa.

Tss. Maganda nga, sakitin naman. Wala ring kwenta.

Habang wiling-wili sila sa pag-uusap, sinimulan ko nang magbuhat ng mga gamit namin at ipapasok na sana sa loob ng bahay namin.

"Anak! Nako! Wag ka nang magbuhat niyan, makakasama sa'yo. Magpahinga ka na lang sa loob" Sigaw ni Mama at kumaripas ng takbo papalapit sa'kin at kinuha ang gamit na dala ko.

"Okay, lang ako, Ma. Kaya ko naman eh." Sagot ko. Tss.

Oo nga, sakitin ako, pero hindi naman ako ganoong kalampa o kalambot, kaya ko pa rin namang kumilos ng normal. Tss talaga.

"Oy, ikaw, tulungan mo nga akong magbuhat nito." Rinig kong sigaw ni Mang Jun, kaya sabay kaming napalingon ni Mama.

"Eh?! Hindi mo ba ako kilala?!" Sigaw ni Jet kay Mang Jun. Si Jet ang----

"Ayy, Mang Jun, ako na lang po magbubuhat niyan. Hayaan na lang po natin siya." Sigaw ni Mama saka kumaripas ng takbo papunta ka Mang Jun.

Nakita ko naming nag-smirk si Jet. Tss. Kalalaking tao, spoiled. Ka-bwiset.

"Sino ba yan?" bulong ni—okay, hindi yun bulong kasi narinig ko eh— Mang Jun kay Mama.

"Ah, yan si Jet. Anak ng kumpare ng asawa ko. A-at siya rin yung bumili ng bahay na 'to para sa amin." Nahihiyang sagot ni Mama.

Oh ayan, si Mama na nagpakilala sa bakulaw.

Nakooo! Kung hindi lang talaga kami gipit, ako na mismo bumili ng bahay na 'to, baka pati nga bahay nitong hambog na Jet na 'to nabili ko na eh, sama ko pa swimming pool at bakuran nila as freebies. Kabanas. Peste.

Mabuti na lang 'di siya kasamang tumira dito sa bahay, may sarili naman silang bahay dito sa bukid na 'to eh. Kung hindi, mas gugustuhin ko pang matulog sa tabi ng mga kambing kaysa makasama siya sa iisang bahay.

Natapos na kami ng pag-aayos ng gamit. Well, hindi namang ganoon kaayos na. May bukas pa naman daw eh, kaya bukas na lang daw namin ayusin ang mga gamit namin.

Nabanggit ni Mama yung tungkol sa mga utang namin. I don't see any reason kung bakit, kailangan pa niyang banggitin yun sa mga kapitbahay namin. And besides, hindi pa namin ganoon kakilala ang mga ito.

Warmth (A Werewolf boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon