C7- The Burning Horde

2 0 0
                                    

7:00 am


Nakasunod na din ang grupo nila Billy sa operating room kung nasaan sila Elma at nagtaka na din ito sa mga bagong mukha na kanilang nakita.

"Sino sila?" tanong ni Billy

"Matutulungan nila tayo, Jake ayusin na natin yang sugat mo" tugon naman ni Elma. Napalunok nalang din si Jake sa sinabi ni Elma dahil paniguradong pahirapang proseso ang pagdadaanan nya ngayon.

Habang si Jake ay dahan dahang inaalalayan nila Billy para maka higa sa isang stretcher, nag agaw pansin din sa kanila ang pag hahanda ng doctor. Ang pag kuha nito ng malalaking gunting at syringe ang nagpukaw sa kanilang lahat.

"I can't stand this, mag hahanap nalang ako ulit ng mga gamot" ani Vanell at tuluyan itong lumabas ng kwarto.

"Vanell, don't do anything stupid" pagpapaalala naman ni Billy kay Vanell.

...

Habang naglalakad si Vanell sa isang hallway.

"Bakit ba nila ko laging pinupuna! Ginagawa ko naman lagi yung makakabuti, *sighs* i miss my Fris."
aniya habang dinadamdam ang mga salitang natatanggap nya nitong mga nakaraan.

"Kung hindi lang dahil sa nangyayari ngayon, hindi ako sasama sainyo" pahabol pa nito.

Habang naglalakad si Vanell sa isang mahabang hallway, nakapansin ito ng double-door na naka sarado gamit ang makapal na kahoy bilang lock ng pinto.

"Cleared, no medicines" pag basa ni Vanell sa nakasulat sa pinto.

Dahan dahan itong nilapitan ni Vanell at pinakinggan ang nasa likod ng pinto.

Wala ni isang tunog ang narinig ni Vanell sa kabila, kaya sinubukan niyang itulak ng kaunti ang pinto para makita ang nasa loob nito.

Nanlaki ang mga mata ni Vanell ng makita nya sa di kalayuan ang napakadaming infected na nakatayo lang sa hallway.

Dahil sa sobrang takot at panginginig, napabitaw sya sa hawakan ng pinto at natumba habang palakas ng palakas ang tibok ng kanyang dibdib.

Ang pwersang naiwan nya sa pag bitaw ay ang dahilan para mapansin ng mga infected ang pag galaw ng pinto.

Dahil sa lakas ng pandinig ng mga infected agad na nag si takbuhan ang mga ito papunta sa direksyon ni Vanell

hanggang sa maipit ang mga infected sa pinto habang nag pupumilit na makalabas.

Agad na tumayo si Vanell para tumakbo pero pumasok sa isip nyang barilin ang mga kamay ng infected na nakalabas sa pinto.

Umatras ito ng dahan dahan at tinutok ang hand-gun na hawak habang nanginginig ang mga braso.

Walang alinlangang ipinutok ni Vanell ang baril sa direksyon ng pinto para mabawasan ang mga infected na nagpupumilit na lumabas.

Napangisi ito habang nawiwili sa pag baril at pinagpapatuloy lang ang kanyang ginagawa.

Hindi nag tagal ay napansin nyang madami nang tama ng bala ang kahoy na naka kabit sa handle ng pinto at sa ano mang oras ay masisira na ito.

Cold Catches YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon