THE NIGHT AFTER THE RESCUE
Tuesday: 3am
HIVE's POV
Mahimbing na nagpapahinga ang buong grupo sa isang hardware na kanilang tinutuluyan nang magulat ang lahat dahil sa isang malakas na ingay galing sa labas.
"It's 3am! Hindi ba nila kayang mag pahinga!?" inis na sambit ni Iris.
Nag tipon ang lahat dahil nagtataka na sila sa ingay na ginagawa ng mga infected.
Agad na sinilip ni Wimey ang harapan ng hardware at nanlaki ang mga mata nito sa kanyang nakita.
"Y-yung pinto Billy! Sinisira nila yung pinto!" nangangambang tono ni Wimey.
"Kumilos kayong lahat! Aakyat tayo sa rooftop! Wimey, magdala ka ng malaking cutter" ani Billy.
Agad na nagsi kilos ang lahat dala ang mga armas na meron sila at pinag tulungan ng lahat na iharang ang mga shelves sa pinto para matagalan ang mga infected sa pag pasok ng gusali.
Naka labas silang lahat sa isang bintana at suwerteng wala pang infected ang nakakakita sa kanila. Agad na inakyat nila ang mga bata sa bubong kasunod ang mga babae.
Nakaakyat na halos lahat sa kanila at si Iris nalang ang tanging naiwan dahil sya ang naka suporta sa baba para hindi mahirapan ang iba sa pag akyat.
"Iris, akyat na" ani Billy.
Napansin din ni Vanell na may isang Infected na nagpupumilit na makaakyat sa bubong kaya hindi na sya nagdalawang isip na barilin ito.
Ang lahat ay nagulat sa ginawa ni Vanell.
"What the heck bro! Mali ginawa mo!" galit na tono ni Olsen.
"Im so sorry! Paakyat na kasi sya!"
Hindi nagtagal ay napansin ng mga infected si Iris na umaakyat at mabilis itong nagsi lapitan para hilahin ang binti nito.
Agad na nag abot si Jake ng kamay para mas mapabilis ang pag akyat, pero nahawakan na ng isang infected ang paa ni Iris dahilan para mahirapan sya.
Nag tulong ang ibang myembro para hilahin si Iris pataas pero nag tulong din ang mga infected na hilahin ang paa ni Iris sa pamamagitan ng pag patong patong nila.
"Take off your shoe! Ahhh!!" kasabay ng mahigpit na paghawak ni Jake sa braso ni Iris.
Agad na hinubad ni Iris ang sapatos para tuluyang maka bitaw ang mga infected sa kanya, at ligtas na naka akyat si Iris sa bubong habang pagod ang mga tumulong sa pag hila.
"Shit! That was my last Kobe!" paghihinayang ni Iris.
"What's more important!?" pagalit na sambit ni Jake habang nag hahabol ng hininga.
"Wimey, subukan mong butasin ang bubong sa garahe" ani Billy
Agad namang sinunod ni Wimey ang utos ni Billy at sinubukang butasin ang bubong na yero gamit ang cutter.
BINABASA MO ANG
Cold Catches You
HororOngoing mga lodi, kung mahilig ka sa zombie apocalypse stories, then give this one a shot. 💀🫀