Napayakap nalang si Jake sa anak nito habang hindi na matiis na ibagsak ang luha.Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam si Jake ng katahimikan sa labas.
"Aalis na tayo nak, hindi na tayo safe dito sa bahay." ani Jake.
Nagtaka si Jake ng hindi na nagsasalita si Yuri at nanginginig ito habang nakakumot.
"Yuri anak?"
Hinawakan nito ang noo ni Yuri at nagulat siya sa sobrang init.
Agad na binitbit ni Jake si Yuri palabas ng garahe at sumakay sa kotse."I'm sorry you saw what happened to tito"
Nakalabas sina Jake ng lugar na sobrang daming taong nag tatakbuhan, mga sasakyan na bumangga sa poste, at mga nakahilatang tao sa paligid. Maraming mga naka abang sa labas at naghihintay ng sasakyan na magpapasakay sa kanila. Hindi na ito pinansin ni Jake dahil mas importante ang buhay ng kanyang anak.
"Hahanapin natin si tita Elma mo ha, sabihin mo pag nahihilo ka." ani Jake.
Habang tumatakbo ng mabilis ang sasakyan ay naka tanaw si Jake ng dalawang lalaki na naka harang sa gitna ng kalsada.
Sinubukan nya itong iwasan, pero sinalubong nila ang sasakyan at nagliparan lamang ng parang walang nangyari sa kanila.
Napatingin nalang si Jake sa front mirror "What the hell is happening"
Hindi nagtagal ay nakatanaw si Jake ng bukas na Pharmacy sa hindi kalayuan.
Dito sila nagpalipas ng ilang minuto para makahanap ng gamot.Bukas ang Parmasya at wala ng mga bantay dito, nagkagulo nadin sa loob at nagkalat ang mga gamot sa kung saan saan, kinuha ni Jake ang mga kaylangang gamot para sa kanila at palabas na sana ng Parmasya.
"Ibalik mo yang mga kinuha mo" (kasabay ng pag kasa ng baril at walang takot na itinutok kay Jake).
"Konti lang kinuha ko, may lagnat ang anak ko" ani Jake habang nakataas ang dalawang kamay.
"Nakikita mo yang mga nakahilata sa labas? *Sabay turo sa mga nakahigang mga tao na wala ng buhay* Hindi sila yung mga klaseng tao na nakikita mo na parang.. parang mga BALIW! HINDI! mga normal na taong kagaya mo na sumubok kumuha ng pagmamay ari ko." sambit pa nito.
"Alright! Bibilhin ko lahat ng kinuha ko" ani Jake.
"Dalawang libo lahat ng yan!" tugon ng lalaki.
"Nag iisip ka ba? Lilimang piraso lang kinuha ko!".
Unti unting tinutok ng lalaki ang baril nito sa sasakyan kung saan nagpapahinga si Yuri.
"Walang kinalaman ang anak ko, hayaan mo na kami! Malaking tulong na to para sakin please!." paluhod na sinambit ni Jake sa harap ng lalaki.
"Sige! Kunin mo mga kinuha mo, kukunin ko ang sasakyan nyo" sambit ng lalaki.
"I can't do that, may hinahanap akong tao" pagmamakaawang tono ni Jake.
"Then say goodbye to your little one" kasabay ng pag tutok ng baril sa ulo ni Jake.
Wala ng ibang nagawa si Jake kundi yumuko at takpan ang katawan hanggang sa tuluyan ng pumutok ang baril ng hindi nya nakikita.
...
Halos manlamig sya ng mapagtanto nyang wala ni isang bala ang tumama sa kanyang katawan.
Napansin ni Jake na nakahandusay na ang lalaki sa sahig hawak ang baril nito.
BINABASA MO ANG
Cold Catches You
TerrorOngoing mga lodi, kung mahilig ka sa zombie apocalypse stories, then give this one a shot. 💀🫀