POV from different place
THE NIGHT DURING THE BREAKOUT
Monday: 11pm
(Takes off the gas mask) "Diego, we all need those supplies, sayang naman kung hindi natin susubukan diba, hindi magtatagal mauunahan tayo ng iba" pagkumbinsi ng babae sa nag ngangalang Diego.
"I will try my best Nicole, subukan mo na din kumbinsihin si Ferina na sumama satin, mas madali kung mas madami" tugon ng nagngangalang Diego.
Hindi maganda ang kanilang panimula dahil malapit sa kanila ang pinag mulan ng epidemya.
Mas mahirap ang posisyon na meron sila ngayon dahil mas madami ang infected sa lugar na tinutuluyan nila.
"Pag napag desisyonan ni Ferina na sumama, i'll start the raid no matter what happen. We'll leave this damn bunker for good." dagdag pa ni Diego.
"Sasama ako Diego" ani Ferina.
"Dali mong kausap ah. Pwede tayong umalis dito bukas ng umaga, 8am should be enough" tugon ni Diego
Lumapit si Diego sa isang babaeng nanghihina at nakahiga sa kama
"You'll be fine Kaye, kukuha kami ng gamot at gagaling ka. Antayin mo kami, magdadala kami ng gasmask para sa inyong lahat, aalis tayo dito na kumpleto. Be strong babe, i love you!" kasabay ng paghalik ni Diego sa noo ng babae.
Nag madaling tumayo si Diego sa pagkakaupo at lumabas sa kwarto at agad nitong nilapitan ang kasamahan nitong lalaki.
"Led, prepare the truck, 8am aalis tayo dito. Henry, Nicole, Ferina, and Led, tayong lima. Mag handa kayo" kasabay ng pag apak ng sigarilyo nito sa sahig.
"I'm praying for our safety, gawin natin ang lahat ng makakaya natin" pangiting sambit ni Led.
"There's no God in this situation anymore, nasa kaloob-looban mo na kung pano mo titibayan ang sarili mo" sambit ni Henry habang hinahasa ang hawak nitong itak.
Hindi na sumagot pa si Led sa sinabi ni Henry, kinimkim na lamang nya ito at nag buntong hininga.
Isa isa na silang nagpuntahan sa kanikanilang mga kwarto upang makapag pahinga.
...
Makalipas ang ilang oras ay sumikat na ang araw.
"Ang aga mo ah, 6 palang" sambit ni Nicole kay Diego na nakaupo lang sa kusina.
"O hindi ka natulog?" dagdag pa nito.
"It doesn't matter now" tugon ni Diego.
"Don't worry too much Diego, gagaling si Kaye" pagpapagaan ni Nicole kay Diego.
Agad na tumayo si Diego para kunin ang mga bag na may lamang mga baril at bala.Exact 8am
Sabay sabay na nag suot ng Gasmask ang lima palabas ng bunker na may mga bitbit na mga armas, habang si Diego naman ay pinapaikot ang susi ng sasakyan sa kanyang daliri.
BINABASA MO ANG
Cold Catches You
HorrorOngoing mga lodi, kung mahilig ka sa zombie apocalypse stories, then give this one a shot. 💀🫀