C9- Brave Cause

4 0 0
                                    

1:30pm
Highway

"Mas magandang nasa refugee center kayo hon, mas safe kayo doon" kasabay ng pag himas ni Leia sa buhok ni Ferine.

"Hindi kayo magugutom, hindi kayo makakakita ng mga infected" pahabol pa ni Leia.

Naka silip nalang si Hero sa bintana habang tinitignan ang paligid na hindi na katulad ng nakasanayan nila noon.

"Miss ko na si mama" ani Hero.

"Kaylangan nyo ng kalimutan ang mga nawala, they're not coming back, mahirap magpatuloy ng may dinadalang pagsisisi" sambit naman ni Ched na ikina-angal ni Elma.

"Hindi mo yan kaylangan ipamukha sa mga bata" pag sagot ni Elma.

"Reality hurts, Elma" tugon ni Ched.
Hinawakan nalang ni Miracle ang braso ni Elma para pakalmahin dahil alam nilang walang patutunguhan kung pag-sasagutan pa nila ito.

"Pagkatapos natin ihatid ang mga bata. i guess shelter's the next thing we need" sambit ni Wimey habang nag mamaneho.

Naki singit naman sa usapan si Osmo "Meron kaming alam, sa elem school ng Yapak, dun kami nag aral ng grade school, malawak don, enough rooms for us, hindi din mawawala ang clinic sa school, i just hope it hasn't overrun by those shits"

"People too, you know" ani Iris.

"Mag iisang araw palang naman tong gulo, siguradong tayo ang makaka una don" tugon ni Olsen.

Sumang-ayon naman si Billy sa plano ng kambal.

...

Refugee Center
Highway

"Ako at si Leia na mag hahatid sa kanila" ani Jake habang ang iba ay naka bantay sa labas ng sasakyan.

Habang naglalakad ang apat papasok ng lugar, pansin na din nila ang nagbubugsuang mga tao sa labas ng center.

"It'll be fine, hahanapin namin kayo ulit, hindi ngayon, siguro pag natapos na tong nangyayaring gulo. and when that time comes, y'all be grown-ups, magagawa nyo na lahat ng gusto nyo, but for now..." pag putol ni Jake.

"Naiintindihan po namin, Sir" ani Hero.

"Good, i want you two to be safe" sambit ni Jake.

...

Someone's POV

"Dave, paki abot naman ng bioflu, tubig na din" sambit ng lalaki na kausap ni Dave.

"Okay ka lang pa?" agad namang inabot ni Dave ang gamot at tubig sa kanyang ama.

"Ayus lang nak, napagod lang siguro ako sa pag hakot ng gamit natin kanina" tugon ng ama.
Hinubad na din nito ang kanyang suot na damit dahil sa init"Para akong lalagnatin, pero ang init naman" dagdag pa nito.

Napansin din ni Dave na may sugat ang kanyang ama sa braso.

"San galing yan pa?"

"Ahh ito, yung mga sinasabi nilang baliw, akalain mo yun nangangagat pala sila, maliit lang naman wag ka mag alala, hindi nakakalagnat ang ganitong sugat, napagod lang ako,pahinga lang katapat nito" tugon ng ama.

Cold Catches YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon