5:30 am
Huminto silang lahat sa isang malaking ospital at pansamantalang nagpahinga sa isang bakanteng parking lot."Kumuha kayong lahat ng stick sakin, sasama sakin ang makakuha ng mahahaba, apat lang ang makakasama, the rest bantay dito kay Sting at sa mga bata" sabay pag abot ng sticks ni Billy sa kanila.
Isa isa silang kumuha sa kamay ni Billy at kita sa mga mata ng iba ang takot dahil sa traumang natamo nila sa SPEX.
Unang nagpakita ng stick ay si Leia, maliit ang nakuha nito pero mukhang dismayado dahil hindi sya ang isa sa napili.
Sumunod ay ang kambal na si Olsen at Osmo, wala ni isa sa kanila ang nakakuha ng mahabang stick dahilan ng pag aasaran ng dalawa.
"Masuwerte ka lang e" ani Olsen.
"Lul, ang saya mo sigurong nakuha yang maliit." tugon naman ni Osmo.
Sumunod na nagpakita ay si Iris na nakakuha ng unang mahabang stick.
Napalunok nalang ito habang tinitignan ang stick na nakuha at pinakita ito sa lahat.
Ang sumunod ay si Elma at Jake, pero si Elma lang ang nakakuha ng mahabang stick sa kanilang dalawa.
"Mag iingat ka sa loob" pag paalala ni Jake kay Elma.
Sumunod si Ched at Wimey na wala ding nakuhang mahabang stick.
Habang si Vanell at Friston ay sabay na magpapakita ng sticks habang magka hawak ang mga kamay.
Pag bukas ng palad nila, si Vanell ang nakakuha ng pangatlong mahabang stick habang si Friston naman ay hindi.
"Babe ako nalang papasok kung ayaw m-"
"No i'll do it" pag putol ni Vanell kay Friston.
Ang tanging hindi nalang nakakapag pakita ay si Miracle na sobra ang pangangatog at takot dahil kanina pa nyang kinikimkim ang mahabang stick na nasa kamay nya, dahan dahang binuksan ni Miracle ang palad nito para ipakita sa lahat pero nahinto ito ng magsalita si Jake.
"Damn, ako pala yung nakakuha ng last na mahaba" ani Jake.
Napatitig nalang si Miracle kay Jake dahil napansin nito na kinuha lamang ni Jake ang mahabang stick sa kamay ni Elma.
"Alright, 5 minutes papasok na tayo ng building" sambit ni Billy.
"Sigurado ka bang kaya mo?" pahabol pa nitong tanong kay Jake.
"Kaya ko na, wag ka mag alala" tugon naman ni Jake habang ang iba ay nag aalala sa sitwasyon na meron sya.
Pansin ni Elma ang maluha luhang mata ni Miracle habang nakatitig lang ito kay Jake dahil halatang hindi nito kaya na sumama sa kanila. Saisip na lamang ni Miracle ang lubos na pagpapasalamat nito kay Jake.
Nag handa ang mga napili para sa Building raid na gaganapin.
Habang pinagmamasdan ni Billy ang ospital, nagtataka na ito dahil wala man lang itong napansin na kakaiba sa loob ng gusali.
BINABASA MO ANG
Cold Catches You
TerrorOngoing mga lodi, kung mahilig ka sa zombie apocalypse stories, then give this one a shot. 💀🫀