Habang sila ay naghahabol ng oras, pinipilit padin na itayo ni Elma si Jake, habang ang mga bata ay wala ng ibang magawa kundi umiyak sa takot at dumikit na lamang sa kanilang dalawa.
Halos mawalan na sila ng pag-asa at tinanggap na lamang ang mangyayari sa kanila. Pero isang malakas na pag sabog ng sasakyan sa di kalayuan ang nag pukaw sa kanilang lahat.
Dito ay sunod sunod na nagsi labasan ang mga lalaking may dalang mga baril at mga itak.
Unti unti nitong pinag papatay ang mga infected na papalapit sa kanila na para bang mga hayop.
Habang ang iba ay abala sa pag patay ng mga infected, isang lalaki at babae ang sumunod na lumabas at tumulong kanila Elma na itayo si Jake na hindi padin tumitigil sa pag iyak.
"Pasensya na kung huli na kami" sambit ng lalaking naka alalay kay Jake.
"Wala ng iba pang paraan para maka alis sa ganong sitwasyon, hindi ko lang inasahan na ang anak mo pala ang gagawa" pahabol pa ng babae na kasamahan nila.
Napaluha nalang din si Elma habang nagmamadaling makalayo sa pinangyarihan.
Tumigil silang lahat sa isang malaking hardware na inaasahang lugar ng mga tumulong sa kanila.Agad na binuksan nila ang hardware para makapasok na din ang mga kasamahan na nasa likod at patuloy sa pag pigil ng mga humahabol na infected.
Ligtas na nakapasok sina Jake, Elma at ang mga bata. At ang iba naman ay sinusubukan pading ubusin ang mga infected na posibleng makapasok ng hardware.
"Mali na pinilit nyong iligtas ang mga yan Billy." sambit ng isang matandang lalaki sa lalaking nag ligtas sa kanila.
"How come Ched?" tugon nito.
"Hindi magtatagal, magpupumilit ang mga hayop na yon na makapasok sa gusaling to! Tandaan mo, hindi sila katulad ng mga napapanood mo sa telebisyon, they know we're here." galit na pagpapa alala ng matanda kay Billy.
"Panong hindi katulad sa telebisyon?" tanong ni Elma.
"May isip yung iba, mabilis maki bagay ang ibang virus na naka pasok sa mga masuswerteng katawan, Yung mga Specials, in short SPEX ang tawag namin" pag sagot ng babae sa kuwestyon ni Elma.
"Anong kinaibahan nun sa normal na mga uri nila?"
"Alam nila ang susunod na gagawin, para padin silang mga tao" muli nitong tugon kay Elma.
"They're pain in the ass if i were asked" sambit ng isang foreign guy habang nag lalagay ng panibagong bala.
"Pwede bang malaman mga pangalan nyo" pagpapakumbaba ni Billy.
"Ahh I'm Elma, si Jake pinsan ko, Si Ferine, nakita lang namin sya kanina, at..." pag hinto ni Elma dahil di pa nila kilala ang batang lalaki na iniligtas nila.
"Hero po" sambit ng bata habang nanginginig padin sa takot at basang basa ang mga mata.
"I'm Billy, ako ang naghahawak ngayon sa grupo na'to, thankyou for saving those children... di na rin tayo magtatagal sa lugar na'to." pagpapakilala ni Billy.
"I'm Leia (28), nothing Special, Nadamay lang din sa pag ligtas nila." pagpapakilala ng babaeng isa sa tumulong sa kanila.
"Eherm! Iris (25)." *pag abot ng kamay nito kay Elma* (Sya yung Foreign guy na tumulong din sa kanila).
BINABASA MO ANG
Cold Catches You
TerrorOngoing mga lodi, kung mahilig ka sa zombie apocalypse stories, then give this one a shot. 💀🫀