Part 1.5

6 1 0
                                    

 "kapag hindi ninyo pinirmahan ito, mawawala na din ang Hotel na pinakaiingatan ng Lolo mo. Gusto ko kasi ibenta itong hotel na ito para sa aking anak. Alam mo naman yun di ba Jake, pamangkin, kaya itong regalo ko at yung Hotel na ito ang magsisilbing regalo ko para sa inyo. ayaw kasi ng Lolo mo na ibigay sa anak ko gustong gusto niya ang lugar na ito kaya. I deal ko na lang para sa anak ko at hindi na ako kulitin pa, pag sinabi ko kasing regalo ko na sa iyo hindi na yun magtatanong pa."

so ako yung ipagbebenta niya para matubos ang Hotel na ito. 

"Ms. Charlene right, siguro naman kilala mo ang Papa ni Jake, once na na break mo ang rules hinding hindi ka na makakatungtong sa pamamahay niya. pero soft ang heart noon matutuwa yun kapag nalaman niya na nagpakasal na ang anak niya na si Jake."

Ang hirap talaga kung nasa circles rich ka, pati marriage pwede ng bilhin.

"Excuse me Tito, I need to talk to Charlene."

iniwan na muna kami dito ni Jake.

"I never thought na dito nila tayo dadalhin sa situation na ito. Pasensya ka na."

"Ayos lang naman pero yung Hotel di ba sa Lolo mo, pero bakit sinasabi niya na ibebenta niya?"

"actually sa itong property/ business kay Lolo pa din, ang pinaghahatian nila Papa at Tito na ngayon ay Mayor. Ang usapan kasi dito ang unang ikasal ang magmamana nito. Kaya atat na atat si Lolo na magpakilala ng mga random na babae para lang ako ang makakuha"

"so pustahan ang peg, bakit ako pa talaga. kaya ba ako ang ipinadala dito, dahil nakita na nila Yung background ko sa company? hindi yata makatarungan ito. Pagdating na pagdating ko sa company magreresign na ako."

"Pasensya ka na talaga. ikaw yung nandito Ms. Charlene nakikiusap ako samahan mo muna si Lolo. gusto ko muna mapag-isa"

umalis na siya at ako naman ay nandito sa tabi ni Lolo. "Charlene, iha nasaan si Jake?" 

"Lolo gusto daw po muna niyang mapagisa. Lolo ano bang naging kasalanan ni Jake at bakit parang pinarurusahan siya ng Tito niya."

"Iha pasensya ka na pati ikaw ay napapahamak sa mga problema namin. ito kasing Hotel na ito ay tanging naiwan sa akin ng asawa ko maraming alaala kaya hinding hindi ko maiwan dito nagsimula ang kwento namin ng Lola ni Jake at ang 2 kong anak na babae maraming memories na ito yung unang  business na itinayo namin ng mahal ko, dahil alam kong mapagkakatiwalaan si Jake kaya sa kanya ko ipinauubaya, matanda na ako hindi ko na kakayanin pang mag-hands on sa hotel. Hindi ko alam kung papaano kita mapapapayag, kaya lang hindi mo naman talaga type ang apo ko."

Nakakalungkot  lang isipin na ang talagang magsusufer ay si Jake at ako pero si Lolo talagang malungkot ngayon na hindi maipinta ang mukha sa kalungkutan. Gusto ko silang damayan kaya lang hindi naman ako pwede manghimasok dahil ako din ay madadamay. Pag ba pumayag ako anong mangyayari sa akin? kung hindi ay babalik ako sa probinsya namin at magreresign na agad agad pag-balik ko. 

"Lolo bakit ako pa talaga ang gusto ninyo pwede naman na yung isang apo ninyo. Malapit na siya nagpakasal di ba? alam kong nag-iisip na siya ng paraan para makuha ito Lolo please ibigay na lang ninyo para hindi na ako magkaroon ng problema. Please Lolo" may halong pakikiusap sa mata pero tingin ko nakainom na siya.

"Iho buo na ba talaga ang disisyon mo?" may lungkot sa mga mata niya.

"Opo" tipid na sagot ako naman ay iniwan ni Lolo sa lalaking ito.

"baka magbago pa isip mo?" sabi ko sa kanya habang natungga ng wine.

"Masakit para sa akin na iwan ang natitirang alaala ni Lola but hindi ko naman kaya na isacrifice lahat at mandamay pa ng iba."

so may pakialam siya sa mga taong nakapaligid sa kanya kahit papaano ay may puso pa rin siya.

"Iniwan nga pala sa akin ng Tito mo itong marriage contract kung sakali na magbago ang isip mo."

"Gusto mo ba?" oops parang sinampal ako dun ah.

"shempre ayoko, sino naman ang gustong magpakasal sayo. saka future ko muna ang iisipin ko. ganun ka din naman di ba?"

tumingin siya sa akin.

"baka pwede mo pang pag-isipan ang contract na ito. tutal parehas naman na tayo na career muna saka na lang natin isipin ang lahat."

tumigil ako sandali."hindi ko naman balak na ikasal sa ganitong situation I preferably na sa simbahan, at ikasal ako sa taong mahal ko at mamahalin ko pang-habang buhay. Alam mo kasi hindi iniisip ang mga bagay na mayaman o mahirap ang taong pakakasala ko basta kaya niya akong buhayin at ang magigung anak namin."

"so simple lang naman ng gusto mo kung maaga kasiguro dumating ikaw na siguro ang pinili ko pero hindi eh ang pait ng tadhana." uminom ulit siya ng alak.

"Pwede ba tama na ang pag-inom mo ng alak. Halika tara doon sa room mo para makapag-pahinga ka na." inakay ko siya sa room niya teka nahihilo na din ako.

"ano bang room mo?" tanong ko sa kanya.

"room 403" dinala ko na siya sa room niya.

"teka sandali lang, gusto ko ng tubig."

Kumuha ako ng tubig galing sa center table. ang laki naman ng room na ito. Uminom ako ng tubig. nahihilo na ulit ako bakit ganun yung tubig, e tubig lang naman ito wala naman itong alak.

"Charlene" nasa likod ko na siya alam kong hindi pa kami ganun ka close para lapitan niya ako ng ganito. pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at nagsimulang mag rant hindi ko maintindihan. 'wait lang ha, hindi ko talaga maintindihan." Humarap ko at sobrang lapit ng mukha niya sa akin pati hininga niya ay nararamdaman ko. pero amoy alak naman kami parehas.

"Charlene pakasalan mo ako kahit ngayon lang, wala na akong pakealam sa kung ano man ang magigingkahihinatnan, ang love natututunan naman yun, hayaan mo akong mahalin ka, ibibigay ko sayo ang lahat ng gusto mo, pakasalan mo lang ako."

"ang sakit talaga ng ulo ko nahihilo na ako. Jak.." hinalikan na niya ako at sobrang diin. kahit hampasin ko siya hindi ako makalaban.

***end of flashback***

Author's note: Please comment if nabitin po kayo. See you po sa Part 2. sa mga silent reader dyan please vote  and follow po. Thank you.



Unforgettable RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon