Part 2.3

3 1 0
                                    

(JAKE POINT OF VIEW)

"Please Jake, kahit engage lang naman kayong dalawa pumayag ka na dahil kung hindi ay hindi nila susuportahan ang company natin as business partner sa project."

"I said NO! wag ninyo akong diktahan sa mga gusto kong gawin sa buhay"

"I will arrange our partnership with Mr. Domingo, Jake wag na wag Kang tatakbo alam kong yan ang gagawin mo."

tsk "Lahat na lang kayo ang nasusunod  kailan naman ninyo ako pakikinggan"

"as soon as possible, tapos after 1 year kasal na. Hindi naman magtatagal ang project ninyo kasi half a year lang naman yun. kaya hindi pa kayo maikakasal dalawa"

"Ayoko sa consequences mapapasubi lang ako jan. Jigs please find that woman"

"Jake who's that woman?"

"It's none of your business Papa, kung gusto ninyo talaga mapipilitan talaga akong umalis ng company at iwan lahat ng kung anong mayroon ako."

"okay Fine, last na ito Jake then hindi na kami makikialam pa sa buhay mo."

"Sabi ninyo yan ha." 

Nung una si Lolo tapos ngayon si Papa naman ayoko na gusto ko nang lamunin ng lupa. Umalis na ako hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. 

Ipapahanap agad ako ni Papa sigurado ako jan. Alam kong nag-aarrange na sila engagement namin. Sino ba talaga si Mr. Domingo at bakit sa anak pa niya. Ang gulo gulo na nag buhay ko ano pa ba ang darating na pagsubok ko.

"Sir heto po yung ninyong bill ninyo. Pasensya na kayo malapit na din pong magsara ang canteen namin saka sir bawal po dito ang alak"

Alam kong may alak akong dala kaya nga hindi ako bumili dito. Sa tabi tabi lang ako para hindi nila ako mahanap.

Lumingon ako "Pasensya na Miss ang laki lang talaga ng problema ko sa pami...." hindi ko na maituloy pa ang sasabihin ko dahil ang kaharap ko ngayon at bigla akong kinabahan. 

"Jake.."

"Charlene.."

"Mama!"

_____________________

(JIGS POINT OF VIEW)

tinatawagan ko si Jake hindi sumasagot ano na bang nangyari sa kanya?

wala sa kahit na anong bar o restaurant sa malapit.

"Jigs na contact mo na ba?" tanong sa aking ni Lolo 

"Hindi pa po"

"Saan kaya nagpunta ang batang yun. Jigs hayaan mo muna baka naman bumalik siya sa pagkakauntog niya para matauhan ang tagal tagal ko ng sinasabi na magpakasal eh "

Sabihin ko na kaya kay Lolo yung tungkol kay Ms. Charlene kaya lang nangako ako na hindi ko sasabihin. Ang hirap naman. 

"Jigs Alam mo ba kung nasaan ngayon si Charlene?"

Patay na hindi ako makakapagsinungaling

"Actually po Lolo, pinapahanap po ni Sir Jake sa akin si Ms. Charlene"

"good alam kong hindi na niya pa kayang takasan ang tadhana niya. Alam kong si Charlene ang pupuntahan niya."

"Po?"

Hindi pwede ito baka magkita sila tapos tapos yung anak nila. sumasakit ang ulo ko. 

"Jigs ano bang problema mo?, kanina ka pa balisa" 

"wala po ito Lolo nag-aalala lang po talaga ako."

Hindi talaga maialis ang pag-aalala ko sa mag-ina.

Ms. Charlene sana'y ligtas po kayong mag-ina.

(CHARLENE POINT OF VIEW)

Anong ginagawa ng taong ito dito.

"Charlene susmaryosep bakit lumaking so Justin?"

Si Mama naman pahamak eh.

ang senario namin magkakatabi kami ni Jake dahil hindi ko pa alam kung papaano sasabihin sa kanya lahat. 

"Mama naman"

"Iho, hindi na ako magtanong pa ha. alam kong kailangan ninyong mag-usap dalawa. Alis na ako"

Umalis na si Mama at ako naman ngayon kasama si Jake at si Justin na nakatingin lang ang dalawa sa isa't isa.

"Jake bakit hindi ka pa naalis kanina pa kita pinaaalis ah."

"nahimasmasan ako ng makita ko kayo. tapatin mo nga ako anak ko itong batang ito, bakit ba ako nagtatanong oo alam ko na anak ko ito dahil kamukhang kamukha ko. Pero hindi pa rin ako makapaniwala, ah sakit ng ulo ko"

"akala ko ba nahimasmasan ka na, hindi mo anak itong bata saka umalis ka na!"

"Charlene, wag mo akong gawing ta*** dahil hindi mo ako mapapaikot"

gusto kong magkaroon ng whirlpool at higupin ako palalim.

"sinabing hindi mo nga siya anak."

"Justin right?, gusto mo sumama sa akin." hindi pala siya nakatingin sa akin.

"Yaah" sumama naman siya si Justin sa kanya.

"Charlene bakit hindi mo sinabi agad sa akin to?" Ito ang ayokong tanong.

"Wala ka na doon saka may sarili na akong buhay ngayon hindi ko na kailangan ng tulong mo."

"Hindi yan ang gusto kong malaman sayo, ang batang ito ang kailangan ko ngayon, saka Ikaw"

"Kaming dalawa ang kailangan mo? Hindi porket nakita mo kami ay kailangan mo na agad agad"

Pero alam ko naman talaga ang kailangan niya na magpakasal sa ibang babae.

"Dahil importante kayo sa akin lalo na may anak ako sayo Charlene" tumigil siya sandali "may asawa ka na ba? boyfriend? may mahal ka na ba? Kamusta ka na kayong dalawa, bakit hindi mo ako hinanap nung nalaman mong buntis ka? May galit ka ba sa akin, ang dami kong tanong sayo bakit bakit ?" Habang hinahawakan niya si Justin nagsisimulang tumulo ang mga luha niya. 

"Ang sakit ng tinaguan ka ng 3 years, not knowing na may anak pala ako sayo. Charlene akala ko ba tutupadin mo ang career mo pero bakit bakit hindi mo ako hinanap?" 

Alam kong ako ang babae na dapat ay umiiyak pero siya ang umiiyak ngayon. Haaay.

"Alam kong wala akong kwenta, hindi nararapat sa mga kagaya ninyong mayayaman. Una palang sinabi ko na na ayoko sayo pero ang end up pala ay magkakaroon ako ng anak sayo. Hindi ko akalain, nung nalaman kong buntis ako sabi ko dapat ba kitang hanapin nagresign na ako sa trabaho ko, anong karapatan kong panghimasukan ang buhay mo ni hindi pa nga kita nakikilala nh lubos that time. Kung tatanungin mo ako kung may asawa na ako oo mayroon na. Mag-isa kong itinataguyod ang anak ko. Wag ka mag-alala wala kang responsibility sa anak mo"

"Charlene kahit na may asawa ka na please anak ko naman ito kaya kong kuhanin siya sa iyo alam mo ba yun"

"alam ko sa yaman ninyong yan kayang kaya ninyo paikutin ang batas, Please Jake wag mong kukuhanin sa akin si Justin."

"Wag ka mag-alala hindi ko siya kukunin para sayo ang gusto ko ay mabisita at makamusta manlang ang anak ko. Pwede bang payakap ako sa inyong mag-ina."

Pumayag naman ako, dahil alam kong sobrang lungkot niya ngayon.

Unforgettable RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon