Part 1.3

7 1 0
                                    


"Be my wife, with benefits"

Ohhh 😮

Ano ?!

"Joke lang, si Lolo kasi gusto niya na may ipakilala ako sa kanya na future wife ko na but some of appointments with random girls, not successful."

"You mean wala kang nagustuhan sa mga babae nakilala mo?"

"No, I offer that question but agad agad sila pumapayag without knowing the condition. Baka mamaya spy pala tapos in the end ako pa yung maging reason kung bakit ma bankrupt ang company namin".

"Oh so you mean, a contract wife for display".

Ayos din ito. Walang hiya hiya direct to the point I like it.

"Yup, nothing more than that. just for a night please 🥺 I will give you everything"


"No I don't. Baka pag-pinasok ko yan ako pa ang matalapid sa sarili kong decision"


Napabuntong hininga siya that time. 


May papalapit sa amin na mga kumpol na mga babae.

"Jake long time no see. I hope natatandaan mo pa kami. Alam ko naman na wala kang interest sa mga babae pero please consider mo naman kami na naghihintay sayo at ng company namin."

"OMG, Jake Kang, please consider my proposal to you. Hinihintay talaga kita kaya ayaw ko pang mag-asawa" mukhang may katandaan na.

so madami pa sila mapagkukuwentuhan. Alis muna ako.

Nagpunta ako dito sa garden at nakita ko yung hardinero. 

"Lolo, nandito pa po kayo sa garden ng hotel, ikukuha ko po kayo ng pagkain sa loob"

mag sign siya na ginawa at "Iha kay buti mo sa akin, ang pagkabait mo. baka pwede mo akong ikuha."

"sige po hintayin po ninyo ako dito."

Pagkain lang naman ang kukuhanin ko. "Sir, baka hindi po ninyo kayanin ang makipag-meet sa mga investor ninyo. aabutin tayo ng hating gabi dito" naririnig ko na naman yhung alalay ning mahangin na yun.

"Don't worry need lang naman natin sila kausapin then ipropose ang mga dapat, nang dahil kasi kay Papa nauunsyame ang buhay ko. wala na nga ako love life halos social life"


"Sir may ipapameet sayo si chairman, today sana kausapin po ninyo"

"Anu ba naman yang si Lolo hindi pa sumusuko sabi ng ayaw ko ng babae"

oOppsssy.

alis na ako baka makita pa ako at yayain na naman ako sa kasal na yun.

"Lolo ito na po yung mga pagkain po ninyo, shempre consider ko din po yung health ninyo kaya puro healthy food po ang kinuha ko."

"Iha ang bait mo talaga. May irereto ako sayo ang apo ko iha baka gusto mo"

"naku Lolo wala pa po sa isip ko ang magboyfriend"

"Iha asawa ang tinutukoy ko,"

"po!!" hindi na talaga ako makapagsalita sa sinasabi ni Lolo.

"Iha anong pangalan mo?"

"Charlene De Guzman po, Lolo wag na po ninyo ako ireto sa kung kani-kanino please nakafocus po ako sa career ko ngayon baka hindi ko po nararating ang future ko"

"Iha Charlene, nasa tabi-tabi mo lang ang future mo ayaw mo lang talaga pansinin."

Si lolo nagiging future teller na.

"Lolo naman wala pa po talaga sa plano ko yan, kumain na po kayo."

"LOLO?" si Mr. Hangin, Lolo? what do you mean si Lolo, ANG LOLO NIYA? what a small world ng naman.

"Lolo ano ba ang ginagawa mo dito, hindi ka pa nakabihis anong balak mo ngayon ang dami dami ng investor doon sa loob at mga kilalang mga president ng company then hindi mo kakausapin?"

"Iho napaka walang galang mo talaga, hindi ko alam kung paano ka iniri ng ina mo?, alam mo naman na matanda na ako at hindi ko na kaya pa ang makipag-usap sa kanila kaya nga ikaw ang ipinadala dito ng Papa mo, ang hina mo talaga kahit kailan"

Hahahahahaha hindi ko alam kung matatawa ako o magpapahagalpak ng tawa.

"Lolo siya ba ang apo ninyo" tanong ko nakangiti na natatawa.

"Anong tinatawa mo jan?" oh ako na naman ang nakita niya.

"Alam mo Lolo ganyan po talaga siya hindi marunong gumalang sa matatanda kaya nga hindi natagal ang babae sa kanya."

"FYI, mas gusto ko ang buhay ko ngayon na walang iniintinding babae dahil nakafocus ako sa future ko."

"Parehas na parehas nga kayo. Charlene Iha ito nga pala ang apo ko si Jake Kang, sana magustuhan mo siya Iha"

"over my dead body Lolo, mas mahangin pa yan sa mahangin lalo tuloy lumalamig ang paligid."

"hahahahaha" tawa ni lolo

"Hoy babaeng mataas ang standard. baka hindi mo pa ako kilala ako ang hinahabol hindi ako ang naghahabol saka yang mahangin talagang mataas ang tingin ko dahil nasa taas ako"

"Ano ka aso, hoy hindi lahat ng aso gusto ang tataas na lugar, hahahaha" natatawa na ulit ako.

"Iho, Iha magpapalit lang ako para mapakilala ko ng maayos ang sarili ko, maghintay lang kayo jan"

After 30 mins namin walang imikan, nagyaya na sila na pumasok at ipapakilala na daw si Chairman sa lahat.

"Please welcome Mr. Johnny Montenegro the Chairman and the founder of the Hotelandia"

shhoooot ...... Siya ang may ari pero ang pakilala niya sa akin ay isang hardinero, akalain mo nga naman wala talaga sa itsura ang mayayaman na tao.

"This is my 70th Birthday but please welcome my grand son the CEO of this hotel, ang the next Chairman/Owner Jake Kang together with his fiance Charlene De Guzman"

Whaaaaaat anong kagaguhan na naman ito lagi na lang akong napapahamak sa mga mayayamang ito.

Shempre gusto ko ng lamunin ng lupa pero "give me your hand"

wala na akong kawala, hindi ko alam ang plano ni lolo sa amin. "just go with the flow of the program" bulong sa akin ng katabi ko."paano?" 

"ngumiti ka lang, maganda ka naman at maganda ang suot mo ngayon" 

"nambola pa Mr. Mahangin hindi yan uubra."

"Iho, Iha sa bukas pupunta kayo sa akin may ipapakita ako sa inyo."

"Lolo ano naman yun, kapag ganyan ka nakakabigla lahat ng plano mo hindi ko na alam ang gagawin ko, isusumbong na talaga kita kay mama."

"trust me my grandson and my future grand daughter"

Unforgettable RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon