Prologue

4.6K 93 5
                                    


Ano ang gagawin mo kung ang kadugo mo mismo ang magiging pahirap sa buhay mo?

Ilalaban mo pa rin ba o isusuko mo na lang?

Ano ang mas pipiliin mo

Kasiyahan mo o kasiyahan nila?

Pagmamahal mo sa sarili mo o pagmamahal mo sa kanila?

Buhay mo o buhay nila?

Kakayanin mo ba hanggang sa maging ayos na?

...........

"Princess namin"  mabilis naman akong ngumiti at bumaba, tsaka niyakap si kuya Jake na siyang tumawag sa'kin.

"Kuya, good morning" saad ko.

"Good morning"

"Our princess!" biglang sulpot ni kuya Hee sa gilid. "Hindi mo lang ba kami babatiin?" dugtong niya.

"Good morning, kuya" nakangiting saad ko at humalik sa pisngi nila.

"Halina't kumain na" biglang sulpot naman ni mommy.

"Let's go!" masayang saad naman ni baby Niks at hinila ako.

"Dito ka lang sa tabi ko ate" saad niya at iniupo ako sa pagitan nila ni kuya Hoon.

"Okay, let's pray" saad naman ni Mommy.

tumango naman kami at nag ayos na.

"Wait, where's daddy?" saad ni kuya Jake.

"Nako, oo nga pala. Tawagin mo ang daddy mo sa labas at nililinis ang mga kotse" saad ni Mommy.

"Yari ka mommy, kinalimutan mo si Daddy" asar ni baby Niks kay mommy.

"Huwag kang maingay anak" saad ni Mommy. Natawa naman ako.

"Good morning mga anak at asawa kong kinalimutan akong tawagin" biglang sulpot ni daddy kasama si kuya Jake.

Bakit ba ang hilig nilang sumulpot kahit saan?

Napakamot naman si mommy at nag peace sign kay daddy.

may pinag manahan talaga ang mga kuya at baby Niks ko.

"Tara na't magdasal, nagugutom na ako" saad ni kuya Woon.

"Hoy punggok, ikaw mag lead" saad ni kuya Jay kay baby Niks.

"Ba't ako?"

"Ikaw bunso"

"Porket??"

"Magdasal nalang at 'wag na mag reklamo, masama 'yan" saad ni Mommy.

"Ihhh" rinig kong bulong ni baby Niks, kaya pigil akong tumawa.

"Let's bow our head and feel the presence of our Lord Jesus Christ. Lord thank you po sa panibagong araw na ito, thank you po dahil buo kaming pamilya na laging nagsasalo sa araw-araw. Gabayan mo po sana kami at ang mga tao sa labas, sana rin po ay parusahan ninyo ang mga mapang-asar na kuya sa umaga. Ayon lang po, thank you Lord. In Jesus name we pray, Amen"

"Kainan na!" masayang saad nila.

Habang kumakain ay masaya kaming nagtatawanan na tila wala ng bukas.

Tinignan ko naman sila isa-isa at ngumuti.

I love my family so much.

______________________________________

That scene was one of the best memories in my life. I miss my parents, my baby Niks, and my kuya's so much.

Hanggang balik tanaw nalang ba talaga ako sa nakaraan? Hindi na ba talaga babalik sa dati?

Tinignan ko ang picture nila mommy at daddy sa side table ko.

"Mommy, daddy. Pagod na si Samara, pagod na ang prinsesa ninyo" iyak na saad ko.

©All Rights Reserved. 2023

My Seven Brothers Hate Me (Revealing The Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon