Nagising ako na basa ang mukha ko.
Napanaginipan ko nanaman ang nakaraan, na kung saan ay masaya pa kami.
Ang nakaraan na gustong-gusto kong balikan.
Naramdaman ko nanamang pumatak ang mga luha ko.
Tinignan ko ang family picture namin.
Sobrang miss ko na ang magulang namin. Sobrang miss ko na ang mga kuya at si baby Niks, gustong-gusto ko na silang makasama ulit na walang pananakit na kapalit.
Habang umiiyak ako ay may napansin akong nakasilip sa may pintuan ko.
Mabilis akong napatigil sa paghikbi ko.
Mabilis akong bumangon para lalapitan ko sana, kaso mabilis itong umalis kaya hindi ko nalang tinuloy ang pagsilip ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tinignan ang oras.
Alas diyes palang ng umaga.
Muli akong napatingin sa may pintuan, siguro isa siya sa mga kuya ko.
Kung sino man siya panigurado tuwang-tuwa 'yon na ganito ang kalagayan ko. Doon naman kasi sila masaya.
Gusto ko pa sanang mag stay sa kwarto ko at umiyak nalang maghapon pero ipaghahanda ko pa sila na kanilang makakain.
Mabilis naman akong kumilos at nag-ayos.
Hindi naman ako nag a-ayos na kung anong anik-anik sa katawan ko, dahil nasa bahay lang naman ako, mag suklay lang ay ayos na.
After Kong mag ayos ay bumaba na ako.
Pagkababa ko nakita ko si kuya Hee na nakaupo sa couch sa sala habang nanonood ng TV.
Nga pala hindi ko siya napansin kaninang pumasok sa bahay ah?naramdaman niya sigurong may nakatingin sakan'ya, kaya napatingin siya sa direction ko.
Nginitian ko siya na sana ay hindi ko nalang ginawa.
Napahiya lang ako.
Kung dati ay ngingitian niya ako pabalik, pero ngayon? mabilis lang niyang inalis ang tingin sa'kin at humarap na ulit sa pinapanood.
Ano pa nga bang ine-expect ko?
Dumeretso ako sa kusina at doon ay inayos ko ang mga pagkain na lulutuin ko.
Mamaya pa naman ang pasok nila kaya siguro nasa kwarto pa sila, ayos na rin 'yon para hindi ako ma out of place kapag nandito silang lahat at naririnig ko ang tawanan nila.
Maya-maya pa ay natapos ko na lahat at kakain nalang sila, alam kong nasa sala na silang lahat dahil rinig ko na ang tawanan nila.
Siniguro ko munang maayos na ang mga pagkain nila bago ako pumunta sa sala at tawagin sila.
"Mga kuya, Niks" tawag ko sa atensyon nila.
Tumingin naman sila.
"Ano brat tapos na ba, kanina pa ako nagugutom ang bagal mo!" saad ni baby Niks.
"Ahh oo bab-., Niks, pwede na kayong kumain" muntikan ko na siyang natawag na baby Niks!
Noong minsan na tinawag ko siya noon ay tila nandidiri na siya at sinabing tigilan ko na ang kakatawag sakan'ya non. Kaya tanging sa utak o isip ko nalang siya natatawag non.
"Okay" saad niya at tumingin siya kila kuya. "Tara na mga kuya, kainan na!" sigaw niya at pumasan pa kay kuya Jay.
Ngumiti naman si kuya Jay sakan'ya at walang nagawa kung hindi ipasan siya, tumingin naman siya sa'kin at sumama ang mukha niya, ano nga rin bang ine-expect ko, ngingitian niya rin ako?
BINABASA MO ANG
My Seven Brothers Hate Me (Revealing The Truth)
Historia CortaThis story is about a girl, hated by her own seven brothers. Simula noong namatay ang kanilang mga magulang, ang kanyang pitong kapatid na lalaki ay naging napakalayo sa kanya. Tinatrato na nila siyang parang basura at parang hindi na kabilang sa k...