Chapter 7

1.8K 42 1
                                    

Jay's pov:

"I want my Ate" rinig kong bulong ni Niks habang pinupunasan ko siya "Ate Samara, sorry" dugtong pa niya.

Sa tuwing nagkakasakit siya ay ganito siya lagi. Hinahanap niya si Samara, pero sa tuwing ayos na siya ay balik siya sa dati na akala mo ay galit siya.

"Malambot pa rin talaga ang puso niya kay Samara" saad ni Hoon at inabot sa'kin ang bagong basang bimpo.

"I know" saad ko.

"Sa tingin mo ba mali talaga natin?" tanong ni Woon dahilan para mabilis akong tumingin sakan'ya.

"No! Alam natin kung sino ang may mali at may kasalanan Woon" galit na saad ko.

"Chill, sinasabi ko lang" saad niya.

Hindi ko na siya pinansin at muling pinunasan si Niks.

Sobrang init niya. Ayos lang siya kanina pero bigla nalang sumakit ang pakiramdam niya.

"I will tell it to Jay"

"Go on"

Napatingin kami sa may pinto at nakita namin si Jake at Hee na tila nagtatalo.

"Anong sasabihin mo Hee?" tanong ko.

Tumingin naman si Hee kay Jake bago siya tuluyang lumapit sa pwesto namin.

"Yang magaling na si Jake, kaya pala umalis kanina para lang tignan si brat!" saad ni Hee.

"What?" saad ko.

"Para lang doon kaya ka umalis at hindi kumain?" Sun.

"Kapatid din natin si Samara!" galit na sigaw ni Jake.

"Hey, don't shout. Natutulog si Niks" bulyaw ni Hoon.

"So, ngayong kapatid din natin siya?" Hee.

"Mga wala na kayong puso. Sa tingin ninyo ba ay wala rin akong dahilan kung bakit mas pinili kong umalis at tignan siya?"

"Hindi ka namin maintindihan" Woon.

"Hindi ninyo talaga ako maiintindihan dahil hindi ninyo iniintindi!"

"Ano bang pinagsasabi mo?" Hoon.

"Samara"

"What happened to her?" takang tanong ko.

"She's also sick" saad niya. Biglang tumahimik ang buong kwarto. "That's the reason why Niks is also sick. Naalala ninyo bang sa tuwing nagkakasakit ang isa sakanila ay parehas silang nagkakasakit?" dugtong ni Jake.

Right, I forgot.

"How is she?" tanong ko.

"Really Jay? Nagaalala ka na rin sa brat na 'yon?" Hoon.

"Shut up, Hoon. Kapatid pa rin natin siya kahit anong mangyari" saad ko.

Nakita ko ang bahagyang pagngiti ni Jake.

"Huwag kang mag isip na kung ano Jake, galit pa rin ako. Sobrang galit pa rin ako" saad ko dahilan para mag seryoso siya.

"Listen" saad niya kaya tumingin lang kami sakan'ya at hinihintay ang sunod niyang sasabihin "It's not her fau-"

"K-kuya" biglang gising ni Niks.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"Ayos lang, pero please huwag muna kayong maingay" saad niya at muling natulog.

"Kayo kasi ang ingay ninyo" bulyaw ni Sun.

"Lumabas na tayo at magsitulog na rin muna dahil anong oras na" saad ko at inaya silang lumabas.

Nakita ko pa ang pagbuntong hininga ni Jake at sumunod na sa'min.

Ano ba ang gusto niyang sabihin?

Samara's pov:

Nakatulog ako ulit pero maaga rin akong gumising dahil ipaghahanda ko pa sila.

Siguro nagtataka kayo bakit hindi pa ako umaalis sa bahay na 'to, ano? wala akong malilipatan kung sakali at ayaw ko silang iwan.

Dahil gaya nga ng sinabi ko, titiisin ko.

Bumangon ako, ramdam ko pa rin ang  hilo pero hindi ko nalang pinansin.

Sinilip ko ang oras sa cellphone ko, 5 a.m palang.

Naligo muna ako at nag ayos, inalis ko na ang binalot ni kuya Jake sa kamay ko dahil ayos na rin naman kahit papaano, pero halatang bago palang ang sugat dahil namumula at sariwa pa ito.

Pagkababa ko ay dumaretso ako sa kusina para ayusin na ang kakainin nila.

Dahil panigurado magagalit sila kapag nagising silang walang makain.

Nagsimula na akong magluto at inayos na ang mesa after kong ayusin ay kumuha akong panlinis dahil lilinisin ko ang bahay kahit saglitan lang.

Hindi naman sobrang marumi ang bahay namin, inayos ko lang ang mga unan sa couch at nagwalis-walis.

After kong maayos lahat ay ayos na bababa nalang sila at kakain.

Ako? nagugutom, pero walang magawa.

Umupo muna ako sa couch para magpahinga saglit.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbaba nila kaya dali-dali akong tumayo at pinuntahan sila.

"Mga kuya, Niks" tinignan nila ako.  "Ayos na po, pwede na po kayong kumain" saad ko ulit.

Wala naman silang sinabi at 'yon ang pinagtaka ko.

Nakita ko pa si Niks na sumulyap sa'kin, halatang masama ang pakiramdam niya dahil namumutla siya.

Tulad ng lagi kong ginagawa, umupo ako sa couch at hinintay silang matapos.

Nagtataka pa ako kasi parang tila ang tahimik lang nilang kumakain at hindi nagtatawanan.

Dahil siguro may sakit si Niks, siya kasi lagi ang nagsisimula sa kulitan at tawanan nila lagi sa mesa.

After nilang kumain ay inayos ko na at niligpit ang pinagkainan nila.

Habang naghuhugas ay ramdam ko ang hapdi sa kamay ko at pagkahilo.

Hindi ko naman pinapansin dahil kaya ko pa naman. Kaya kong tiisin.

After kong hugasan ay nakita ko ang kamay ko na dumudugo ulit bumuka nanaman kasi ang sugat ko. Hindi naman sobrang lalim ang sugat, pero since bubog iyon ay nahiwa talaga ang palad ko.

Hinugasan ko lang ito at sinabunan, noong makita kong ayos naman na ay lumabas na ako.

Nakita ko sila sa sala nanonood at doon medyo nagtatawanan na sila.

Pero nakakapagtaka pa rin dahil hindi nila ako ginulo. Anong nangyayari sakanila?

Paakyat na sana ako noong makita ako ni kuya Jake.

"Hey"

"Po?"

"Saan ka pupunta, 'musta ang pakiramdam mo? ang sugat mo?" tanong niya dahilan para itago ko ang kamay sa likod.

Baka kasi dumudugo at makita niya!

"Ah sa taas po sana, ayos na rin po ako" sagot ko at ngumiti.

"Okay" Hindi kumbensidong saad niya at tinitignan ang kamay ko na tinatago sa likod.

Ngumiti naman ako.

"Akyat na po ako" saad ko at mabilis siyang tinalikuran.

Paakyat na sana ako pero naramdaman ko nanaman ang pagpitik ng ulo ko.

Kaya mas binilisan kong umakyat.

Humiga muna ako at pinikit ang mata ko, ang sakit!

Parang pinukpok ang ulo ko!

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako.

My Seven Brothers Hate Me (Revealing The Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon