Jay's pov:
flashback
Papasok na ako sa kwarto ko noong madaanan ko ang kwarto ni Samara.
Dahan-dahan ko itong binuksan at parang piniga ang puso ko sa nakita ko.
I saw her crying while looking to our family picture.
Gusto kong lumapit at yakapin siya pero wala akong lakas at sa tuwing iniisip ko ang nangyari ay nangunguna ang galit ko.
I was about to close the door when she suddenly looked at me.
Mabilis akong umiwas at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Muntik na akong mahuli!
Samara's pov:
Ilang minuto lang katahimikan bago ko napagdesisyonang basagin ito.
"Ano po? malalaman ko pa po ba ang kinagagalit ninyo?"
Bumuntong hininga muna si kuya Jake at tumingin sa'kin "We blamed you sa pagkawala nila mommy" deretsong saad niya. Siya na ang nagsabi dahil tila hindi makapagsalita ang mga kapatid namin at nakayuko lang.
Napatingin ako sakan'ya.
Now I know.
"Ako? why me kuya? Anong ginawa ko? bakit ako?" sunod-sunod na tanong ko.
"Noong gabing nawala sila mommy" panimula niya "Hindi ba nagtatampo ka sa kanila?" saad niya at tumango ako.
"Dahil hindi na sila halos umuwi sa bahay, dahil puro business ang inaatupag nila at hindi na tayo naaasikaso" dugtong ko.
Tanda ko 'yon, halos hindi na sila umuwi at kung uuwi man sila ay deretso na sila sa kwarto nila at magpapahinga, tapos kinabukasan ay aalis sila ulit.
Kaya may time na nakompronta ko sila mommy at ayon mismo ang araw na naaksidente sila.
"Sinilip namin kayo sa kwarto noon dahil gusto naming makita ang eksena ninyo. Tapos narinig ka namin na sinabi mo sakanila na gusto mong ice cream para patawarin mo sila" tumigil muna siya sandali "Gaya nung ginagawa namin kapag nagagalit o nagtatampo ka sa'min" dugtong niya.
Tila may idea na ako.
"Tawa pa kami nang tawa noong time na 'yon dahil sa rupok mo sa ice cream at after namin marinig 'yon ay bumaba na kami para maglaro na sa sala" pagpapatuloy niya.
Nakikinig lang ako sakan'ya at hinahayaan siyang magsalita, kahit ang mga kuya ko at si baby niks ay nakayuko lang at nakikinig rin.
"After a couple of minutes bumaba sila mommy at nagpaalam na aalis" saad niya.
"No, no. Don't tell me ang inisip ninyo ay binili nila akong ice cream kaya sila umalis?" tanong ko kay kuya Jake at tumango siya.
Dahilan para mapapikit ako dahil tumama ang hula ko.
"Yes, dahil ayon ang narinig namin bago kami bumaba. Tapos ilang oras lang ay nangyari na ang dapat na hindi mangyari" saad niya.
I knew it!
Umiling ako "No kuya, mali kayo!" napalakas na saad ko.
"I know" mahinang saad ni kuya Jake na sa tingin ko ay ako lang ang nakarinig.
Umangat ang tingin nila kuya Hoon sa'kin at tila nagagalit nanaman sila.
"Mali? paano kami naging mali e rinig na rinig na namin na nagpapabili ka sa kanila!" sigaw ni kuya Hoon, pero imbis na matakot ay gusto kong matawa.
Really? magpapabili akong ice cream sa magulang namin tapos dis oras ng gabi?? Ano bang kalokohan 'yon??
Tumingin ako kay kuya Hoon "Pero umalis kayo agad hindi po ba? kaya hindi niyo narinig ang sunod kong sinabi kuya!" Sigaw ko na.
BINABASA MO ANG
My Seven Brothers Hate Me (Revealing The Truth)
Short StoryThis story is about a girl, hated by her own seven brothers. Simula noong namatay ang kanilang mga magulang, ang kanyang pitong kapatid na lalaki ay naging napakalayo sa kanya. Tinatrato na nila siyang parang basura at parang hindi na kabilang sa k...