Nandito kaming lahat ngayon sa sala at nag mo-movie marathon.
Hindi ko pa rin sila masyadong pinapansin, pero nakikisama naman na ako kahit papaano sakanila.
Alam kong nararamdaman pa rin nila ang panlalamig ko sakanila, pero gaya ko noon ay hindi rin sila nagrereklamo at ang kaibahan nga lang.
Hindi sila nagrereklamo sa panlalamig ko sakanila at ako ay hindi nagrereklamo noon sa pananakit nila. Isa lang ako at pito sila.
Mali.
Anim lang pala talaga, dahil hindi naman talaga nasama si kuya Jake.
Days, weeks and months na rin ang nakalipas noong nalaman nila ang katotohanan at ilang buwan na rin nila akong sinusuyo.
Mag o-one year na rin nga siguro e.
I've already seen their efforts para humingi ng tawad sa'kin.
Para nila akong nililigawan, dahil sa tuwing u-uwi sila ay may dala-dala silang bulaklak.
Na akala nila ay tinatapon ko lang dahil 'yon ang sinabi ni kuya Jake sa'kin. Napapailing nalang ako, dahil ayon nanaman sila sa maling hinala nila.
Ang hindi nila alam ang mga bulaklak na binibigay nila ay tinatago ko sa kwarto ko at iniipoon, andami na ngang nalanta ang nandoon.
Gaya dati, noong nabubuhay pa sila mommy ay ganon na ulit sila sa'kin ngayon. Ultimo langgam ay lalanggamin sa sobrang sweet nila.
Noong una ay inaamin kong sobrang na awkward ako sa mga paganon nila, pero kalaunay ay nasanay na rin ako ulit.
Ilang beses na rin akong muntikang bumigay sa kanila, mabuti nalang ay matibay-tibay pa ako at kinakaya pa rin silang huwag bigyang pansin.
Alam kong nasasaktan na rin sila sa ginagawa ko, pero gaya ko nga noon ay hindi sila nagrereklamo. Ang kaibihan nga lang talaga ay mas malala ang ginagawa nila sa'kin.
And at least now ay bumabawi sila and I guess, that's already enough for me to forgive them? dahil marami na rin silang efforts na ginawa sa'kin na sa tingin ko ay sapat na para unti-unti nilang nahilom ang sakit na ginawa nila sa'kin noon.
Minsan ko na rin silang nakitang umiiyak sa kwarto ni kuya Jake habang nakaluhod sila sa harapan niya. Narinig kong nanghihingi silang payo kung paano ko raw ba sila ulit kakausapin ng maayos, since si kuya Jake lang naman daw ang nakakaalam dahil siya lang ang kinakausap ko at bago pa man ako tuluyang umalis non ay narinig ko si kuya Jake na sinabing sila lang din ang makakaalam non kung pa'no.
Mabuti nalang nga ay umalis agad ako at nagmamatigas ang damdamin ko, dahil kung hindi ay baka muntikan nanaman akong bumigay sa kanila.
Ang gusto ko lang naman talagang mangyari ay makita ko silang pinagsisisihan na talaga nila ang ginawang pagpapahirap sa'kin at ngayong napatunayan kong pinagsisigan nga talaga nila ay handa na ako muling kausapin sila tulad ng dati.
Hindi naman siguro sila iiyak at mag e-effort lagi kung hindi sila nagsisisi?
And I guess, ngayon na mismo siguro ang tawang panahon para muli silang kausapin.
Dahil sa haba ng pagiisip ko ay hindi ko napansing nakakalahati na ang pinapanood namin.
Tinignan ko naman sila isa-isa habang tutok sila sa pinapanood nila.
Si kuya Jay at Jake ay nasa gitna nila ako, habang nasa kabilang gilid naman ni kuya Jay si kuya Hoon at Sun. Magkatabi naman si kuya Hee at Woon sa kabilang couch.
Si Niks? nandito siya sa sahig at nakasandal ang likod niya sa tuhod ko. As usual, hindi nanaman siya humihiwalay sa'kin, kahit na hirap siyang suyuin ako at hindi siya pinapansin masyado.
BINABASA MO ANG
My Seven Brothers Hate Me (Revealing The Truth)
Short StoryThis story is about a girl, hated by her own seven brothers. Simula noong namatay ang kanilang mga magulang, ang kanyang pitong kapatid na lalaki ay naging napakalayo sa kanya. Tinatrato na nila siyang parang basura at parang hindi na kabilang sa k...