THE DAY OF THE ACCIDENT OF THEIR PARENTS.
Samara's pov:
"Anong oras daw ba sila uuwi kuya?" tanong ko kay kuya Jay habang nandito kami sa labas at hinihintay ang pag-uwi nila mommy.
Miss na miss ko na sila. Puro nalang kasi trabaho ang inaatupag nila, nawawalan na tuloy silang oras sa'min.
"Hintayin mo lang, pauwi na raw sila"
"Papagalitan ko talaga sila!" saad ko at natawa naman si kuya Jay.
Nasa loob ang iba ko pang kuya at si baby Niks.
Tanging si kuya Jay lang ang nagpresintang samahan ako rito sa labas kahit na maraming lamok.
Bukod kay kuya Jake si kuya Jay rin ang isa sa palaging nasa tabi ko.
"Ayan na pala sila oh" turo niya sa gate.
Napatingin naman ako sa may gate, nakita ko ang papasok na sasakyan nila mommy.
Mabilis naman akong tumayo ay nilagay ang dalawang kamay ko sa bewang ko at sumimangot.
Mabilis namang lumabas sila mommy at lumapit sa'kin.
"Ang prinsesa namin, I miss you anak" saad ni mommy at niyakap ako. Pero hindi ko siya niyakap pabalik kaya taka siyang bumitaw at tumingin sa'kin.
"May problema ba anak?" tanong niya.
Tinignan ko lang sila, masaya naman akong makita sila kasi maayos sila.
Pero bumusangot pa rin ako at tinalikuran sila.
"Problema non son?" rinig kong tanong ni daddy kay kuya Jay.
"Yari kayo, nagtatampo" rinig ko naman na saad naman ni kuya Jay at tumawa.
Pagkapasok ko ay dare-daretso ako sa loob.
"Ate" rinig ko pang tawag sa'kin ni baby Niks, pero hindi ko siya pinansin.
"Problema non?"
Dumaretso ako sa kwarto at humiga.
Nagtatampo talaga ako, paano kasi wala na talaga silang oras sa'min. Yung bonding namin dati ay bihira nalang namin magagawa sa sobrang busy nila.
Narinig ko naman bumukas ang pinto, alam kong sila 'yon kaya tinakpan kong kumot ang buong katawan ko.
"Anak" saad ni mommy at binaba ang kumot na nakatakip sa mukha ko.
"Anong problema? nagtatampo ka ba kay mommy at daddy?"
Hindi ko siya pinansin at muling tinakpan ang mukha ko gamit ang kumot na siya namang binaba niya ulit.
"Kausapin mo si mommy, magtatampo rin ako sige ka" panakot niya na siya namang effective dahil mabilis akong bumangon at tumingin sakan'ya.
"Eh kasi mommy, daddy wala na kayong oras sa'min. Lagi nalang kayong nasa trabaho, hindi na po natin nagagawa ang mga dati nating ginagawa magkakasama. Miss ko na po 'yon!" saad ko at ngumuso.
Natawa naman si mommy.
"Ikaw talaga, akala ko kung napano ka na" saad niya. "Huwag kang mag-alala anak, kailangan lang talaga naming tapusin ni daddy ang mga dapat tapusin pagkatapos non ay mag bo-bonding na ulit tayong magkakasama, marami lang talagang ginagawa ngayon. Right hon?" saad niya at tumingin kay daddy.
"Yes, kaya huwag ka na magtampororot diyan mahal na prinsesa" pang a-asar ni daddy.
"Daddy!" saad ko at tumawa siya. Lumapit naman siya sa'kin at niyakap ako.
"Babawi kami ni mommy, tatapusin lang talaga namin ang dapat tapusin" saad niya.
Bumuntong hininga naman ako dahil wala na akong magagawa.
"Sige na nga" saad ko at niyakap silang dalawa.
Bumitaw naman sila sa yakap at tinignan ako ni mommy.
"Ano bang gusto mo para maalis 'yang tampo mo?" tanong niya
"Kayo po" saad ko at nagtawanan kami.
"Ay hindi" bawi ko. "Gusto kong ice cream, para mawala na po ang tampo ko sainyo!" saad ko.
Nagtawanan naman kami.
"Sige" saad ni mommy at tatayo na sana sila pero pinigilan ko.
"Luh, bibili po talaga kayo? nagbibiro lang po ako!" saad ko at tumawa.
"Ikaw talagang bata ka" saad nila at muli akong niyakap.
"Hindi naman po kayo mabiro, hindi ko naman po kayo hahayaang umalis na ganitong oras na" saad ko at nagtawanan muli kami.
Maya-maya pa ay narinig naming tumunog ang cellphone ni daddy.
"Wait" saad niya at lumayo sa'ming konti ni mommy.
"Hon, let's go" saad niya at inayang umalis si mommy.
"Why, what happened?" takang tanong ni mommy.
Pinakita naman ni daddy ang cellphone niya dahilan para mabilis siyang tumayo.
Huh?
"Kakauwi niyo lang po ah, aalis na po kayo agad?" malungkot na saad ko.
"Sorry anak, kailangan lang. Mabilis lang kami ni mommy, babalik rin kami agad" saad niya.
"Pero daddy, gabi na po. Pwede po bang bukas nalang 'yan?" tanong ko, dahil anong oras na at delikado na sa labas.
"Mabilis lang talaga kami anak, kailangan lang talaga" pagpupumilit ni daddy.
Wala naman akong magagawa kaya malungkot akong yumuko. Nilapitan naman nila ako at humik sila sa pisngi ko.
"Babalik kami agad, nandiyan naman ang mga kuya mo para bantayan ka kapag wala na kami" saad nila.
"Mag i-ingat po kayo" saad ko at mabilis naman silang lumabas at tila nagmamadali pa.
ano bang nangyayari? sino ba yung tumawag?
Hayst, akala ko pa naman ay makakasama na namin sila ngayong gabi.
.......
Pero akala ko ba ay babalik sila agad?
Ano 'tong nangyayari?
"W-wala na sila mommy, naaksidente sika" saad ni kuya Jake.
Napaupo naman ako sa sahig.
"No, sabihin mong nagbibiro ka lang!" Kuya Hoon
"Sa tingin mo ba ay gagawin kong biro ang mawala sila?!" kuya Jake.
"No fuck, that's not true!" kuya Jay.
"N-no, sabi nila s-sa'kin ay b-babalik silang a-agad"
Sabay-sabay naman silang tumingin sa'kin at masama ang tingin nila.
Bakit gan'yan sila makatingin sa'kin? may nagawa ba ako?
.
.
.
.
.
.
.
.
.Doon nagsimulang mag-bago ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
My Seven Brothers Hate Me (Revealing The Truth)
Short StoryThis story is about a girl, hated by her own seven brothers. Simula noong namatay ang kanilang mga magulang, ang kanyang pitong kapatid na lalaki ay naging napakalayo sa kanya. Tinatrato na nila siyang parang basura at parang hindi na kabilang sa k...