Jake's pov:
Nagulat ako dahil biglang sinuntok ni Jay ang semento.
"I'm so fucking stupid!" Jay.
"A-ate ko" Niks.
"P-paano natin nagawa kay S-samara 'yon?" Hoon
"If only you had listened to me" saad ko at tinalikuran na rin sila.
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Samara.
Noong nasa harap na ako ng pinto niya ay kakatok na sana ako pero rinig ko ang hikbi niya, kaya hindi ko na tinuloy ang pagkatok ko.
Kailangan niya munang mapag-isa at ilabas lahat.
Narinig kong bumukas ang gate kaya sumilip ako.
Nakita kong paalis ang sasakyan nila Jay.
Alam kong iinom sila.
Maya-maya pa ay nakita ko si Niks na paakyat. Noong makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa'kin.
"K-kuya, si a-ate" saad niya at tuloy-tuloy na tumulo ang luha niya.
Niyakap ko naman siya.
"Shh, magpahinga ka muna Niks. Hindi rin gugustihin ni ate Samara mo na makita niyang gan'yan ang kalagayan mo"
"P-pero kuya"
"No buts, let's go" saad ko at hinila siya papunta sa kwarto niya.
Hinintay ko munang makatulog si Niks bago ako tuluyang lumabas para puntahan ulit si Samara.
Panay ang sabi ni Niks kung mapapatawad daw ba siya ng ate niya.
Alam kong hindi naman talaga naalis ang pagmamahal niya sa ate niya.
Nabulag lang din siya sa galit niya.
Jay's pov:
"Bro, tara na uwi na tayo" rinig kong aya ni Hoon pero hindi ko siya pinansin.
"Tayo pa ang may kasalanan kung bakit maging miserable ang buhay ni Samara" saad ko.
"P-pinangako ko kay daddy na aalagaan natin ang prinsesa natin, pero ano 'tong ginawa ko?" saad ko at sinabunutan ang sarili.
"Bro, hindi lang ikaw ang may kasalanan. Lahat tayo, kaya tama na 'yan, umuwi na tayo. Lasing na lasing ka na" Hee.
"Tara na" Woon.
"Buhatin nalang natin" Sun.
"Babawi tayo, hindi tayo titigil hangga't hindi niya tayo napapatawad" saad ko.
Samara's pov:
Pagmulat ko ay si kuya Jake agad ang nakita ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.
"Ayos lang po kuya" saad ko.
Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon, hindi ko alam paano ko haharapin ang ibang kuya ko at si baby Niks.
"I'm sorry" bungad na saad niya.
"Kuya, wala ka pong kasalanan. Sinubukan mo naman po lahat ang makakaya mo" saad ko.
"I'm sorry" saad niya ulit na parang hindi niya ako narinig.
Bumangon naman ako at niyakap siya dahilan para mas yumugyog naman ang balikat niya.
"Tahan na po, papangit ka po niyan" pagpapatawa ko, naging effective naman dahil narinig ko ang mahinang tawa niya.
Humiwalay siya sa yakap namin at tinignan ako.
BINABASA MO ANG
My Seven Brothers Hate Me (Revealing The Truth)
Short StoryThis story is about a girl, hated by her own seven brothers. Simula noong namatay ang kanilang mga magulang, ang kanyang pitong kapatid na lalaki ay naging napakalayo sa kanya. Tinatrato na nila siyang parang basura at parang hindi na kabilang sa k...