Chapter 17

6K 223 51
                                    

Hindi na ako nagsalita pa habang nakasunod lang kina Asher. Baka may masabi na naman akong ikapahamak ko.

I was just listening to Gaia while she's showing us all the rooms and destinations inside the school.

Sa entrada ng iskwelahan ay may malaki roong fountain at malawak na hardin. Actually maluwang talaga ang paaralan dahil may mga lawa kang makikita sa loob sa hindi kalayuan.

Gulat akong lumingon kay Asher nang bigla siyang tumabi sa akin. Iniiwasan ko na ngang dumikit sa kanya para wala na akong masabi pero ito naman ngayon ang dumidikit sa akin.

"You look lost." Saad nito na ikinalingon ko sa kanya.

"Huh?" Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin dahil sa sinabi ko pero imbes na magsalita at ipaliwanag ang sinabi niya ay nailing lamang ito.

Dahil hindi na siya nagsalita ay hindi na rin ako nagsalita, hanggang sa iwan kami nina Gaia sa isang lugar. Pagod na raw kasi maglakad si Asher pero hindi naman halata, baka nag-iinarte lang tapos ako pa ang na pag-utusang samahan siya. Ayaw ko man ay hindi ako tumanggi dahil kapag tumanggi ako ay paniguradong si Hiraya ang papalit sa akin.

"Ah, prinsipe may tanong sana ako." Pagbabasag ko ng katahimikan habang nakaupo kami sa tila bench dito sa likod ng paaralan.

"Hm?" Saad nito habang abala sa kung anong ginagawa niya.

"May past ba si neraida Hiraya at Gaia?" Agad na nagtama muli ang paningin namin at kita ko ang pag-kunot ng noo nito.

"What do you mean by that?" He asked but I know that he knew what I am saying.

"Napansin ko lang kanina, the way they fight earlier, parang may past." I shrugged my thoughts and look at him directly. "Are they past lover?" Agad akong napaigtad sa gulat at sakit nang pitikin niya bigla ang noo ko. "Aray ko naman Asher!" Pigil sigaw kong saad dito pero umayos lang siya ng upo habang titig pa rin sa akin.

"Namo." Gulat akong tumingin sa kanya bago ko siya sinamaan ng tingin. Tumaas naman ang kilay nito na para bang nagtatanong. "You said that means sorry." Napatanga ako dahil sa sinabi niya.

Kita mo talaga ang impluwensiya mo Hermionee, pati kasamahan dinadala mo sa ibang mundo!

"Ah yeah, namo." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman dahil sa pagsisinungaling ko kanina, nakakakosenya kahit wala ako noon.

"Why are you saying sorry?" He asked full of curiosity. Tangina talaga Hermionee!

"Uh—nothing." Saad ko naman. "So meron silang past?" Pag-babalik ko sa kaninang usapan namin para na rin maiiwas ito sa akin.

"I'm not in the right position to tell their story." Saad nito.

"Tinatanong ko lang naman kung meron o wala." Sabi ko. "Pero base sa sinabi mo may past nga." Saad ko pang muli na ikinailing niya. Ayaw talaga niyang sagutin, hinayupak na 'to!

Ano kaya past nila? Are they past lover? At kaylan pa ako naging chismosa at nagkaroon ng interest sa past ng iba?

Mahabagin, Hermionee is completely transforming into different person!



Paulit ulit lang ang routine namin sa mga nagdaang linggo, hanggang sa dumating na naman ang isang araw kung saan titignan na naman nila kung ano ang mga natutunan namin sa mga past lessons and activities.

Crazy to think but this test is literally an absurd idea. We were all assigned to get the egg of the dragon that was living under the active volcano.

Sa pagkakaalam kong history ng bulkan ay halos araw-araw ay sumasabog ito, dito raw kasi mismo naninirahan ang tagabantay ng mga bulkan. So paano pang buhay 'yung dragon doon?

Reincarnated as the feeble daughter of kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon