He offered his hand and as much as I don't want to get it, I did. Sabay kaming humarap sa isang lalaking may suot na mahabang damit na kulay asul at may mga kung anong diyamante rin na nakakabit sa palapulsuhan, leeg, at ulo niya.
It feels like this guy is what they consider as the priest. He's holding a stick that looks like a wand, beside him were a girl and a boy who's holding a small circle foam and above it was the gorgeous glowing crown.
Hawak ng babae ang korona para sa lalaki at hawak naman ng lalaki ang para sa babae.
Ilang minuto ang lumipas bago pareho kaming nasa harapan na at kaharap ang parang pari bago kami sabay na yumuko. Pagkatapos ay humarap kami sa sarili naming mga pamilya at yumuko muli, pagkatapos ako naman ang lumingon sa pamilya ni Asher at ganon din siya sa pamilya ko bago yumuko, at pinakahuling yuko namin ay sa lahat ng nandito.
Kung tatanungin niyo kung para saan 'yon, isa iyong tradisyonal na gawain dito para sa pagbibigay galang.
"As we start this ceremony, let's call their godmothers and godfathers to give them a protections and blessings for this marriage." Agad namang nagsihanda ang karamihan at wala pang isang segundo ay sobrang liwanag na sa amin dahil sa kapangyarihang inilalabas nila. "Nagtipon tipon tayong lahat ngayon dito upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng pangalawang anak ng haring Dreidel Roussaintleigh na si prinsipe Asher Pryle Roussaintleigh at ang bunsong anak ni haring Argus Mckenney na si prinsesa Xianna Azalea McKenney!" He then said. Ang tagal.
Hindi ko alam kung bakit naiinip na ako agad gayong kakasimula palang. Buti sana kasi kung totoong kasal ito, ma-eenjoy ko pa sana.
"Bago natin ituloy ang kasalan, nais ko munang malaman kung may nais bang tumutol sa kasalang ito." Saad nito. Napalingon ako sa mga diwatang nandito at bigla namang natuon ang mga mata ko sa isang babaeng hindi ko inaasahang narito.
Agad akong kinabahan at natanggal ang hawak sa kamay ni Asher na batid kong ikinagulat nang ilang nakakita, lalong-lalo na si Asher.
"Them..." I whispered while she's straightly looking at me. Well, she's invited, her whole royal family was invited of course but...she have Damara, kung pumunta siya rito ay posibleng isinama niya si Damara. Imposibleng iniwan naman niya ito kay Ghaia dahil nandito rin siya.
Nakita kong umiling ito, sakto lang para ipahiwatig na 'wag akong mag-alala. Agad na bumagsak ang tingin ko sa hawak niyang aso sa kandungan niya.
Napalunok ako sa isiping...ginawa niyang aso si Damara. I am pretty sure that that's Damara dahil ramdam na ramdan ko ang dugo kong umaagos sa loob ko nang tumama ang mga mata ko sa aso na iyon.
When I looked at Them again, she smiled at me. Assuring.
Agad naman akong napahinga ng maluwag bago humarap kay Asher na sinundan pala kung anong tinitignan ko kanina.
Masama ang tingin nito kaya kinuha ko na ang atensyon niya sa pamamagitan nang paghawak muli ng mga kamay niya.
My plan was a great success when he look at me straightly, I want to say something but I stopped myself and just looked at him with my emotionless look.
Nang walang marinig na tumutol ay agad itong nagpatuloy sa ginagawa, ang dami pang mga gawain ang nangyari at ang dami pang sinabi nung lalaki bago umusad ang seremonya. Unang nangyari ay ang pagbibigay sa amin nang korona na hawak-hawak noong dalawa na kanina pang nakatayo sa tabi niya. Buti nga hindi sila nangawit e.
They made me kneel first into the small kneeling bench with a cushion in front while Asher's bowed in front. Nakaharap ako ngayon sa mga bisita rito at hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin kaya deretso na lang akong tumingin habang taas ang noo.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the feeble daughter of king
FantasíaXianna Azalea McKenney is known as the weakest daughter of the King of Enchancia Ville wherein it is a world full of magic. The King and Queen almost disown Xianna for being weak because she doesn't want to fight as her step-sister. They were often...